Chapter 7 part III: Ang Shoke sa Aking Nakaraan

66 0 0
                                    

Apollo's POV

Sino nga ba ako para sa iyo? Yan ang tanong natin kadalasan 'pag pakiramdam natin ay parang naitataboy na tayo. Yung pakiramdam na hindi ka sigurado kung ano ka ba talaga para sa kanila, kaibigan o kaaway? Ikaw ba yung ninanais-nais nilang lapitan o ikaw ba yung pinapangarap nilang layuan. Ikaw ba yung araw-araw nilang naiisip o ikaw yung sinusumpa nila't kinasusuklaman. 

Bernardo Apollo Padilla ang pangalan ko. Jading aketch ;) Anglayo ng pangalan ko sa kasarian ko, ano? Isa akong malaking mujer sa loob ng isang hombre! (upang maunawaan ang mga lingwaheng ito, bisitahin ang http://badingtionaryphoenix.blogspot.com/2010/10/tagalog-gay-lingo-101.html ) Pero kahit ganoon, mabuti po ang aking kalooban. Yung iba kasi kung makahusga ee noo? Hindi po porket bakla ay kaylangan nang itaboy sa mundo!

Anyway, wag niyo na alamin edad ko. Alam niyo na siguro yun. Kaedaran ko lang si Ian my loves :'> 

Kilala niyo na siya diba? Siya yung matagal ko nang lovidubbs XD simula palang first year. Na love-at-first-sight ako sa kanya nung una kaming magkita. 

Paano kami nagkakilala?

Ganto kasi yun.

First year yun, (di ba obvious? XD) naglalakad mag-isa ang lola niyong pagkaganda ganda sa campus. Wala akong makadaupang-dila nun. Transferee lang aketch at medyo loneeer. Anglungkot-lungkot ng buhay ko nun, pero biglang may nangyari.

May naramdaman akong pagyanig ng sahig. Hala ka, ate, lumilindol ata? Nagpanic sa sobrang bokot ang magandang dilag at naghanap ng shelter! Jusko, ikaw ba naman ano? Biglang lumindol ano kaya gagawin mo? 

Maya-maya lang may narinig akong tilian. Nagtatakbuhan na pala ang mga babaita! AAAAY! Nako bakla patay ka papunta sa direksyon mo!

Pero sinetch itey na hinahabol ng mga babes?

OO! Si Ian! Dun ko siya unang nakita! Hay nakooo, unang kita ko palang sa kanya laglag na ang panty ko! Super GWAPOOOO!

Hay nako, mga shoklabells, angbilis niyang tumakbo, talo pa ang horsy horsy! Natakasan niya agad yung mga palakang yun! 

Sakto pagliko niya, nandoon din ako, nagtatago. Ee kasi naman, mamaya ma-daganan ako nung mga yun ano? Sayang ang beauty ko!

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Hala namamasa ang shonget ko! Grabe na itooo! 

Inakbayan ko si papaaaa.

"Hi papab-ay..." Nakoooo! Pucha ayoko munang magpahalatang hindi straight ang pagkalalaki kooooo. Hayst, kalma, Polly, kalma. Kaya mo yan, ateng! 

"..Kamusta pare."

Nagulat si Ian. Sabagay, ikaw ba naman may biglang umakbay sayo sa likod na kasing ganda koooo.

Hay nako kinikilig na ako, ayoko nang ituloy pa. Basta, dun na kami nagkakilala. Medyo kinakabahan pa nga ako kasi baka malaman na niya agad na bakla aketch. 'Di ko ata kakayaning mawala sa aking piling si Mr. Papabols ng aking buhay! 

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon