Chapter 17-Passenger

24 11 0
                                    

Passenger

Nilibot ko ang aking paningin sa boung banyo.Napatigil ito nang makita ko ang malaking bintana.

Oo nga naman!Bakit nga ba nawala sa isip ko na may malaki kaming bintana.Nakasarado nga lang.

Binuksan ko ito at nagpasalamat ng napagtanto kong kasya siya doon.

Ang kailangan niya lang siguro gawin ay pagsiksikan ang kanyang sarili.Mukhang sanay na naman siya gawin yun eh.

At iyon ang ginawa niya.Inuna niyang pinasok ang kanyang paa at huli ang kanyang ulo.

Tuluyan na sana siyang makakalabas nang bigla siyang humirit ng isang malalim na halik.

Hirap na hirap siya sa kanyang kinatatayuan ngayon kaya agad din natapos ang halik.

Bakit?.....Bakit parang nanghinayang ako?

Tuluyan na siyang umalis at agad ko na mangsinarado ang bintana.Pagkatapos ay binuksan ko na ang pintuan kung saan nandoon ang aking Kuya na ihing-ihi na.

"Quinn?Anak ng!Ikaw lang pala nandyan di mo pa binuksan!"sabi niya sabay nagmadaling pumasok sa banyo.

Nakakatawa ang itsura ni Kuya.Hinintay ko siya hangang matapos.

Pag kalabas niya ay agad kong napansin ang pawis sa kanyang noo kaya agad akong kumuha ng panyo at pinunasan ito.Nginitian niya naman ako.

Bigla naman siyang napakunot at nagsalita na ikinabigla ko."Teka!Kung ikaw ang nasa loob ng banyo kanina, eh asan na si Levi?"

"Uhmm...Kuya, nagpaalam na po siya kanina sa akin na kailangan niya na daw umuwi eh."sorry na sa pagsisinungaling.

Si Levi kasi eh....

"Ganoon ba?Kung ganoon ay naiwan niya ang kanyang bag!"nag-aalalang sabi ni Kuya.

Hala!May Quiz kami bukas sa isang minor subject.Kahit naman minor lang yun ay kailangan pa rin pag-aralan.

"Kuya!Punta tayo sa bahay nila Levi!Kailangan niya magaral kasi may quiz kami bukas!"

"Ha eh?Magpasama ka na lang kay Drei.Ang alam ko ay alam niya kung nasaan ang bahay nila Levi eh."

Bakit hindi siya sumama kung ganoon?Tsss...

"Ganoon ba?Sige sasabihan ko siya."sabi ko sabay punta na sa living room.

Pagdating ko sa living room ay nadatnan kong seryosong nagtititigan si Julian at Drei sa isa't isa.Pareho ding nakakamao ang kanilang mga kamay.

Anong problema ng dalawang ito?Ni hindi manlang nila napansin na nandito na pala ako.Buti na lang at medyo malayo layo na silang dalawa ngayon sa isa't isa.

Tumikhim ako dahilan para mapabaling ang kanilang atensyon sa akin.Tumingin naman ako kay Drei.

"Drei, sabi sa akin ni Kuya na alam mo daw kung saan ang bahay ni Levi.Totoo ba iyon?"

Sandaling kumunot ang kaniyang noo.Nag-aalangan siyang tumango.

Kinuha ko ang bag ni Levi sa sofa malapit kay Julian.

"Kung ganoon ay pwede mo ba akong samahan papunta sa bahay niya?Umuwi na kasi siya at nakalimutan niya ang bag niya eh."

Tumango naman si Drei.Handa na kaming lumabas nang pigilan na naman ako ni Julian gamit ang paghawak sa aking kaliwang kamay.

Tinaasan ko siya ng kilay."Pwede ba akong sumama?"tanog niya.

"Paano si Sierra?"sabi ko.

"Busy siya.Nagpapaturo siya ngayon kay Tita na magbake ng cookies.Atsaka ako na lang ang maiiwan dito eh."sabi niya sabay nguso.

Ginagawa niya yan tuwing nagpapacute siya.

Tumingin naman ako ngayon kay Drei kung okay lang ba sa kanya total ay sa sasakyan niya naman kami sasakay.

Tumingin muna si Drei ng matagal kay Julian at sa kamay naming magkahawak tsaka huminga ng malalim at tumango.

Nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik.

Nagpaalam na ako kay Mama.Kinuha naman ni Julian ang dala-dala kong bag ni Levi.Baka daw kasi nabibigatan na ako.Pinayagan ko naman siya.

Sumakay ako sa passenger seat at si Julian naman ang mag-isa sa likod.

Pinaandar niya na ang kotse patungo sa lugar nila Levi.Tahimik lang kami at mukhang napansin iyon ni Drei kaya nagpatugtog siya ng kanta.

Unang tunog pa lang ay alam ko na ang kanta.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights

And as we go I see the lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Bigla ko naman nakita sa aking gilid na napangiti si Drei sa kanta.

"Tsss.."rinig kong bulong ni Julian sa likod.

Malayo pala ang bahay nila Levi?

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Nakisabay na rin ako sa kanta.Iniisip na kinakantahan ko ngayon si Levi kaya naman ay inayos at ginalingan ko ang pagkanta.

"You have a sweet and amazing voice, Quinn."sabi ni Drei na ikinabigla ko.

"Thanks."sabi ko sabay ngiti.

Hindi naman talaga kagandahan ang boses ko pero hindi naman ito kapangitan din.Sakto lang.Maayos at malambing pakinggan.

Dahil sa sinabi niya ay nahiya tuloy akong kumanta.Siya na tuloy ngayon ang sumasabay sa kanta.


We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her

Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

"Your voice is good, Drei."komento ko.

Ang sarap pakinggan ng boses niya.

Paano kaya pag si Levi ang kumanta?Balita ko kasi ay magaling din yun kumanta eh.Yung pangsinger talaga.

Pagkatapos kong sinabi iyon kay Drei ay nabigla naman ako nang kumanta din sa likod si Julian.Kaya ang nangyari ay para silang nagpapataasan ng tono habang nagdu-duet.

That I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Oh, and I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Hindi ko na lang sila sinaway total ay parang feel na feel naman nila ang pagkanta.Nakinig na lang ako sa kanila habang ginagawang drum ang aking hita gamit ang aking kamay sa sunod-sunod na pagpalo nito ng mahina.Sinasabay ko ang pagpalo sa tono ng kanta.

Oh, and I know this love grow
Oh, and I know that this love grow

Napatigil silang dalawa sa pagkanta nang hininto na ni Drei ang kotse at pinark ito sa gilid.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang inunahan naman ako ni Julian sa pagbukas.Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nginitian ko siya bago lumabas na sa kotse.Narinig ko naman si Drei na nagpakawala ng mabigat na hininga.

Sa wakas!Andito na kami!Makikita ko na ang bahay nila Levi.

Kung saan nakatira ang lalaking papakasalan ko.




My Mind or My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon