Special Chapter: Diary ng Corny

68 0 0
                                    

Hahahha! Shet! May diary pala si Ian! Hahaha! Nakakatuwa. Kalalaking tao, merong diary? At talagang itinago pa sa pinakasulok na parte ng bag niya! At ano itong cover, "Science Seatwork Notebook" ? Hahaha! 

Ay sorry, ako nga pala si Sab. Wag niyo na tanungin yung buo kong pangalan. Kinakalkal ko ngayon ang diary ng bestfriend ko XD Ayos, hindi po ba? Nabasa ko yung nilalaman ng diary na ito. Oo, ako yung sinasabi niyang "Corny". Well, sa totoo lang, hindi talaga ako corny dati... Lahat ng mga pangyayari sa buhay ko ay nabaligtad simula nung dumating yung Ian na yun. Hahaha XD But I'm getting ahead of myself. Ikukwento ko ba? Hindi? O cge, ikuwento ko na nga XD

First day of school. Lahat excited na pumasok. Sino bang hindi? Ee si Ian lang naman ata ang takot na takot pumasok sa school dahil sa popularity niya. Kung hindi lang dahil dun sa girl... Ay, secret yun. Yung secret, as in, yung Deodorant? XD 

Naiinis na ba kayo? Anyways, let's get back to the storyyyy.

Ayun. Dati kasi akong sikat dito. As in. Kasi napaka-friendly ko daw and napaka-hot. Hindi naman masyado, konti lang. Kilala niyo si Aljur Abrenica at si Derek Ramsey? Kamukha ko daw yun ee, sabi ni Red. Actually sikat din si Red dito ee, mas sikat nga lang ako. Kilala niyo si Jericho Rosales? Oo, kamukhang kamukha niya yun! Siguro nabasa niyo din siya sa diary na 'to. Kung hindi pa, baka hindi pa naikukwento ni Ian yung tungkol sa kanya.

Naglalakad na ako sa corridor nung makita ko si Ken. Kaibigan ko siya since... hindi ko na tanda. Basta. 

Syempre, kwentuhan kame pagpasok sa room. Ang-ingay nga namin ee. Pinagkukwentuhan namen yung tungkol sa last year. Angdami kasing epic na nangyari last year ee. 

Tawanan kami ng tawanan nang bigla kaming nabulabog sa tilian ng mga babae. Oo, siguro alam niyo na kung bakit. May pumasok. Si Ian. Takte. Istorbo 'tong lalaking to. 

Pero may nakita akong isang babae na nakaupo lang. Hindi siya nakisali sa gulo ng mga malalanding babae na naguumpukan sa may bandang harap ng room. Hindi ko nalang siya pinansin.

Siyempre, nung una hindi ko pa siya kilala noon. Nakipagsiksikan ako sa mga nagkakagulong babae sa may bandang pintuan. Lumabas kasi ulit si Ian nung bigla siyang tangkaing hubaran sa harap ng room. Ngayon, hinaharangan niya yung pinto kasi nagpupumilit yung mga babae at shoke na buksan yung pinto at reypin siya XD Grabe talaga, anglakas ng apog netong si Ian. 

Nasa kalagitnaan na ako ng marinig ko yung sigaw ng isa kong kaklase.

"Si Madam!!!! Tangina, si Madam!"

Nung marinig nila yun, biglang tahimik lahat sabay takbuhan pabalik sa mga upuan nila. 

Si Madam pala yung nakita nila. Sino siya? Siya yung Principal ng school na 'to.

Pagdungaw ni Chcken Legs sa room, tahimik lahat. Tumitig siya ng masama samen pero wala talagang kumikibo.

Galing talaga ng style ng mga estudyante ngayon. 

Nakita niya si Ian. Tinawag niya ito at kinausap. Di ko na alam kung anung pinag-usapan nila. Matapos silang mag-usap, pinapasok na ni Chicken Legs si Mr. Gwapo XD

Umupo siya dun sa may bandang dulo. Medyo loner ata siya. Naisip ko, lapitan ko kaya 'to? Pero wag muna ngayon. Ang-tahimik niya, grabe. Siguro dahil na din sa fact na nakatingin sa kanya halos lahat nung babae, except sa isa. 

Natapos ang araw ng ganu

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon