Lifetime
"Payag ka bang ang dugo ni Sam ay mahahaluan ng dugo sa kapatid mo? Malay mo may dugo pala silang dragon na blood type A."
Natawa naman si Levi sa biro ko. Pero kasi parang ang pangit tignan na magkakautang na loob si Levi kay Sam dahil una sa lahat, hindi deserve ni Levi ang magkautang na loob lalo na pagdating kay Sam. Pero dahil usapang kapatid na ito, hahayaan ko na lang siya sa kanyang desisyon. Alam ko namang uunahin ni Levi ang kapakanan ng kanyang kapatid kaysa sa kanyag sarili.
"Ikaw talaga! Payag naman ako basta para sa aking kapatid. Pero ang tanong, payag ba si Sam? Alam mo namang kailanman ay hindi kami naging okay diba?"
Napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano na naman pinagsasasabi ng isang ito?
"Anong ibig mong sabihing hindi kayo okay? Di ba hindi naman kayo gaanong nagpapansinan at wala naman kayong pakealam sa isa't isa diba?"
"W-wala. Ang ibig kong sabihin ay hindi kami ganoong magkakilala para pagbigyan niya ako sa aking hinihiling. At isa pa, alam ko ang ugali ni Sam. Sayo lang siya mabait, Quinn." seryoso niyang sabi.
"Kung ganon, gagamitin ko ang kabaitan niya para mapa-oo natin siya sa ating hiling! Di ba magandang ideya iyon?"
"Hindi ko alam pero palagay ko ay hindi." Tumingin ulit siya sa akin, mata sa mata. "Pagkakausapin o lalapitan mo man si Sam tungkol dito, dapat kasama ako ha? Dapat nandoon ako sa tabi mo."
Naguguluhan man dahil sa kaniyang sinabi ay tumango na lang ako. Ang misteryoso talaga ni Levi kahit kailan.
"Sure! Kung anong gusto at iutos mo, susundin ko." sabi ko sabay tango.
Alam ko naman sa sarili ko na pag si Levi ang usapan, siya ang uunahin ko, mahuli na ang lahat huwag lang siya. Corny ko.
Napagdesisyunan naming dalawa na sumakay na lang ng bus pabalik nang ospital. Actually, hindi namin napagdesisyunan dahil pinilit ko siya, mukha kasing mas mapapamura kami pag bus eh. Noong una ay ayaw niya dahil maliban sa madalas na siksikan ay alam niyang hindi ako sanay sumakay ng bus, pero napilit ko naman siya kalaunan.
At dahil sa sobrang galing ni Levi, tama nga siya, siksikan nga talaga ngayon. Gusto ko sanang magback-out kaya lang nasa loob na kami ng bus nang maisipan ko iyon gawin. Magaling!
My Goodness! Hindi sa nagiinarte ako, pero bakit pa kasi pumapayag tong si Manong magpasakay ng bus gayong mas malala pa sa mga isda sa loob ng sardinas ang dinadanas namin ngayon.
Dahil sa siksikan, ayon tuloy nagkalayo kami ng super konti ni Levi. Distansiya lang ang naglayo sa amin pero ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa aking kanang kamay. Gusto ko sanang kuhanan ng picture, kaya lang dahil sa kalagayan namin ngayon, mukhang kailangan ko pang maging si Lastikman para magawa iyon. At isa pa, tinatamad ako eh.
Gusto ko ring sabihin sa kanyang bumitiw muna sandali kasi nangangalay na ang kamay ko kaya mahina ko itong hinila para makuha ang kanyang atensyon. Ngumanga siya at nagtaas ng kilay sa akin habang suot suot ang nagtatanog niyang mukha. Pasimple kong inaalis ang aking kamay sa kanya ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan sa pagkakahawak. Mas lalo tuloy sumakit.
"Aray!"
Nakuha ko ang atensyon ng ibang mga pasaherong malapit sa kinatatayuan ko. Yes, nakatayo lang po kami kasi siksikan nga. Tumingin rin si Levi sa akin pagkatapos ay sa aking mata na nakatingin sa aming kamay na kanyang pinagsaklop. Ngumuso ako.
Mukha namang nakuha niya ang pinaparating ko dahil agad niyang pinakawalan ang aking kamay. Nabigla ako ng biglang may tumulak sa aking likuran, nilingon ko ito at nakita ang isang babaeng nakasalamin, mukha siyang anghel na mahiyain. Di ko na lang siya pinansin, kasi obvious naman na hindi niya iyon sinasadya, marahil ay dahil lamang ito sa siksikan.
Bigla biglang prumeno ang bus dahilan para magmukha kaming lahat na dagat na paalon-alon lamang kung saan saan. Nakakatawa sana mga mukha ng iba dito, kaya lang di ko magawang tumawa gayong isa rin ako sa kanila. Para kaming nakakaranas ng tsunami dahil sa loko-lokong driver na ito. Hihinto tapos mamaya maya bibilisan, pagkatapos babagal-bagal na naman.
Iyong totoo, driver ba talaga ang isang to o dru addict? Gusto ko sana siyang batukan kaya lang ang layo ng driver. Mamaya na lang siguro pagpababa na kami. Bigla na naman kami inatake ng tsunami, yung ibang mga pasahero ay nagrereklamo na, yung iba naman ay nageenjoy. Akala naman nila nasa bar sila kung makasaya. Umirap na lang ako, nagbabaka sakaling sa tulong nito ay mawala ang pagkastress ko.
Maya maya pa ay nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran. Hindi ko na lang ito pinansin dahil hinahanda ko na ang aking sarili sa paparating na tsunami sa loob ng bus na ito.
Ayan na! Nararamdaman ko na! I can feel it! Pinikit ko ang aking mga mata at kumapit sa malapit na upuan, pero di ako nakaramdam ng ganon. Walang tsunami, walang taong nagtulak sa aking likod, merong mga nagiingay pa rin lalo na ang mga taong nagdidisco disco pero wala akong naramdamang tumama sa aking mukha na braso o kahit ano.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Andito pa rin naman ako sa bus, akala ko kasi parang Narnia na an nangyayari sa buhay ko eh. Agad kong tinignan ang aking likuran at doon ko nakita si Levi, na nakapikit at tila may iniindang sakit. Ang kanyang mga kamay ay nakakapit ng husto sa dalawang upuan na parehong nasa aking gilid. Ganoon na ba ako na-distract sa siksikang eklavu na ito at di ko naisipan na si Levi na ang nasa aking likuran?
Ang galing naman ni Levi! Nasa malayo siya kanina tapos ngayon nasa likod ko na siya, prinoprotektahan ako. Hinarap ko siya at tinitigan sa mata, imagining how blessed I am if he will be with me for a lifetime. Kung mangyayari man iyon.
BINABASA MO ANG
My Mind or My Heart?
Teen FictionAlam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang s...