Dustine's POV
Pag-gising ko kinabukasan napa-takbo agad ako sa banyo. Tss. Morning sickness. Isang buwan ko na tong nararanasan kaya sanay na ko. Two months na si baby. Yung first month wala akong nararamdaman, then I became nauseous, craving for odd foods, hanggang sa narealize ko na delayed yung period ko. I decided na mag-PT, positive, mag-isa lang ako nun. Di ko pa sinasabi sa barkada. I was so scared that time. Iyak ako ng iyak for a few days. Kaya lang ano pa ba magagawa ko? Edi tanggapin. Nanjan na eh, at ayoko naman gumawa ng bagay na pagsisisihan ko lang naman sa huli. Then as days passes by, natanggap ko na and became happy with it. Excited na nga ako maging mommy eh!
For sure gwapo or maganda 'tong baby ko. Hahaha! Natatandaan ko kasi yung mukha ng daddy niya. Perpekto. Kabisado ko ang mukha nun, dahil bago ako umalis nung umaga kinabukasan ay pinag-sawa ko muna ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.
Wala talaga 'kong masabi sa kagwapuhang taglay niya. His eyebrows are strong and a strong jawline. His nose is just perfect, and he has a very captivating smile. His eyes? Didn't get to see much of it, but I'm he has brown ones and his hair is dark brown. Hindi na rin naman ako lugi diba?
Ginawa ko na yung mahaba kong routine sa umaga. Simulan mo sa pag-ligo, toothbrush, cleanser, toner, moisturizer at body lotion. Oh diba? Sanayan lang sa pagiging late sa school. Dahil makaligtaan na lahat wag lang isa sa mga yan.
Bumaba na ko at pumunta sa dining room. Naabutan ko silang nagbi-breakfast.
"Goodmorning, Preggy." bati ni kuya sakin.
"Goodmorning panget. Goodmorning mom and dad." nag-kiss ako sa kanila.
Naupo ako sa tabi ni kuya. Kakain na dapat ako ng may maamoy akong, err... di ka nais nais.
"Oh ba't di ka pa kumakain princess?" puna ni daddy sakin.
Tinuro ko si kuya at sumimangot.
"Ang baho"
"What?!" react agad ni kuya sabay amoy sa sarili niya.
Humagalpak naman sila mommy ng tawa, "No doubt. Buntis ka nga. Hahaha!" hindi sila naniniwala?
"Ganyan din yung mommy mo nung pinag-bubuntis ang kuya mo." daddy said.
"Tsk. Alis! Alis jan!" hinawi ko si kuya.
"Ano?! Dustine kumakain ako. Edi ikaw ang umalis."
"Alis sabi! Dun ka!" tinuro ko yung kabilang dulo ng mahaba naming dining table. "Dun ka! dali!"
"Edi ikaw." tinuloy niya lang ang pagkain niya.
"Pag-bigyan mo na Jared. Buntis ang princess natin. Ganyan talaga." paliwanag ni daddy.
Wala ng nagawa si kuya kundi pumunta sa kabilang dulo. "Yehey!" I clapped, inirapan naman niya ko.
"Manang!" lumabas naman si manang mula sa kusina.
"Bakit iha?"
"Penge pong gatas ng kalabaw. Yung fresh po ah!"
Dali dali naman itong pumasok sa kusina. Paglabas niya ay may dala na siyang bote ng gatas na may takip na dahon. Sumandok agad ako ng maraming kanin at sinabawan ito ng gatas. Hinalo ko ito at kinain.
SARAAAAAAAAP!! Ganto ba gusto mo baby? Papabili tayo ng marami. Pag-angat ko ng tingin, nakita kong pinapanood nila akong kumain. At naka-ngiti sila.
"Hmm... Gusto nyo?" kahit labag sa loob kong i-share ang pagkain ko.
"Wag na, mukhang kulang pa sayo yan." si kuya.
"Pampam" inirapan ko siya.
"By the way dad, how 'bout her schooling?" tanong ni kuya. Oo nga noh?
BINABASA MO ANG
A Night And A Lifetime *Editting
General FictionNag-simula ang lahat sa one night stand, hindi inasahang mag-bubunga pala ito. Paano kung magkita uli kayo? Pero wait...... Professor mo pala sya! OHMY! - This is just a figment of my imagination.