Dustine's POV
Pinasadahan ko ng tingin ang reflection ko sa salamin. I'm standing in front of my full length mirror, wearing a blue and nude cut out dress. With a pair of white wedges. Naupo ako sa dresser at nag-apply ng light make-up at red lipstick. I just brushed my hair and let it dry.
Parang ngayon lang nag-sink in sakin na, we are going to meet Ethan's parents. And honestly, kinakabahan ako. Alam ko na hindi dapat, dahil wala naman kaming relasyon. But I can't help it! I think naman mabait ang mga magulang ni Ethan, because kaibigan sila ng parents ko. Alam naman nating lahat na parang ang cheap ng dating ko dahil in-anakan ako ng isang stranger na professor ko ngayon.
Natigilan ako sa pag-iisip ng may kumatok. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Bumungad sakin ang pinaka-gwapong nilalang sa paningin ko. Idagdag pa ang weird na kulay ng buhok nito.
"Woah.. Hon, you look beautiful." I felt my cheeks turn red. I really like it when he calls me hon, or whatever endearment. I find it sweet.
"T--Thank you.." Tinignan ko din ang kabuuan niya. He looked utterly handsome! He's wearing nude pants, baby pink V-neck shirt, and a gray blazer. "You look handsome too."
"I know. Matagal na.." Tss. Okay na eh. Ang romantc na sana because we just complimented each other tapos biglang bumanat ng kayabangan. Kundi ba naman mahangin 'tong gagong 'to eh.
"Tss. Tara na!" Nauna na akong bumaba. Natanaw ko naman ang kambal na naka-upo sa sofa at naka-bihis na rin. Moisel is wearing a pink floral dress and a doll shoes, naka-French Braid yung buhok niya at may bow sa dulo. Tapos si Maico naman naka-pink polo shirt. white pants and adidas rubber shoes.
Lumapit ako sa kanila.
"Babies, you ready?"
"Yes mom." They both said.
"Well then, let's go." Napalingon kami sa daddy nila na pababa ng hagdan. How can he take my breath away? Damn.
Ang daldal nung kambal habang nasa biyahe.
"Daddy, mabait ba sila lolo at lola?" Maico asked.
"Of course, son."
"You think they will like us?" Tanong naman ni Moisel.
"Princess, everybody does." Paminsan-minsan niya'ng sinusulyapan ang kambal sa rear-view mirror.
Kung ano ano pa ang tinanong nila. I can't utter any word. Dahil pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Bakit ba kasi ako kinakabahan?! So what kung hindi nila ako gusto?
Lalo pang nadagdagan ang kaba ko ng pumasok kami sa isa pang exclusive village. More than 50 minutes yata kaming nag-biyahe. Huminto siya sa harap ng isang malaki at mataas na gate, gate palang ay nag-susumigaw na ng karangyaan. May kinuha siyang parang device sa compartment tapos ginamit iyon para bumukas ang gate. Hmm...
Halos 500 meters pa yata ang layo ng gate sa pinaka-bahay. May daanan kaming fountain sa gitna at ang malaking garden. Then finally, he stopped the car in front of the threshold. Sobrang ganda at laki ng bahay. Halatang may sinabi sa buhay ang may ari nito.
Nauna siyang bumaba at pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan. Lumakad kami palapit sa malaking pintuan.
Pero natigilan kami ng mag-punta si Moisel harap namin at inayos ang buhok niya. "Mom, mom, maganda pa rin ba ako?" Pare-parehas kaming natawa.
"Of course, princess. Always." Daddy na niya ang sumagot sa kanya.
She clapped her hands at nagpa-buhat sa daddy niya.
BINABASA MO ANG
A Night And A Lifetime *Editting
General FictionNag-simula ang lahat sa one night stand, hindi inasahang mag-bubunga pala ito. Paano kung magkita uli kayo? Pero wait...... Professor mo pala sya! OHMY! - This is just a figment of my imagination.