Chapter 12

149K 1.5K 316
                                    



Dustine's POV



"They're my parents po."





Natahimik sa table. Natigilan si Kuya sa pag-lamon. Oh God!! Against na ba sila?





"Wow! Really? Alam mo bang kahit na rival company tayo shopping buddy namin ng mom mo ang isa't isa?! Hahaha. Tumatakas pa nga kami sa mga daddy nyo para lang mag-shopping sa Paris eh!"





Literal na napanganga ako sa sinabi ni Mommy. Wait! Hindi sila yung mga cliche business tycoons na galit sa rival company? WOW ah?





"Yeah. Ang hindi nila alam tumatakas din kami ng daddy mo para mag-casino sa Las Vegas at umattend ng mga golf tournament. Hahaha!" Pati si daddy? Well, they must be in really good terms I guess? Bihira ang ganyan right?





"Talaga po? Kaya po pala minsan si Mommy umuuwi ng gabi na may dalang sangkatutak na shopping bags, matapos nyang mawala ng ilang araw. Kaya pala. Hahaha!"



"Ganun na nga. Hahaha. Grabe. Friends pala kayo nitong anak namin." pero biglang nagdikit ang mga kilay ni mommy ng parang may sumagi sa isipan nya, "Teka, diba dalawa lang anak nila? Tapos teacher yung bunso? Ikaw yun? Pano kayo naging friends ni GD?" napa-face palm ako ng tawagin na naman nya akong GD. Srsly? Ang tanda na adik pa sa Kpop. Tinulad pa 'ko kay G-Dragon.



"Ako nga po yun. Student ko po si Dustine."



"Wait! GD! May bagsak ka ba kaya ka nakikipag-kaibigan sa Prof mo?!" taas kilay na tanong ni Mommy sakin.



"Ma hinde! I met him four years ago sa Boracay, after graduation."





Tumaas lalo ang kilay ni mommy maging si daddy ay tinignan na rin kami ng pailalim. T-teka? Ba't ganyan sila makatingin?





"Gail Dustine O. Villamonte, don't tell me sya ang tatay ng mga apo ko?"





Nagkanda ubo ubo naman ako dahil ang bilis nilang na gets yung sitwasyon.



Agad akong inabutan ni Ethan ng tubig.





"Ako nga po."





At halos mamutla ako ng walang kagatol gatol na kinumpirma ni Ethan ang mga magulang ko.





"WHAT?! Dustine ano ka ba! Teacher mo yan!!"



"Ano ka rin ba ma? 4 years ago nga diba? Hindi pa teacher si Ethan nun." sagot naman ni Kuya.



"Oo nga po." Ethan.



"Sino sinong nakaka-alam?" Dad.



"F--Family nya po at tayo, tapos yung b-barkada din po pala." Sagot ko.





Uminom ako ng maraming tubig dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.





"Kung ganun, anong balak nyo pag nalaman sa school yan?" tanong ulit ni Daddy.



"Oo nga. Babae ang anak ko. At ayokong maargabyado yan. Sya ang lalabas na malandi kapag may ibang naka-alam." seryosong sabi naman ni Mommy.



"Alam na po ito ng dean. Twin brother po ni Dad."



"Kahit na. Siguradong kung anu-ano ang iisipin ng mga tao. Ayusin nyo na yan." Kuya.



"Opo."





Kumain na ulit kami. Hindi na nagtanong pa sila Mommy.



After eating dinner umakyat kami ni Ethan sa taas para silipin ang kambal sa kwarto ko. Doon pa rin sila natutulog dahil hindi pa rin tapos ang kwarto nila. Pina-renovate kasi nila mommy ang dalawang guest room, ginawang isa. Tapos connected sa kwarto ko. Kaya mahihilo ka sa dami ng pinto sa kwarto ko. Yung sa balcony, sa closet, yung room door, tapos yung connecting door.



