Tangina babalik pa ako ng 10. May pa sharp-sharp pa siya ah. Sharp-ukin ko siya ng todo sa muka ee. Ewan ko lang kung magising pa yung bochog na yun.
Dali-dali na akong bumaba at bumalik dun sa may Canteen Area. Nawala yung sakit ng ulo kong dulot ng baklang yun nung maamoy ko yung mga lutong-ulam. Nilapitan ko yung mala-restaurant na canteen namin. White table covers with velvet ribbons. On top was a whole bunch of silverware na nilagyan nila ng mga ulam. Grabe, sobrang sarap ng amoy ng mga ulam dito. Parang hinihimas yung ilong ko. Naalala ko tuloy noong nagpunta kami ng mga parents ko sa isang fancy restaurant malapit sa Heath Pledge street sa may Greenfield Ultra. Madalas na akong nakakapunta sa mga restaurant na pangmayaman but I have to admit, this one was fairly unique unlike the others. Pagpasok ko, sumalubong sa akin yung nakakabighaning amoy ng mga pagkain. Medyo luma yung place pero they managed to beautify every bit and inch nung place para magmukhang elegante. Naalala ko yung mga luto dun; enchilada, shrimp kebab, ratatouille, bittersweet crab chowder, and other weird but good-tasting meals. Pero pinakapaborito ko dun ay yung laing (syempre, all-time favorite ee \m/) na mas pinasosyal with broccoli and diced onion dressing on top. Medyo weird, pero parang mas pinasarap pa yung lasa nang dahil dun.
So ang unang-una kong nilapitan dun sa may canteen ay yung luto nilang laing. Wala akong nakitang weird na dressings o kung ano pa man, pero amoy palang parang sobrang sarap na. Balita ko rin kasi, maraming magagaling na estudyante dito sa school namin pagdating sa pagluluto. Sabi nga nila, isa daw sa specialty ito ng mga taga-FHCS. Sana nga tama sila, kasi may hawak na akong kutsara, ready for my free taste.
Sasandok na sana ako nang biglang may pumalo sa kamay ko. Nabitawan ko yung kutsarang hawak ko at nalaglag ito sa may mismong laing at lumubog -_- tangina kung sino man yung humampas sa kamay ko siguradong may sapok saken to.
Lumingon ako sa likod ng may halong inis. Tangina, kakain ka nalang may mang-iistorbo pa sayo? Aba bastusan hanap neto ah?
Nakahanda na yung kamay kong manapak nang bigla kong makita si Emily. Naka-smirk yung mukha niya and it looks like she's up to something na naman.
"At anung ginagawa ng asyumero at feeling gwapo dito sa canteen mag-isa sa class hours nang walang paalam?" sabi niya saken.
Nag-death glare muna ako sa kanya bago sumagot. Mga ilang segundo lang ay inalis ko na ang tingin ko sa kanya at ibinaling sa mga lutong ulam na nakahilera sa bandang kaliwa ko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal. Pakiramdam ko namumula ako.
"Bakit, ano bang pakialam mo?" sana man lang may matinong mga salita na lumabas sa bibig ko. Sa lahat ba naman ng gagantuhin ko, bakit siya pa?
"'Di mo ba alam na pwede kitang isumbong sa Principal natin na nagka-cutting class ka?"
Sa totoo lang ayos lang sakin yun. Tutal ayoko na naman talagang pumasok ee. Ako lagi ang center of attraction dito sa school. Laging may kakaibang nangyayari sakin dito. Pakiramdam ko artista ako, lahat ng mata nakatingin sa akin. Naiirita ako. Hindi ako sanay ng ganito, at lalong hindi ko pinangarap 'to. Kung ako lang ang masusunod hindi na talaga ako papasok ee, kaso mapilit lang talaga ang magulang ko at saka may babaeng tila nagbibigay sa'kin ng rason para pumasok araw-araw sa eskwela sa kabila ng mga kalbaryong dinaranas ko dito.
"Edi isumbong mo." Di ko talaga alam ang sasabihin sa kanya. Bakit puro pambabastos at pambabara nalang ba ang lumalabas sa bibig ko? Bakit sa kanya pa?
"Ayoko nga! Masususpend ka!" sigaw niya. May halong pagfluctate sa tono ng pananalita niya na tila pinipilit nalang niya na lumakas yung maliit (cute at malaprinsesa) na boses niya. "Pasalamat ka..."
Parang may naramdaman akong kakaibang tono sa huli niyang sinabi.
Pasalamat saan? Bakit parang utang na loob ko pa ata kung bakit ayaw niya akong isumbong sa Principal sa pinaggagawa ko?
Nag-isip ako ng sasabihin ko, pero yung amoy ng laing ay nangingibabaw sa utak ko kaya,
"Edi Thank you. Yun lang pala e.."
Tangina, wala na ba talagang maganda at kaaya-ayang salita ang lalabas sa bunganga ko? Punyemas naman oh.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gwapo
Teen FictionHindi mo mababatid kung kelan darating ang isang bagay. Hindi rin natin malalaman kung kelan ito mawawala.