Ang Simula

131 14 0
  • Dedicated kay Zach Louie Illustre
                                    


Her POV

September 11, 1992. Yan ang date kung kelan tayo ipinanganak. Oo. Sabay tayo. Pag minamalas ka nga naman 

o. Siyempre wala naman akong magagawa dun. Pumutok na yung amniotic fluid ng mga nanay natin e. 

Alangan namang pigilan pa nila ang paglabas sa.yo para lang di ako malasin di ba? Dyahe lang. 

Okay na sana ako na same date tayo ipinanganak e. Kaso ang di ko matanggap, bakit ikaw pa yung 

unang ipinanganak? E di mas matanda ka sa akin. Mas mabubully mo ako. Bakit ba kasi ang bagal umiri 

ng nanay ko e? 

Oo na. Wala na akong magagawa dun. Tapos na e. Nairi na tayong dalawa. Ikaw si Marco at ako si 

Hynnah. Exchange names ang naganap e. Ang daya. Porket Yna name ng nanay mo Hynnah na ako at porket 

Marc ang name ng tatay ko Marco na ang name mo. Ano „to? Palitan ng anak? Ang daya talaga. Argh. 

1st Birthday. 

Di ko makakalimutan yan. Parang tan ga lang kasi e. Gumawa pa ng theme mga magulang natin. Ako 

raw si Barbie tapos ikaw si Ken. Wow lang ah? Baby pa lang nirereto na. Ayaw ko nga sa.yo. Hmp. 

Nagwala ako ng nagwala. Ayaw ko kay Barbie. Ang gusto ko si Mickey Mouse saka si My Melody. Pero wala 

naman akong nagawa e. Magulang pa rin natin ang nasunod. As in like hello? Di naman ako 

makakareklamo e. Wala naman akong kakayahan na magsalita. >.< 

2nd Birthday. 

Takte. Barbie at Ken na naman. Srsly, wala na bang maisip na theme ang mga magulang mo? Mukha 

silang Barbie at Ken. Sila lang ang natutuwa e. Argh. 

3rd Birthday. 

Umasa ako na Mickey Mouse na ang theme tapos ikaw naman, Pikachu. Pero wala. Yung walang 

kamatayang Barbie and Ken pa rin ang theme. Taena. Mamamatay ako sa konsumisyon dito e. Barbie, 

Barbie, puro na lang Barbie! Ayaw ko nga kay Barbie e! Alin ba dun ang di nila maintindihan ha? 

Okay. Enough of the birthday parties. Naiirita lang ako lalo e. Bwiset! Bakit ba kasi nauso pa ang 

Barbie?! Mas cute si Mickey Mouse! >.< 

Punta na lang tayo sa schooling namin. Kung di niyo naitatanong, di hamak na mas matalino ako kung 

ikukumpara kay Marco. Top 1 ako. Siya? NVM. Di niyo nanaising malaman. 

Nursery. 

Nagdradrawing ako ng isang butterfly. Bigla kang sumulpot na parang kabute ang inagaw ang 

crayons ko. 

“Aaaaaaaa. Yung kwayon ko!” 

“Wala ka ng kwayon! Bleeeh.” 

“Ticher! Ticher! Niagaw niya yung kwayon ko!” 

“Marco, isoli mo na yung crayon ni Hynnah then say sorry.” 

“Ayaw.” 

“Marco.” 

“Hmp. Ayan na nga!” Sabi mo tapos sabay hagis ng crayons sa akin. 

Di ko alam kung bakit mo ginawa yun pero lalo lang tuloy akong naiyak. Pilit akong pinapatahan ni 

teacher pero di niya ako mapatahan. Hanggang sa lumapit ka sa akin tapos bigla mo akong niyakap. 

Ewan ko ba pero parang automatic e. Pagkayakap mo sa akin tumigil ako sa pag-iyak. Shemay. Kabata-

bata ko pa lang gumaganon na ako. 

“Yiiiiieee.” Sabi ng mga classmates natin. Mas marumi pala utak nila kung ikukumpara sa utak ko. 

Alam ko naman na walang malisya yung hug mo sa akin e. Mukhang kami lang ang nagbigay ng malisya. 

Oo na. Bata pa lang nagkagusto na ako sa.yo. 

Di ka naman talaga panget e. Sinasabi ko lang para di ka yumabang masyado. Para kahit papaano, 

masabi mo na magka-level pa rin tayo. Ako yung payatot tapos sobrang puti at ikaw yung perfect. Nakaka-

imbyerna na lang e. 

“Tara na nga. Wag ka na iyak ah?” Tumango lang ako nun tapos inakay mo ako pabalik sa upuan ko. 

Spell bipolar. M-A-R-C-O. 

Pero kahit ganun, nabihag mo ang puso ko. <3 

Sino? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon