Cold

78 13 0
  • Dedicated kay Bea Fuentes
                                    

Ilang araw na naman akong umiwas sa.yo. Di ko kasi alam kung kayak o pang pigilan yung 

nararamdaman ko para sa.yo e. Kaso kahit anong iwas yung gawin ko, para bang pinaglalapit pa rin 

tayo ng pagkakataon. Kung saan ako pumupunta, tiyempong tiyempo na nandun ka rin. 

Alam mo yung nakakapraning na? Ganun na yung feeling ko e. Naprapraning na ako. Di ko na kasi alam 

yung gagawin ko. Di ko alam kung may sumusunod ba sa akin na nagrereport kung saan ako pupunta 

para makapunta ka rin dun o sadyang nandun ka lang din talaga. 

Ewan ko. Naguguluhan na talaga ako. Gulong gulo na yung utak at yung puso ko. Kasalanan mo kasi „to 

e. Kung sana di ka na lang naging mabait sa akin nung mga bata pa tayo, e di sana, hindi ako 

nagkakaganito. 

Kung di ka sana naging malapit sa akin, e di sana, di kita mahal ngayon. 

“Hynnah, please let.s talk.” Sabi mo sa akin nung nakita mo ako sa library. Gusto ko sanang sabihin na 

may gagawin ako. Na may imimeet ako. Na may iba pa akong palusot. Pero ewan ko ba, parang napako 

na yata yung mga paa ko sa lapag. Di na ako nakagalaw. Di na ako nakapalag. 

“Upo ka muna.” Hinatak mo yung isang upuan saka mo ako pinaupo. Di mo naman kailangang gawin yun 

e. Di naman ako yung girlfriend mo. Bakit mo pa rin ginagawa „yun? 

“Hynnah, ano na bang nangyayari sa atin? Parang di na tayo katulad ng dati e. Namimiss ko na yung dati. 

Namimiss ko na yung dating ikaw.” 

“Ewan ko. Pero kung namimiss mo yung dati, e di bumalik ka dun.” 

“Kung pwede nga lang, ginawa ko na. Baka kung nagawa ko lang „yun dati, iba na yung sitwasyon 

ngayon.” 

“Anong ibig mong sabihin?” 

“H-ha? Wala. Wag mo na lang pansinin yung sinabi ko. Hehe.” 

“Ewan ko sa.yo. Sige. Una na ako ah? Nandyan na yung sundo mo e.” Tinuro ko yung girlfriend mo tapos 

tumayo na ako. Ewan ko kung ako lang „yun pero bakit parang nalungkot ka nung tumayo ako? Guni-

guni ko lang ba „yun? 

Nangangarap na naman ba ako ng gising? 

Pagkatapos nung araw na „yun, di na naman tayo nagkikita. Di na naman tayo nag-uusap. Tama ka. 

Nakaka-miss nga yung dati. Pero kasalanan mo rin naman „yun di ba? Kung hindi ka sana nagka-

girlfriend agad, e di sana, solid pa rin tayo hanggang ngayon. 

Di naman sa ayaw kong sumaya ka, pero nakakainis lang kasing isipin na nababalewala na yung 

friendship natin dahil sa mga naging girlfriend mo. Okay lang kung yung friendship lang yung 

nababalewala mo e. Kaso pati ako nababalewala mo na. 

Sabihin mo, may ginawa ba akong mali? May sinabi ba akong mali? Bakit parang di mo na ako kilala? 

Bakit parang di na kita kilala? 

Ang sakit pala ng ganito. </3 

Natapos yung buong 3rd year natin ng di man lang tayo nakapag-usap ulit. Lumalayo ka na ba sa akin? 

Ito na ba yung katapusan ng pagkakaibigan natin? 

Ganun ganun na lang ba Marco? 

Sana man lang sinabihan mo ako para naihanda ko yung sarili ko. 

Sana man lang sinabihan mo ako para di ako masyadong nabigla. 

Sana mang lang sinabahan mo ako para di ako masyadong nasaktan. 

Sana man lang sinabihan mo ako para di ako umiiyak ng todo ngayon. 

Sana man lang sinabihan mo ako para hindi masyadong nadurog yung puso ko. </3 

Sino? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon