Pangit
Sabado ngayon.Walang pasok.Hindi ko makikita si Levi.
Bakit ba hindi na lang lahat ng araw may pasok?Kung baga, wala ng bakasyon o kahit ano.
Dapat araw-araw may pasok, para araw-araw nakikita ko siya.Kahit sa malayo lang.
Nagising ako nang maaga dahil maaga ang pasok ko.Hindi sa school kundi sa taekwondo class ko.
Tuwing sabado kasi ang training namin eh.Pang-hapon sana ako kaya lang ay pina-iba ni Papa ang schedule.Hindi ko alam kung bakit.
Tapos ko ng gawin ang aking morning routine at kumain na rin ako ng cereal for breakfast.
Bumaba na ako sa hagdan at pumuntang living room kung saan nandoon si Kuya Trey.Naghihintay siya sa akin.Siya kasi ang maghahatid sa akin papuntang class ko.
"Buti naman at nandito ka na.Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Zayn eh.Kanina ka pa niya hinihintay sa training niyo."
"Ano naman sabi mo, Kuya?"tanong ko habang tinatali ang sintas ng taekwondo sneakers ko.
"Sabi ko maghintay siya hanggang sa pumuti ang uwak."seryosong sabi ni Kuya.
Nanlaki naman ang aking mata ng napagtantong iyon nga talaga ang kanyang sinabi.Walang halong biro.
"Bakit mo iyon sinabi?Kaibigan ko si Zayn!"sigaw ko sabay bato sa kanya ng cusion pillow.
Umilag lang siya at nagkibit-balikat.
Nauna na ako papunta sa bagong hiram na kotse ni Kuya.Saan niya kaya nahihiram ang mga kotseng nagagamit niya?Mga bigtime ba naman kasi kaibigan kaya waldas dito at waldas doon lang kung makatapon ng pera.
Hindi naman sila ang nahihirapan magkapera kundi ang mga magulang nila.Mga abusado na kasi ang iba.
Sumakay ako sa kotse at sumunod naman si Kuya.
Mabilis kami nakapunta sa klase ko dahil bukod sa hindi gaanong traffic ay hindi rin ito malayo.
Sa labas pa lang ay nakita ko na si Zayn na naka-upo sa labas.Para siyang tambay na nakasuot ng taekwondo suit.
Pareho din kaming blue belt pa lang.Mas okay na rin yun kaysa sa white at yellow belt.
Nilapitan ko siya agad at mahinang sinampal.
"Hoy!Kanina ka pa ba nag-aantay?"
Nag-aalala kasi ako.Baka mamaya akalain na naman ni Coach Gab na nalate din siya gaya ko at mapagalitan din siya.Ang aga aga kaya nito pumasok.Excited siya lagi eh.
"Sanay naman ako mag-antay eh."sabi niya sabay tayo.
Ayan!Diyan siya magaling.Sa mga hugot lines at pagiging pilosopo niya.Kaya nga natutuwa akong kausapin siya kasi hindi siya nawawalan ng mga ganyang banat.
"Paano kung pagalitan ka na naman ni Coach gaya ng dati ng dahil sa akin."sabi ko sabay tungo.
"Ayaw mo noon, sabay tayong papagalitan.Sabay tayong pangangaralan.At sabay tayong magkakaunawaan."sabi niya.
"Dami mong alam!Tara na nga!"
Nagpaalam na kami kay Kuya Trey at nauna na papunta sa klase namin.
Pagpasok namin doon ay nagsisimula na silang magensayo.
"Coach Gab!Andito na po kami!"sabi ni Zayn.
Sana hindi niya na lang ininform si Coach Gab na ngayon lang kami.Nalate lang kami.Total ay hindi niya naman sana mapapansin kung hindi lang papansin tong mkong na ito.
BINABASA MO ANG
My Mind or My Heart?
Ficção AdolescenteAlam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang s...