Bakla
Linggo na pero hanggang ngayon ay selos na selos pa rin ako.
Sino ba kasi yung Mina na yun sa buhay niya?Tsss...
Andito ako ngayon sa labas ng bahay ni Levi pero hindi ako nagpapakita.Nagtatago ako sa malaking puno malapit sa bahay nila.
Ang hilig kong tumago sa malaking puno noh?pansin ko lang.
Napadaan kasi si Brick kanina dito at nakita niya daw na magkasama yung Minahas na yun at si Levi ko.
Ang sweet daw nila sa isa't isa.
Kaya naman ng sinabi ni Brick iyon ay kumaripas agad ako ng takbo papunta sa bahay nila.
May maidudulot din palang maganda ang pagiging madaldalin at chismoso ni Brick.
Bakit kasi ganoon ang mga tipo ni Levi?Yung mga mukhang jejemon na pinaglihi sa mangga ang ulo.
Kailangan ko pa ba maging ganoon para mapansin niya ako?No way!
I can't even imagine myself wearing neon clothes with matching neon shoes. Yuck!!!
No.Hell.Way.Period.Period.Period.
Umuwi agad ako ng bahay at nanghiram kay Mama ng neon niyang damit noong kapanahunan niya.
Luma na ito at mabaho pero wala na akong pake.
Susuutin ko ito.
Tinali ko din ang buhok ko ng pagkataas-taas.Nagmukha na tuloy sungay ng unicorn ang buhok ko.
Ang sakit pala nito sa ulo.
Nagsuot din ako ng neon rubber shoes since ganito ang nakita kong pinares ni Mina kahapon sa kanyang neon na suot.
Masikip na ito sa akin.Bata pa kasi ako nang huli ko ito sinuot eh.Ang sakit sa paa.
Naglagay din pala ako ng napakakapal na blush on sa aking mukha.Lampas-lampas din ang pagkalagay ko ng lipstick sa aking labi.
Kahit nangangati na ako dahil sa allergy ay tiniis ko pa din.
Ito na siguro ang sinasabi nilang tiis-ganda.
Pero hindi naman ako mukhang maganda sa suot at itsura na ito.Para akong clown na sasakay sa isang gulong na bisekleta!
Nakakahiya pero para sa kinabukasan namin ito ni Levi kaya gagawin ko!
Alang-alang sa pagmamahal ko kay Levi!
Bumaba na ako ng hagdan at dumeretso sa kusina.Naabutan ko si Kuyang umiinom ng tubig.
Pinakita ko sa kanya ang aking itsura.Bigla namang natapon sa aking mukha ang tubig na galing sa kanyang bibig.
Yuck!
"What the?!Sino ka?!Paano ka nakapasok sa pamamahay namin?!"sigaw ni Kuya.
"Kuya-"
"Wag mo akong ma-kuya-kuya diyan Bakla!Nagkakamali ka ng pinuntahan!Nasa kabilang kanto ang Children's Party!Wala dito!"
Children's Party?Grabe siya ha!
"Pero Kuya-"
"Mama may Baklang nakapasok sa pamamahay natin!Mama!Papa!Baka pagtangkaan niya ako ng masama!"sabi ni Kuya sabay nag walling drama sa pader.
Bigla naman ako napabaling kay Mama na kakalabas lang ng banyo.
"Oh My Goodness!Paano tayo nalooban ng isang demonyo?!"sabi ni Mama sabay nagsign ng krus gamit ang kanyang dalawang daliri.
Lumabas din si Papa dala dala ang martilyo.
Nanlaki ang mata ko!Ipupokpok niya ba yan sa sarili niya?
"Papa-"
"Kita niyo na?!Bakla nga!Confirm!"sabi ni Kuya sabay pinagtuturo ako.
"Hoy Bakla!Nasa kabilang kanto ang Children's Party!Lumayas ka kung ayaw mong masampulan ng martilyo sa ulo!"
Mga pamilya ko ba talaga tong mga to?Ang OA nila!
"Di niyo ba ko nakikilala?"sabi ko.
"Kita niyo na Pa?Binibrainwash tayo ni Bakla!"sabi ni Kuya.
"Kung ayaw mong lumayas, tatawag na lang ako sa pulis!"sabi ni Mama sabay kuha ng kanyang cellphone sa bulsa.
"Ang OA niyong Lahat!!!!"sigaw ko.
"Ako lang po ito!Si Quinn!Ang Baby niyo!"sabi ko sabay upo sa sofa.
Natahimik naman silang lahat.Marahil ay sa wakas napaniwala ko rin sila sa sinabi ko.
Naiiyak na tuloy ako.Nararamdaman ko na ang likido na nasa gilid ng aking mga mata.
Nakakaiyak.
"Ginawa ko lang naman ito para magustuhan na ako ni Levi eh."sabi ko sabay hikbi.
"Bunso!Paano mo naman kasi nasabing yan ang mga tipo ni Levi?"sabi ni Kuya sabay yakap sa akin.
Niyakap ko din siya pabalik.
Pinasadahan din ako nina Mama at Papa mula ulo hanggang paa.
"Dahil kay Mina.Sa tingin ko ay may gusto siya kay Mina kasi ganoon na lang ang saya niya tuwing nakakasama niya ang babaen yon.Kaya naisipan kong gayahin siya.Kung paano siya manamit, kung paano siya magsalita, at kung paano siya ngumiti.Lahat.Sana ako na lang siya para maging ganoon din sa akin si Levi."desperado kong sabi.
Oo, desperado na talaga ako.Sobra.
Niyakap na din ako ni Mama habang si Papa naman ay huminga ng malalim at pinunasan ang mga luhang tumatakas sa aking mga mata.
"Anak, hindi mo kailangan mag-iba.Di mo kailangan magbago.At mas lalong hindi mo kailangan magmukhang Annabelle the Doll."sabi ni Mama.
"Tama ang Mama mo.Tsaka marami naman diyang iba ah?Yung kaya kang mahalin dahil ikaw si Quinn Hyacinth Buenacoza."sabi ni Papa.
"Hindi naman kaaya-aya ang mukha ng manggang iyon eh!"singit ni Kuya.
"Mangga?"tanong ni Mama.
"Oo, mangga.Mangga kasi hugis ng ulo atsaka ang pangit niya.Ewan ko lang sa ugali."
"Walang wala ang babaeng iyon sa anak naming pagkaganda-ganda at pagkabait-bait."sabi ni Papa habang hinahawakan ang aking baba.
Napangiti ako dahil sa mga sinabi nila.Buti na lang at blessed ako dahil nagkaroon ako ng maayos at masayang pamilya.
Blessed ako at dapat ko iyong ikatuwa at pagpasalamatan.
"Pero hindi ako Bakla."bigla kong sabi na nagpatawa sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
My Mind or My Heart?
JugendliteraturAlam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang s...