Mahimbing pa rin ang tulog ng kambal. Buti na lang at marami silang nakain sa office. Kundi nalipasan na sila. Dahil for sure, bukas na gigising ang dalawang yan.



Nahiga si Ethan sa tabi ni Moisel at niyakap ito.





"Di ka pa ba uuwi?"



Tumingin lang sya sakin, tapos umiling. "Gabi na kaya. Umuwi ka na." Hindi nya ko pinansin. Umayos lang sya ng higa tapos humigpit ang yakap kay Moisel. Pumikit pa. "Uy, baka abutan ka ng ulan." kanina pa kasi kumukulog. At saka, 7:30 na.



"Ethan ano ba! Aabutan ka sabi ng ulan eh!" pero akala mo'ng walang naririnig. Tss. Problema ba nito?



"Hoy!!"



"Ethan!!" pasalamat sya di ako makasigaw dahil tulog ang mga anak namin!





Lumapit ako sa side nya at hinapas sya ng tsinelas sa hita.





"Umuwi ka na sabi eh!" pero nag-kumot lang sya. Ano ba kasi?!!! Nakakapikon na!!





Hinablot ko sya patayo at halos madapa pa sya. Hinila ko sya sa balcony.





"Ano ba problema mo'ng impakto ka?"





Humalukipkip sya at sumimangot.





"Tss. Ano?! Tarantado ka wag mo ko simulan! Nakakapikon ka na! Kanina mo pa 'ko di pinapansin!" naiiritang sabi ko. Mula kasi ng matapos namin kausapin si Justine, hindi na ako kinausap.



Pinaningkitan nya ako ng mata, "Sino si Justine?!"





Err.. Si Justine? Justine Sy? Bestfriend ko na nakilala ko sa Paris. Tumayong ama ng kambal. Inalagaan ako nung buntis ako.





"Ah... Kaibigan ko."



Lalong naningkit ang mga mata nya. "Kaibigan mo? O baka manliligaw?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.



"N--nagbalak sya. P--pero hindi pumayag yung k-kambal e." Oo. At nanghihinayang ako dun. Crush ko kasi si Justine eh. Canadian Chinese sya na napadpad sa Paris para mag-aral.



"Ayaw ng kambal pero gusto mo naman?!" nakairap na sabi nya.



"Eh ano naman sayo?! DUH!! Ang ganda ko kaya!! Isa lang sya sa mga nagbalak manligaw sakin noh!! Ano bang prob-- T-teka..." ngumisi ako na naging dahilan ng lalong pagkalukot ng mukha nya. Nevertheless, gwapo pa rin. "Nagseselos ka ba?"



Nanlaki ang kaninang naniningkit nyang mga mata dahil sa sinabi ko. Halos matawa din ako ng makita ko kung pano namula ang mukha nya hanggang tenga. HAHAHAHAHAHAHA!! Hule!!



"Ayiieee!! Nagseselos." sinundot ko sya sa tagiliran kaya napa-igtad sya.



"H-Hindi noh!! Tss." nagiwas sya ng tingin. Lumawak lalo ang ngiti ko. Ang cute cute cute nya!! Hahaha.





Niyakap ko sya sa bewang nya at tumingala sa kanya.





"Nagseselos ka eh!" nag-pout ako at nag-pacute sa kanya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.



"Tsk. Bakit Pap tawag sa kanya nung kambal?"



"Pap! Short term of Papa!" dumilim ang mukha nya at diretsong tumingin sakin.





I gulped. B-bad move?





"Bakit papa?! Ako lang ang tatay nila!!" napahiwalay ako sa kanya at napakamot sa ulo. "S-sya kasi yung tumayong tatay nung kambal eh. Saka nag-alaga sakin nung buntis ako." iniwas ko ang tingin ko dahil nakita kong tumalim ang tingin nya sakin. Nakaka-takot!! P--pero, b-bakit ang hot nya???

A Night And A Lifetime *EdittingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon