Success
Halos liparin ko na ang aking sarili papuntang ospital. Hindi ko kakayanin na mapahamak ang aking Levi.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa ospital ay agad akong nagtanong kung saang kwarto dinala ang pasyente.
Nakahinga ako ng maluwag ng napag-alaman kong hindi si Levi ang napahamak, ngunit nag-aalala pa din ako kung sino sa pamilya niya ang sinugod dito sa ospital.
Binuksan ko kaagad ang pintuan ng room nila. Hindi na ako nag-abala pangkumatok. Bigla namang napabaling ang apat na pares ng mata nang binuksan ko ito ng pagkalakas-lakas.
Agad kong tinignan si Levi at tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at yumakap naman siya pabalik. Para kaming ewan dito pero di ko na lang iyon pinansin.
Narinig kong tumawa siya ng mahina....hindi..Hindi iyon tawa dahil ramdam ko ang kalungkutan sa namamaos niyang boses.
Hinarap ko ang mukha niya sa akin. Tinignan ko ang kanyang mukha. Base sa nakikita ko, kakagaling niya lang sa pag-iyak at halata din sa mga magaganda niyang mata na kulang siya sa tulog.
Kung sakali man na maging asawa niya ako, hinding hindi ko siya hahayaang magkaganito. Aalagaan ko siya at aalagaan niya rin ako. Hinding hindi siya mapapagod galing sa trabaho dahil magaaral akong magmasahe, at imamasahe ko siya para makatulog siya ng mahimbing. I'll do anything just for him. My Levi.
"Ano nangyari sa kapatid mo? Balita ko ay pumunta pa daw ang ambulansya sa bahay niyo ah?" tanong ko.
Napag-alaman ko kasing ang nakababatang kapatid niyang lalaki ang sinugod dito sa ospital. Sa pagkakaalam ko ay Cesar ang pangalan ng kanyang kapatid.
Umupo kami sa malapit na sofa. Malapit na malapit din kami sa isa't isa kahit na ang laki laki naman ng espasyong kinauupuan namin.
Binalingan ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Hindi naman pumunta ang ambulansya sa bahay namin ah? Sumakay kaming tricycle papunta dito." sabi niya sabay sinandala ng aking ulo sa kanyang dibdib, malapit sa kanyang balikat.
Napatango na lang ako. Marahil ay mali ang impormasyong nasagap ni Kuya Trey. Huminga ako ng malalim at inangat ang aking ulo para matingnan siya.
"Anong nangyari sa kapatid mo?"
"Hindi ko alam pero may hinala ang Doctor na posible daw itong dengue. Chinecheck pa nila ang dugo ni Cesar. Kung positive, sigurado akong mapapagastos kami ng malaki. Sa gamot, sa doctor, at kung ano ano pang kakailanganin."
"Tutulong ako, Levi. May pera naman akong naipon eh." sabi ko sabay yinakap siya ng mahigpit.
"No. Hindi mo responsibilidad ang kapatid ko." mariin niyang sabi.
"Pero responsibilidad kita. Hindi ko hahayaang magka-kuba ka kakatrabaho para lang magkaroon ng sapat na pera gayong kaya naman kitang bigyan."
"No, Quinn."
Huminga ako ng malalim."Inipon ko rin naman yun para sa kinabukasan natin eh."
Nabigla ako sa aking sinabi kaya agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang aking kanang kamay. Alam kong huli na ang lahat at hindi ko na mababawi pa ang aking sinabi kaya tinanggal ko din ito kaagad.
Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi na para bang na-engganyo siya sa aking sinabi.
"Kung ganon, mas lalo kong itatanggi ang perang yan. Paano na lang kung magka-anak na tayo? Edi wala tayong pambiling gatas ni baby?" sabi niya sabay tawa.
Namula naman ako agad dahil sa kanyang sinabi kaya mabilis kong tinakpan ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay. Pilit niya itong tinatanggal ngunit ayokong makita niyang sobra akong namula dahil sa kanyang sinabi, dahil sa kilig.
Kumaripas ako ng takbo papuntang banyo nang marinig kong humalakhak siya ng sobrang lakas.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa banyo ay agad kong hinilamos ang aking mukha. Umaasang sa tulong ng tubig ay mawawala ang pagkapula ng aking pisngi. Ngunit hindi ito nangyari. Bagkus, domoble pa ang pagkapula nito.
Bakit ba kasi ang bilis kong magblush? Ang puti naman kasi masyado ng pingi ko eh at mamula mula pa.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na din ako sa banyo. Napansin ko kaagad na wala si Lola at ang isa pang nakababatang kaatid ni Levi. Si Levi lang ang nandito at si Cesar. Tulog sila pareho.
Si Cesar ay natutulog sa kama. Si Levi naman ay sa sofa.
Linapitan ko si Levi at umupo sa tabi niya. Tinignan ko ang kanyang maamong mukha. Halata sa kanyang mga mata na may dinadala siyang mabigat na problema. Huminga ako ng malalim bago hinaplos ang kanyang mukha, mula sa kanyang buhok pababa sa natural na pula ng kanyang labi. Tinitigan ko ito.
The first time I laid my eyes to his gentle face, I know, he's the one. And I have no plans to release him, I have no plans to give him away from me.
Pangit man tingnan na babae ang naghahabol, pangit man tingnan na mas baliw pa ako sayo, mahal pa rin kita. That's the only important thing in the world. In my world that will soon to be ours.
"I promise." bulong ko sa aking sarili at sa kanya.
Napatigil ako sa paghaplos nang biglang gumalaw ang kanyang mukha. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mapupungay na mata at sinalubong ko naman siya ng matamis na ngiti.
Aalisin ko na sana ang aking kamay nang bigla niya itong hinuli at sandaling dinikit sa kanyang labi habang titig na titig sa aking mga mata. Pagkatapos niya itong gawin ay pinatong at nilagay niya ito sa kanyang buhok.
Napakunot naman ang noo ko. Anong gusto niyang gawin ko sa kanyang buhok? Kahit ano ay pwede basta siya ang mag-utos, susundin ko.
"Paglaruan mo ang buhok ko, please?" sabay nguso.
Huminga ako ng malalim bago tumango. Ngumisi naman siya at ihiniga ang kanyang ulo sa aking hita para mas madali kong masunod ang kanyang gusto. Nag-umpisa na naman siyang pumikit at matulog.
Pabor sa akin ang lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung anong meron sa amin. Ayoko na lang itong pangalanan, total ay ayoko naman mabigo, lalo na kung ang aking iniisip ay taliwas pala ng kanya. At isa pa, bawal ko pang unahin ang makamundo kong kagustuhan. Bawal pa akong pumasok sa isang relasyon, lalo na pagkaakibat nito ay ang pangakong dapat tuparin. Bawal. Masyado pa akong bata para sa sitwasyong iyon.
Dapat ko munang isipin ngayon ay kung paano ko magagantihan ang aking mga magulang sa lahat ng kabutihang ginawa nila sa akin. Ang pagsakripisyo at pagmamahal na binibigay nila sa akin ay hinding hindi ko matutumbasan, ngunit sana man lang ay dumating ang araw na mapakita ko sa kanila na hindi nasayang lahat ng hirap, pagod, at pawis nila para lang magkaroon ako ng magandang kinabukasan.
At alam kong darating ang araw na iyon. Magtatapos ako ng pag-aaral na may hawak na sandamakmak na medalya. I'll make my parents proud of me until they cry because of joy, and because of my success.
BINABASA MO ANG
My Mind or My Heart?
Teen FictionAlam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang s...