NOTE # 2

6.8K 140 14
                                    

"Tina! Claire!" tawag ko sa dalawa ng makita ko silang naglalakad palabas ng class room nila. Sinadya ko talaga sila dahil may gusto ako malaman. Hindi naman ako pwedeng magtanong kina Boom,nakakahiya. Agad ko silang nilapitan.

"Hi Kayden!" ang sabay nilang sabi.

"Hello!" nakangiti kong tugon.

"Shet,ang gwapo mo talaga ngayon mula ng magka boyfriend ka." kinikilig na sabi ni Tina. Napatingin tuloy ako sa paligid baka may nakarinig.

"Bunganga mo teh! Pero agree ako sayo,tinuturuan ata sya ni fafa Gero na lalo magpa pogi,naglalaway din ako sa isang yon." sabi naman ni Claire. Napahawak ako sa batok ko sa sobrang hiya.

"Kayo talaga. Hindi na kayo nagbago. Gusto ko sana kayong makausap." ang sabi ko habang tinitingnan pa din ang paligid. Hindi pa din ako kumportable na malaman ng buong mundo na lalaki na ngayon ang karelasyon ko. Pero hindi ibig sabihin nun eh kinakahiya ko si Gero. Hindi ganon yon,hindi dapat sya ikahiya.

Nagtinginan silang dalawa saka tumango.

"Tara dun sa tambayan." ani Claire at agad nga kaming tumambay dun. Ang tambayan namin ay isang tree house sa likod ng school. Kami talaga gumawa nun,at dahil pamangkin si Boom ng may ari ng university ay pinayagan kami. Madalas kaming tambay dito nung hindi pa ako na a-aksidente at nako-comatose.

"Ano ba gusto mong malaman Kayden?" ani Claire ng naka akyat na kami at umupo sa tree house.

"Tungkol sa bestfriend kong si Kiyuu at Mariah." sagot ko naman habang nakatingin sa kawalan.

"What about them?" sabi ni Tina kaya nilingon ko ulit silang dalawa.

"Bakit parang nagbago sila? Ano ba nangyari nung mga panahong abala ako sa nagsisimula pa lang naming relasyon ni Gero?" ang sabi ko.

"Oh boy. Alam mo minsan insensitive ka ding lalaki pa. Dati pa man may gusto na si Mariah sayo. Mula nung may mangyari sa inyo nung party ni Andrei. Masyado ka kasing madaming babae kaya hindi mo na napapansin ang iba." ani Tina na ikinagulat ko.

"I was drunk that night,alam nyo naman ako,Im a pervert,a womanizer. At noon yon,pero iba na ngayon. At pano nyo nasabi na gusto ako ni Mariah?"

"C'mon Kayden. Halata sa mga ikinikilos ni Mariah yon. Pero parang bigla nawala yung feelings nya sayo kasi hindi ka na nya masyadong binabanggit dati,but that what's we thought,at ngayon nga na balik tropa ka eh balik feelings na sya. Yon nga lang,taken ka na." ani Claire. Bakit hindi ko napapansin yon? Ganun ba ako kasama at ka insensitive dati? At ngayon nga nasasaktan ko si Mariah ng hindi sadya. Pano ako babawi? Kaibigan lang kasi ang tingin ko sa kanya.

"Kausapin ko na lang kaya sya? Hindi naman kasi sya nagsasabi eh,hindi ko tuloy alam pano ko sya papakitunguhan ngayon." ang sabi ko.

"Yan ang dapat mong gawin. Teka nga bakit hindi mo alam pano sya papakisamahan? Eh youre good at it. Hi pa nga lang ang sinasabi mo sa mga babae eh nagmu-multiple orgasm na sila." sabi ni Tina.

"Bunganga mo teh! Pero agree ako dyan. Go lang Kayden,talk to her,nakaka awa na ang bruhang iyon eh. Mula nung party ng ate ni Dixie naging ganun na sya." pag sabat ni Claire. Nakakatuwa talaga tong dalawang to,walang pinagbago. Buti hindi ko sila pinatos noon. Yung kay Mariah naman kasi sobrang lasing at libog ko nung gabing yon,natatakam ako sa dibdib nya noon.

"Nakaka awa pero ang swerte pa din nya no? Natikman nya ang 7inches na notelya ni Kayden na pinag uusapan ng mga kababaihang natiramisu nya." sabi ni Claire. Tumawa ang dalawa at nag apir. Nakaramdam ako ng matinding hiya. Grabe pala ako dati.

"Huwag na natin pag usapan yan,nakaraan na yan." ang sabi ko sa dalawa. Alam kong namumula na ako. Humagikgik lamang sila. Ang gagaling talaga mang asar ng mga ito.

It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon