Smitten
Andito kami ni Levi ngayon sa Secret Place niya. Kanina pa kami nag-uusap at napag-alaman kong sa susunod na linggo na ang kanyang kaarawan.
Iniimbitahan niya kami ni Kuya sa bahay niya. Hindi dapat imbetado si Brick ngunit narinig niya ang usapan namin kanina kaya ayon, nagmakaawa siya kay Levi na imbitahan. May pagkain daw kasi eh.
Kami lang dalawa ang nandito ngayon. Wala sila Brick at Julian dahil napagkasunduan ng dalawa na magtanan daw muna.
Seryoso silang dalawa nang sinabi nila iyon. Pero alam kong gusto lang nila kami mapag-isa.
Sila daw kasing dalawa ang Presidente ng love team namin. Nakakatuwa talaga ang dalang iyon.
Pero Love team nga ba ang tawag kung ako lang naman ang may love para sa kanya?
Kumakain kami ngayon ng mga prutas. Galing ito kay Levi at binigay sa akin.
Sobrang dami nito kanina kaya lang ngayon ay paubos na.Hindi kami ang kumain, kundi si Brick.
Wala siyang ibang gustong gawin kundi kumain. Naimagine ko tuloy na paglaki namin ay papakasalan niya lahat ng mga pagkain sa mundo at matatawag siyang chickboy dahil doon.
Napailing-iling na lang ako at napahagikgik. Kumunot naman ang kilay ni Levi habang nakatingin sa akin.
"Ako ba iniisip mo?" kumpyansang sabi ni Levi.
"Feelingero mo naman masyado!" sabi ko sabay tawa.
"Asuus..Sigurado ako! Ako ang iniisip mo. Di mo naman kailangan pang isipin ako eh. Nandito lang naman ako sa harap mo. Tsaka mo na ako isipin kong wala na ako sa tabi mo."
Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya pero hindi ko na lang ito pinansin.
"Eh hindi naman talaga ikaw eh. Si Brick."
Biglang umasim ang kanyang mukha pagkatapos ay tinapon ang manggang kinakain niya kanina.
"Uy! Hindi naman maasim ang mangga ah?"
"Eh maasim nakuha ko eh.." pagalit niyang sabi.
"Chill ka lang! Wag kang galit. Di naman kita ina-ano eh." sabi ko sabay kain ng dalandan.
"Tsss...chill naman ako ah? Bakit naman ako magagalit ha?! Sa tingin mo ba magagalit ako dahil lang iniisip mo yang Break na yan!" pagalit niyang sabi.
"Brick yun, hindi Break."
"Sige! Total mas close ka doon sa matakaw na iyon, sa kanya ka na lang muna! Galit ako sayo! Tsaka ka na lumapit sa akin pag di na ako galit!"sigaw niya at sumandal sa pader.
"Uy! Akala ko ba di ka galit?"
"Hindi nga sabi ako galit!" sigaw niyang sabi.
"Uy!" sabi ko pero di niya ako pinansin.Nagtulog-tulugan lang siya.
"Mamaya na kita papansinin at titignan!"
"Mga ilang oras?" tanong ko.
"Kita mo na! Tingin mo ba kaya kong hindi ka tignan ng kahit isang oras man lang?!" sigaw niya.
"Siguro." sabi ko.
Di niya na ako pinansin pagkatapos ko iyon sabihin. Nagtulog-tulogan na naman siya.
Akala mo naman hindi obvious na nagpapanggap lang siya. Gumagalaw kaya ang mata at kilay niya.
Wala siyang talent sa pag-aarte. Di gaya ko, kaya kong magpanggap na masaya. Kaya kong ipakitang kaya ko pa.
BINABASA MO ANG
My Mind or My Heart?
Teen FictionAlam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang s...