Chapter 7-Kiliti

59 21 7
                                    

Kiliti

Nagising ako nang may narinig akong sumigaw malapit sa akin.

"Mga walang hiya sila! Hinding -hindi ko ito papalampasin!"

Patuloy ko pa rin naririnig ang pinagsisisigaw ni Kuya pero hindi ko na siya naintindihan.

"Mmmm.."

"Dude! Trey! Gumagalaw na si Quinn!" sigaw ng isa.

"Malamang! Anong akala mo sa kanya, patay na?"

May bigla akong naramdaman na yumakap sa akin. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at doon ko na kita si Kuya at ang mga barkada niya.

Pilit kong inaalala kung ano nga ba ang nangyari bago ako napadpad dito sa clinic.

"Quinn, okay ka lang ba? Wag kang mag-alala, naturuan na namin ng leksyon sila Sam at ang mga barkada niya." sabi ni kuya bago ako hinalikan sa noo.

Sam? Barkada? Naaalala ko na!

Tumayo ako bigla galing sa aking pagkakahiga dahilan para sumakit ulit ang aking tiyan.

"O-ouch!"

"Hinay-hinay lang kasi sa paguupo." sabi ni Drei bago ako inalalayang umupo.

Si Drei ay isa sa mga barkada ni Kuya na naging kaibigan ko na rin.

Pagka-upo ko ng maayos ay nagpasalamat agad ako sa kanya. Tumango lamang siya. Bago siya umalis ay nakita kong namula ang kanyang pisngi.

Luminga-linga agad ako sa paligid. Balak ko na sanang tumayo nang bigla akong pigilan ni Kuya.

"Kuya, si Brick po! Yung kasama ko! Asan siya? Okay lang ba siya?"

"Oo, okay lang siya. Nasa kabilang room siya. Kanina pa siya gising at naka-usap ko na siya kung ano ba ang totoong nangyari."

"Pupuntahan ko po siya."

Tumango si Kuya at inalalayan ako papunta kung saan ang kinaroroonan ni Brick.

Pagkapasok ko sa room niya ay naabutan ko siyang nakadekwatrong upo sa kanyang higaan habang kumakain ng mansanas at nanonood TV.

Akala mo naman eh hindi siya nabugbog kanina.

"Masarap ba?" sabi ko ng tuluyan na akong nakalapit sa kanya.

"Oo! Kaya kainin na natin itong mga prutas na ito bago pa madunot." sabi niya.

Tinapon niya sa akin ang isang mansanas na nasalo ko naman. Umupo ako sa tabi niya.

"Walangya talaga ka talaga kahit kailan. Nabugbog kana nga, may gana ka pang kumain at manood ng TV?"

Napapailing-iling na lang ako sa kanya.

"Tsss...ang tagal mo naman kasing makipag-usap sa Levi na yun kanina eh. Alam mo ba, nagpapasalamat nga ako sa barkada ng Sam na yun kasi dahil sa kanya..excuse ako ngayon sa quiz."

Pinalo ko siya ng mahina sa kanyang braso pero mukhang ako pa ata ang nasaktan.

Ang tigas ah? Magaling!

Tinignan ko kung ano ang pinapanood niya tsaka ako biglang humahalakhak ng sobrang lakas.

"Tom and Jerry?!Hahahahaha" sabi ko sabay tawa.

Napatigil lang ako sa paghahalakhak nang biglang sumakit ang aking tiyan kung saan ako sinuntok kanina ng mga barkada ni Sam.

"O-ouch!"

"Masakeeet?" may panunuyang tanong ni Brick.

Bigla ko naman siya sinakal gamit ang aking dalawang kamay pero kunyari-kunyarian lang siyempre.

Pero imbis na masaktan, tumawa pa ang mokong.

"So, dito pala ang kiliti mo ha?"

"Oh no!"Sabi niya.

"Oh yes!" sigaw ko bago siya kiniliti sa may bandang leeg niya.

Kiliting kiliti siya pero hindi ako tumitigil. Nakakatuwa siyang tignan pagnakatawa eh. Tsaka ang sarap pakinggan ng boses niya pagtumatawa.

Singer siguro itong si Brick.

Tumigil lang ako sa pagkikiliti sa kanya ng may napansin ako.

"Brick, saan nga pala galing itong mga prutas na ito?"

"Ah ito? Bigay ng mga lalaki kanina sayo. Total tulog ka pa naman non, ako na lang muna ang kumain." kibit balikat niyang sabi.

So, akin pala itong lahat. Walangya talaga tong si Brick!

"Eh pano ang mga ito napunta sa kwarto mo?"

"I don't know. Siguro naglakad ako tapos kinuha ko?" pilosopo niyang sabi.

Kaya ayon binatukan ko siya pagkatapos ay kiniliti nanaman sa kanyang leeg. Todo-ilag si Mokong. Takot makiliti.

Natapos ang pagkikiliti ko sa kanya nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon ko ito at doon ko nakita si Levi sa tapat ng upuan.May hawak din siyang prutas at pizza.

"Uhmm..napag-utusan ako ni Ma'am Lagunzad na ibigay daw sa inyo." di siya makatingin ng deretso sa aming dalawa.

"Pasok ka dude!" sigaw ni Brick.

Pumasok naman si Levi at nilagay sa lamesa ang kanyang dala.

Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng pagka-awkward.

"Uhmm..yun lang ang ipinunta ko dito. Mauna na ko."

Tumango lang kaming dalawa at pinanood siyang palapit na ng pinto.

"Dude! Paki-lock na lang ng pinto. Lalabas ang aircon..este lalabas ang hangin ng aircon!"

Sinunod naman ni Levi ang sinabi niya bago tuluyang lumabas.

My Mind or My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon