Ethan's POV
3 days na kaming nakabalik dito sa Manila. Sobrang na-enjoy namin yung bakasyon. Kaya lang, umuwi kami ng puro kami sunburn. Yung mga anak ko, naiiyak kapag nadidikitan ng kung ano, ang hapdi daw ng balat nila.
Putchang sunscreen yan!
Nag-start na yung classes nila kanina, kaya hinatid namin sila. Sabay kaming pumasok ni Dustine, pero sa back gate kami dumaan.
"Hon.." tawag ko sa kanya. Nakasanayan na namin na hon ang tawagan.
"Hmm?"
Hinapit ko siya bewang niya at hinalikan sa pisngi, "Bakit naka-short shorts ka naman?" seryosong tanong ko.
Napatingin siya sa binti niya, "Bakit? Sabi naman nila Sandy maganda yung legs ko ah?" she pouted.
I frowned, "Maganda naman talaga yung legs mo, Dustine. And it's for my eyes only."
I secretly smiled when her face turned crimson. I really love it when she blushed.
Naka-studded distressed short shorts kasi siya tapos dirty white slouchy over-sized sweate and sneakers.
"Eh hon, suot ko na eh."
"Yun nga eh. Maybe I should be the one picking your clothes."
"What?! Seryoso ka dyan?!" I nod. "Aish. Ewan ko sayo. Mauna na nga ako!" nag-lakad na siya papasok ng gate. Sumakay na ulit ako sa kotse ko at nag-drive papunta ng main gate. Iintayin ko na lang siya sa back gate mamayang uwian.
*
"Ehem. May nag-seselos dito."
Nalipat naman yung tingin ko dito sa dalawang ugok na katabi ko. Kasama ko si Josh at Kirby dito sa gym, akalain mong varsity pala 'tong mga 'to! Tapos in-assign na din ako ni Tito na mag assistant coach muna para na din daw matutunan ko yung trabaho ng coach nila na malapit na mag-retire, few weeks from now. Ako daw ang papalit.
At eto nga, nakikita namin mula dito sa gym si Dustine at Kier na naka-tambay sa may garden at nag-haharutan. Bwiset.
"Di pa kasi umamin." Josh, tinignan ko lang sila ng masama.
"Alam mo kasi, Sir. Ang mga babae kapag naiinip na sila sa taong mahal nila, naghahanap na lang ng iba yan. Bahala ka, ikaw din." sabi ni Kirby bago tumayo at bumalik sa pagpa-practice.
Nai-kwento ko na kasi sa kanila yung nangyari nung gabi na yun. Yung akala ni Dustine tulog na ako, tapos sinabi niyang mahal niya 'ko. Nung una nga akala ko nananaginip lang siya eh, pero hindi, matapos niya kasing sabihin yun ay kumanta pa siya.
"Sir, gusto ka namin para kay Dusty, pero utang na loob naman, wag mo ng tangkain na saktan yan." seryosong sabi namin ni Josh at bumalik na din sa practice.
--
Dustine's POV
Vacant namin ni Kier kaya naka-tambay lang kami dito sa may garden. Nagdo-drawing kami.
Dino-drawing ko siya tapos siya din dino-drawing ako. Actually, naglolokohan lang kami dito eh!
"T-teka... Si Sandy Veloso yan nung hindi pa na-make over eh!! Walangya kang lalaki ka!!" hinampas ko sa kanya yung drawing book ko.
"HAHAHAHAHAHAHA!" tuwang tuwa pa siya na napipikon ako ah!
"Sira ulo ka!"
Tumakbo siya kaya hinabol ko siya. Tangnang lalaki 'to!
"Humanda ka talaga sakin pag-naabutan kita!!"
Mas binilisan ko ang takbo, naabutan ko naman siya kaya hinawakan ko ng mahigpit yung damit niya.
BINABASA MO ANG
A Night And A Lifetime *Editting
General FictionNag-simula ang lahat sa one night stand, hindi inasahang mag-bubunga pala ito. Paano kung magkita uli kayo? Pero wait...... Professor mo pala sya! OHMY! - This is just a figment of my imagination.