Pilot

348 9 4
                                    

Mahirap ang maging gwapo. Wala kang kalayaan sa sarili mo. Maraming hahabol-habol sayo. Lahat ng babae nakatingin sayo. Pati mga lalaki nababakla sayo. Nakakatakot.

Susubaybayan nila ang kilos mo. Mula pagpasok sa classroom, hanggang sa paguwi mo. Minsan nga, kakain ka nalang may nakatingin pa sayo. Hindi ko tuloy ma-enjoy pagkain ko. Nakakakilabot.

Itago nyo na lamang ako sa pangalang "Ian". Hindi sa pagmamayabang, pero ako ang pinakagwapo dito sa school namin. Kung inaakala nyong masarap at magaan sa pakiramdam ang maging gwapo.... nagkakamali kayo.

Day 1

First day sa school. Expected ko dito sa school na to walang makakapansin saken. Ferrer-Herella Catholic School. Angsarap pakinggan no? Syempre, angmahal ba naman ng tuition dito. Kung hindi nga lang sa tita ko hindi ako makakapasok dito.

Heto na ako, papasok sa main gate. Medyo nahihiya pa ako kase bago lang ako dito. Nagkalat ang iba't ibang estudyante from different levels. Ay, nga pala, 3rd year na ako. Dapat pa ba akong mahiya? Hmm...

Pakshet! Ano to? Nagtitilian silaaa! Nakatingin sila saken... or sa taong nasa likod ko. As usual, tumingin ako sa likod, baka kasi may artista. Awtsu, wala! Ee sino tinitilian nila, akooo?!

Pagharap ko taena, nagulat ako, lahat sila tumatakbo papunta saken!

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nung una, hindi ako makakilos sa kinakatayuan ko pero kalaunan nang makita kong dose-dosenang palakang tinubuan ng nguso ang papalapit saken, kumaripas na ako ng takbo.

Dahil sa hindi ko pa alam ang pasikut-sikot dito sa school, tumakbo na lang ako ng tumakbo. Kung saan-saan ako dinala ng paa ko. Hanggang napagod ako, di na makakilos mga binti ko. Wala akong maisip na iba pang gawin. Nagmasid ako. Rinig ko ang yabag ng paa nila. Naghanap ako ng mapapagtaguan...  ---nakita ko yung malaking basurahan ---talon sabay tago--- wala nang maisip ee.

(mga yabag)

girl#1: asan na si mr. papabols?

girl#2: hayst, wala na syaaaa!

shoke#1 (oo, may shoke pa silang kasama): hay nako bakla, tara na nga. pinagod lang tayo ni mr. hot baby gwapo eee!

shoke#2: o cge na nga sister! makikita pa naman natin yun!

Shet! Ha-hunting-in nila ako?

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon