Dustine's POV
"IKAW!!"
Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Wala na. Naunahan na ko. Imbis na sakin nya malaman.
"W--wala akong kasalanan sayo!"
"WAG KA NA MAG-KAILA!!"
"Tss."
Napapitlag ako ng diinan nya ko sa pader. Bakit pag galit ang gwapo pa din nya? Ang perfect talaga ng mukha nya noh? Tapos, yung lips nya ang pula. Yung tipong tinatawag ka para halikan siya, tapos, yung ilong nyang matangos. Tapos yung mata nyang light brown at sobrang expressive. Na parang hinihigop yung kaluluwa mo pag tinitigan mo. Tapos yung boses pa nyang nakaka-buntis. AGGGH!!
"Gail Dustine, hindi ito ang oras para pag-nasahan mo ko!" naiiritang sabi nya.
"O-oy! Tangna 'to! Kapal mo."
"Aminin mo na, akin sila diba?"
"Iyo lang? Atin yun!"
Mariin syang pumikit tapos huminga ng malalim, "Sh*t. Bakit hindi mo sinabi agad sakin?! Fine! Given na na hindi tayo magka-kilala at wala kang panahon na hanapin ako dahil alam naman natin na kayang nyong buhayin ang mga ANAK NATIN. Pero damn! Bakit nung nagkita tayo hindi mo sinabi agad sakin?!"
Aww... Ang sarap naman pakinggan nung ANAK NATIN. Hihihihi... Kinikilig tuloy ako.
"Puta! Pwede bang mamaya ka na kiligin? Pinaguusapan natin ang mga bata for goodness' sake!"
Hmp. Init naman ng ulo nito. Kinagat ko na lang ang labi ko. Lalong nagdilim ang mukha nya.
"Don't do that. May pinaguusapan tayo and It's a serious matter kaya wag mo kong akitin ng ganyan."
Inaakit ko ba sya? Wait. Naaakit ba sya sa lips ko? Hahahahaha!! At dahil dyan. Alam ko na para hindi nya ko sigaw sigawan dito. I encircled my arms around his neck para mapalapit sya ulit sakin. Kumunot naman ang noo nya.
"Sir, wag ka na magalit. Please? Humahanap lang naman ako ng tamang tyempo eh. Alam mo na, hindi naman ganun kadaling sabihin sayo na isa kang sharp shooter diba? Biruin mo yun? 3 point shot yun ah! MVP! Kambal ang trophy!" malambing kong sabi sa kanya.
Hindi nya siguro napansin na naka-pulupot na din ang mga braso nya sa bewang ko. Oh well, ganyan talaga! Hot ako eh! Kaya nga mainit sa pilipinas eh hahahaha! Namumula na yung mukha nya!
"At saka, diba one night stand yun? Hindi naman natin inasahan na magbubunga? Sabi din kasi ng parents ko sa Paris ko na lang iiri ang mga anak natin eh." tapos I thrust my chest out. Nakita ko namang napatingin siya dun. Sobrang effective! Di na nya ko masigawan at hindi na din siya maka-dada. "Kaya alam mo? Bumalik na tayo dun. Siguro tapos na silang kumain. Nag-aaya kasi yung mga bata sa Toy store eh."
Hindi ko na hinintay yung sagot nya. Hinila ko na lang sya pabalik ng resto. Pagbalik namin nasa labas na sila. Hinihintay na lang yata kami.
"Dude, I gotta go. May tatapusin pa ko sa opisina eh." paalam ni Kuya Andrew.
"Sige kuya. Salamat."
"Gago! Salamat ka jan! May kapalit to!"
"Mom, what's gago?"
Pare-parehas nanlaki ang mga mata namin sa tanong nung kambal. Agad naman pinukulan ng masamang tingin ni Sir Ethan si Kuya Andrew.
"Ah... Hehehe. Sorry na. Sige una na ko." nag-kiss siya sa cheeks ni Moisel tapos ginulo naman nya yung buhok ni Maico.
"Bye tito!" sabay na paalam nung kambal.
"Let's go?" tanong ni Sir.
"You're coming with us po?" Maico.
BINABASA MO ANG
A Night And A Lifetime *Editting
General FictionNag-simula ang lahat sa one night stand, hindi inasahang mag-bubunga pala ito. Paano kung magkita uli kayo? Pero wait...... Professor mo pala sya! OHMY! - This is just a figment of my imagination.