Halik
Niyaya ko sila Julian at Sierra sa bahay.Pumayag naman sila.
Pinakilala ko rin sila kay Drei at Levi.Bahagya pang nagulat si Kuya Trey at Mama nang nakita silang dalawa.Halatang namiss din nila ang magkapatid.
Kanina ay kwinento ni Julian sa aming lahat.
Nalaman naming last week lang sila nakabalik sa Pinas pero nagstay pa daw sila sa Hotel dahil wala silang mahanap na matutuluyan hanggang sa nahanap nila ang tinitirhan nila ngayon.
"Small world ah?"sabi ni Mama habang binibigay ang juice kay Sierra.
Ganoon ang nangyari hanggang sa tumigil na sa pagtatanong si Mama kay Julian.Parang naging awkward tuloy bigla dahil sa katahimikan.
Napapagitnaan ako ngayon Drei at Julian.Nakasandal ang ulo ni Julian sa aking kanang balikat habang pinaglalaruan niya ang aking buhok.Si Drei naman ay panay dakdak ng dakdak sa harap ni Kuya Trey.Madalas ko siyang mahuling nagnanakaw ng tingin sa akin at kay Julian.
Sa harap ko naman ay si Levi na para bang hindi mapakali.Gusto niya na bang umuwi?
"Levi, naiihi ka ba?"inosente kong tanong.
"Ha?"sabi niya tapos biglang sinundan ng isa pa."Oo!Naiihi ako!Pwede mo ba akong samahan?Di ko kasi alam kung saan banda eh."
Tumango na lang ako.Simple nga ang bahay namin pero hindi naman ito maliit.
Sinamahan ko si Levi dahil alam kong ako lang ang makakatulong sa kanya.Busy sila Kuya eh.Ayaw magpaistorbo.
Tatayo na sana ako nang hinuli ni Julian ang aking kamay.Napabaling agad ako sa kanya.
"Saan ka pupunta?"sabi niya sabay nguso.
"Sasamahan ko lang siya."
"Pero-"tumikhim bigla si Levi at ngumiwi.
Ihing-ihi na ata talaga siya.
Kumawala na ako kay Julian at dumeretso na papuntang C.R namin.
Nang nakarating na kami ay pumasok ako para tulungan siyang buksan ang ilaw.
Pero pagkabukas na pagkabukas ko ng ilaw ay bigla niya naman itong pinatay.Ayon tuloy, wala akong makita.
Itu-turn on ko na sana ulit ang ilaw nang nakarinig ako ng pagsara at paglock ng pinto.
"Nilock mo ba ang pinto?"sabi ko.
"Oo."bulong niya.
Pilit ko pa ring binubuksan ang ilaw pero kinuha niya ang dalawa kong kamay at dinikit ito sa dingding.Nagulat ako sa kanyang ginawa.
Di ko makita ang kanyang ekspresyon ngayon dahil madilim pero ramdam ko naman ang kanyang sunod-sunod na malalim na hininga.
Para bang kanina pa siya nagtitimpi.Parang gusto niyang manapak.Parang iba siya ngayon.
"Levi?Akala ko ba na-iihi ka na?"tanong ko sa kanya.
Pero wala siyang sinagot sa akin.Naramdaman ko na lang na pinagdikit niya ang noo namin.Huminga siya ng malalim.
Hinintay ko siyang magsalita pero wala siyang sinabi.Ramdam kong parang nagkakarera na ang tibok ng aking puso.Sa sobrang lakas ng tibok, pinagpapawisan na rin ako.
W2
Sinubukan kong makawala sa kanyang bisig pero nang naramdaman niyang gagawin ko ito ay hinigpitang niya ang pagkakahawak.Hindi naman masakit pero nawewerduhan ako sa nangyayari.
"Levi, may pro-"hindi na natuloy ang aking sasabihin ng naramdaman kong siniil niya ako ng halik.
Nanlaki ang aking mga mata.Gulat na gulat ako habang nakatingin ng diretso sa kanya kahit na hindi ko siya makita ng maayos dahil sa dilim.
Naramdaman kong gumalaw ang kanyang labi.
Hindi siya tumigil sa kanyang ginagawa hanggang sa naramdaman ko na lang din ang sarili ko na nakapikit at dinadama ang kakaibang pinaparamdam niya sa akin ngayon.
Nakaramdam na naman ako ng mananap.Nakakakiliting mga mananap sa aking tiyan.
Hindi pa rin siya tumitigil at wala akong balak na patigilin siya sa kanyang ginagawa.Pinakawalan niya na ngayon ang aking kamay.Bumaba naman ang kanyang kamay sa aking bewang.
Hinapit niya ako palapit sa kanya habang nakadikit pa rin ang aking likod sa dingding.Pinagpahinga niya ang kanyang kamay sa likod ng aking bewang.
Hindi ko namalayang nasa batok niya na pala ang aking kamay.
Hindi siya tumitigil sa paghalik.
Nanlaki ang mata ko nang bigla ako nakarinig ng tatlong mahinang katok sa labas ng pinto.
"Pare!Ang tagal mo naman umihi!Baka mamaya jebs na yan ha!"sigaw ni Kuya Trey sabay katok ulit.
Sinubukan kong itulak si Levi pero hindi ko nagawa.
Alam kong narinig niya si Kuya pero bakit di pa rin siya tumitigil?Mas lalo niya lang nilalaliman ang halik.
Hindi na ako makahinga kaya buong lakas ko na siyang tinulak.
Kung kailan paubos na ako ng lakas, doon ko siya naisipang itulak.
Magaling!
Napalayo siya sa akin at natigil ang kanyang ginagawa.Nagulat siya sa ginawa ko.
Ginulo niya ang buhok ko habang titig na titig sa aking labi.Hingal na hingal kami pareho.
Bigla akong nataranta nang marinig ko na naman si Kuya sa labas.
"Pare!Lalabas na talaga to!Bilisan mo na oh!"
Napakagat ako sa aking ibabang labi at nilibot ang aking tingin sa aming banyo.
"Isip Levi.Mag-isip ka.Matalino ka naman diba?Paano ito?"tanong ko kay Levi.
Pero mukhang hindi siya nakikinig.Nakatingin pa rin siya sa aking labi.
Bigla siyang ngumiti.
Mukhang wala akong maaasahang tulong sa kanya.
Para ngang mas gugustuhin niya pa kami makita nila kuya.
Napailing iling na lang ako at nag-isip ng paraan.
BINABASA MO ANG
My Mind or My Heart?
Teen FictionAlam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang s...