Chapter 15

138K 1.4K 202
                                    

Dustine's POV 

Tatlong linggo na rin ang lumipas simula ng makilala namin ang parents ni Ethan. Sobrang saya nung kambal kasi daw dalawa ang lolo't lola nila. Gabi na rin kami naka-uwi nun. Inuwi kami ni Ethan sa condo. 

Nandito ko ngayon sa klase ko, at teacher ko si Ethan ngayon. Kanina ko pa gustong matawa dahil sa mga pang-iinis na natatanggap niya. Hahahahahaha!

"Hala Sir, Ba't ka may chikinini sa leeg? at braso?" 

"Oo nga noh? Wow! Ang wild naman nun sir!" 

"Ay chikinini pala talaga! Akala ko kanina pantal lang."  

"Lagot ka sa dean sir!" 

"Naks sir! Binata ka na ah!" 

"Ang hot mo sir, dahil sa marks mo, pero ang cute mo dahil sa buhok mo. Hahaha!"

Hindi siya maka-kilos ng maayos dahil sa mga comment ng mga kaklase ko. Ang lawak lawak na ng ngiti ko. 

Nang-gigil kasi ako sa kanya kagabi eh. 

"Oy GD! Ba't ka ba naka-ngiti diyan? Para kang timang." sambit ni Kier na katabi ko. Parehas nga kasi kami ng schedule diba? At tingnan mo nga naman, GD din ang tawag sakin. Idol niya daw kasi si G-Dragon. Ay nako! Mag-sama sila ni mommy.. 

"Bumanat ka na naman diyan sa kaka-GD mo!" nakairap na sabi ko. 

Magsasalita pa sana siya ng maagaw ng kaklase namin ang atensyon ko, "Ay sir! May pambato kami diyan! Etong Dustine namin may marks din!" 

Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng dugo ko sa pisngi ko. This time, siya naman ang naka-ngisi sa akin, kaya sinamaan ko siya ng tingin. 

"Mukhang wild din ang kasama ni Ms. Villamonte kagabi ah?" nang-aasar na sabi niya. Dahil nga nang-gigil ako sa kanya kagabi, gumanti siya!

Ang laki ng ngisi niya sakin, pero napa-simangot siya ng akbayan ako ni Kier sabay banat ng, "Ako pa! Ganun talaga sir pag si Dustine ang kasama, di maiwasan maging wild. Diba?" nag-wiggle pa siya ng eyebrows niya sakin. 

"Yun oh!" hiyawan ng mga kaklase kong lalaki. 

"Tss. Enough of this." seryoso at malamig na sambit niya kaya natahimik ang mga kaklase ko. 

Nag-simula na siya mag-discuss. Parang tanga, siya nang-aasar tas sya mapipikon.

-- 

Kasama ko ang barkada ngayon at nakatambay kami dito sa garden. Lunch time nila tapos sakto, wala akong prof ngayon tapos vacant ko na yung sunod. Kaya naisipan namin mag-picnic dito. Nag-latag kami ng kumot. Oo wag na mag-taka. May kumot si Josh sa locker niya. Kung san san kasi natutulog yan! 

Kanina pa kami nag-gagaguhan dito. Hanggang sa na-open ang topic tungkol sa amin ni Ethan. 

 "Bakit kayo puro kiss marks ni Sir Ethan?" tanong ni Josh. 

Napakamot ako sa ulo ko at yumuko, "W--wala, nag-harutan lang kami k--kagabi," 

"Kagabi?!" HIndi kasi nila alam na we moved in with Ethan. 

"S--sa kanya na k-kami nakatira." 

"Gosh," Carly breathed, "Dusty, tell me, may nang-yayari ba sa inyo?" Hindi ako naka-sagot agad. 

I don't know what to say. Hindi ko kasi alam kung ang tinutukoy niya ba ay kung nagkaka-mabutihan kami or kung may nangyayari samin sa kama. 

"N--nothing's going on between the two of us. Pinapakisamahan lang namin ang isa't isa for the sake of our kids." sabi ko sa kanila. 

A Night And A Lifetime *EdittingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon