Chapter 1
Sakit
Pagpasok na pagpasok ko palang sa paaralan ay bumulaga na agad sa akin ang dalawang estrangherong lalaki.
Ang isa ay may hawak na chocolates at flowers. Ang isa naman ay may hawak na teddy bear at isang maliit na regalo.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin. Naramdaman kong sumunod silang dalawa sa akin hanggang sa kinausap na ako ng isang lalaki.
"Hi Quinn! Para nga pala sayo." sabi ng isang lalaki sabay binigay sa akin ang kanina'y hawak-hawak niya.
Tinanggap ko naman ito at nagpasalamat sa kanya.
Sunod naman na kumausap sa akin ay ang isang lalaki.
"Hi Quinn! Ako nga pala si Josh." sabi niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.
"Hi Josh! Nice to meet you." sabi ko at tinanggap ang kanyang kamay.
Pagkatapos kong makipag-usap nang sandali sa kanya at tanggapin ang kanyang regalo ay dumeretso na ako papuntang locker.
Kaya lang, di pa ako nakakalimang hakbang ay nahulog na ang mga dala ko kasama na doon ang bigay sa akin ng dalawang lalaki.
Ang bigat naman kasi ng mga bigay nila eh.
Pupulutin ko na sana ang mga ito nang maunahan ako ng isang lalaki.
"Quinn, ako na lang ang magdadala nito papuntang locker mo" sabi niya.
"Sige. Pero, hindi ba nakakahiya at nakaka-abala sayo?" tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba! Wala to. Ikaw pa!" sabi niya sabay kindat sa akin.
Tumango na lang ako at ngumiti.
Kilala ko itong lalaking ito. His name is Sam. Football player siya. Sobrang daming babaeng babae ang humahanga at nababaliw sa kanya.
Oo nga guwapo siya pero hindi ko tipo ang kagaya niya. Halatang playboy eh.
Hinahanap ko na ngayon ang susi ng aking locker. Nang nahanap ko na ito, agaran ko itong binuksan.
Kalahati pa lang ang nabubuksan ko ay nagkalat agad ang mga love letter galing sa iba't ibang tao sa sahig.
Hindi na ako nagulat. Sanay na akong mapuno minu-minuto ang aking locker ng mga love letters ng iba't ibang tao dito sa school.
Hindi naman kasi nila dapat ito ginagawa eh. Hindi naman sila pinag-aral ng mga magulang nila para manligaw, diba?
Pinulot ko isa-isa ang mga ito. Tinulungan pa ako ni Sam. Pinasok ko ang lahat ng ito sa aking bag.
Kahit na halos maging Smokey Mountain na ang aking kwarto sa bahay, hinding-hindi ko pa rin itatapon ang mga letters na binigay at pinaghirapan ng mga taong humahanga sa akin.
Siyempre naman. Nagbigay sila ng oras at pawis para lang gawin ang mga ito tapos itatapon ko lang?
Nakuha ko na ang dapat kong kunin sa aking locker at napasok ko na rin ang teddy bear at iba pang mga regalong bigay ng iba't ibang lalaki. Buti at nagkasya silang lahat.
Nagpasalamat ulit ako kay Sam at nauna na sa aking klase.
Pagpasok ko sa aming room ay biglang nanahimik ang mga kaklase kong mga lalaki. Di ko na lang sila pinansin at dumeretso na lang sa aking puwesto.
Pero bago ako umupo ay nakita ko ang isang rose sa aking upuan. Tinignan ko ito at nalamang galing ito sa lalaking nagngangalang Xander. Di ko siya kilala pero kinuha ko na lang ang rosas at pinasok sa aking bag.
"Hi Miss Beautiful!" sabi ni Liam na sinundan naman ni Jan at Cris.
"Hello." sabi ko sa kanila.
Ganito ang buhay ko sa paaralan araw-araw. Ayy..hindi lang pala sa paaralan, pati pala sa bahay o kahit saan basta nandoon ako.
Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila sa akin.
Ako lang naman si Quinn Hyacinth A. Buenacoza. Simple. Masipag. Palangiti. Hindi rin ako mahilig maglagay ng kung ano ano sa aking mukha gaya ng lipstick at make-up. Hindi rin ako ganoon katalino at katalentado. Ang alam ko lang ay ang magsketch, magpiano, at magtaekwondo.
Kaya labis talaga akong nagtataka kung ano ba ang meron sa akin na wala sa ibang babae kaya sila ganito kapursigido.
Dahil din dito ay hirap akong makahanap ng totoong kaibigan na babae. Naiinggit kasi sila sa kalagayan ko.
Sa dinami dami nilang lahat, wala sa kanila ang gusto ng puso't isip ko.
Lunch na namin ngayon at nagmamadali akong makalabas sa room na ito upang magtago sa Secret Place ng crush ko.
Baka kasi mamaya may magyaya sa aking makisabay na lalaki sa lunch at irereject ko na naman eh.
Nang successful kong nagawa iyon ay dumeretso na ako sa sekretong lugar kung saan ko siya laging nakikita.
Siya ang lalaking kailanman ay hindi ako nagawang tignan manlang sa mata.
Siya ang lalaking kailanman ay hindi ako pinuri sa aking mga magagandang ginagawa.
Siya ang lalaking kailanman ay hindi ako nagawang kausapin o makipagkaibigan manlang.
Sino? Si Levi Kieffer F. Montellano.
Labis akong humahanga sa kanya. Kahit mahirap lang sila, kinakaya niya parin ang lahat para lang matustusan ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
Tutok na tutok siya lagi sa pag-aaral. Walang oras na hindi niya hawak ang kanyang libro. Wala rin siyang kaibigan dahil hindi siya lumalapit sa kahit kaninong estudyante dito.
Napakamisteryoso niya.
Nandito na ako ngayon sa likod ng malaking puno habang nakatingin ngpatago kay Levi.
Suot niya ngayon ang makakapal niyang salamin na mas lalong nagpapa-attract sa kanya sa aking paningin.
Hindi ko alam kung bakit pag siya ang pinag-uusapan, nawawalan ako ng tiwala sa sarili. Bigla akong nahihiya.
Pero ngayon, susubukan ko ng magpakilala sa kanya. Hindi naman siguro masamang sumubok diba? Wala naman sigurong mawawala.
Palapit na ako ng palapit sa kanya nang bigla niyang naramdaman ang presensiya ko at nilingon ang kinaroroonan ko.
"Quinn?" sabi ni Levi,Inayos niya ang kanyang glasses.
Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"K-kilala m-mo ako?" tanong ko ng tuluyan na akong nakalapit sa kanya.
"Sino ba naman ang hindi nakakakilala sayo? Lalo na dito sa paaralan natin?" pormal niyang sabi.
Tinawanan ko na lang siya at umupo sa tabi niya. Ang tahimik dito.Puro puno lang at mga halaman. Ito siguro ang pinakatagong lugar dito sa school.
"Anong ginagawa mo dito? Naglunch ka na ba? May pagkain ako dito. Gusto mo share tayo?" sabay-sabay kong tanong sa kanya.
"No. It's okay. Busog pa ko." sabi niya habang patuloy pa ring nagbabasa ng libro.
"Ang sipag mo namang mag-aral. Sigurado akong proud ang mga magulang mo sayo!"
Bigla naman napakunot ang kanyang noo at tumingin ng masama sa akin.
May nasabi ba akong masama?
"Tumigil ka na Quinn. Kung ang iba ay napapadali mo sa kagaganyan mo, ibahin mo ako." malamig niya sabi.
Tumayo siya bigla at umalis. Sinundan ko siya.
"Levi! Ano ibig mong sabihin? Sorry pero di kita na-intindihan eh." nakatungo kong sabi.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Quinn, dideretsuhin na kita. Hindi kita gusto at kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan. Sorry pero mahal ko parin ang ex ko. "sabi niiya sabay talikod at iniwan akong luhaan.
Ganoon ba ako siya katalino na nalaman niya pati ang paghanga ko sa kanya?
Ang sakit. Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
My Mind or My Heart?
Teen FictionAlam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang s...