Pagkatapos ng araw na yun, ginawa ko ang lahat para iwasan ka muna. Alam ko nawiwirduhan ka sa
pinaggagagawa ko pero para sa ating dalawa rin naman yun e. Mas okay na na umiwas na lang ako kaysa
yakapin na lang kita bigla dahil di ko mapigilan yung sarili ko.
Kaso di umubra yung pag-iwas ko sa.yo e.
Kahit saan ako pumunta nakikita kita. Sa CR na nga lang yata hindi e. Kahit anong gawin ko, pumapasok
ka sa utak ko. Leche. Isa kang malaking unggoy sa puso ko! Wag ka na ngang sumabit dun!
Pilit mo pa rin akong nilapitan. Di mo na-gets na umiiwas ako sa.yo dahil yun ang makakabuti para sa
atin. Ang akala mo kasi nagtatampo lang ako sa.yo. Kailan ba ako nagtampo sa.yo? Never namang
nangyari yun e.
“Hynnah, mag-usap naman tayo. Please?”
“Okay.” Sabi ko ng walang kagana-gana. Hinawakan mo ako sa kamay ko tapos dinala mo ako sa kung
saan. Nung tayong dalawa na lang, binitawan mo na yung kamay ko.
“Hynnah, nagtatampo ka pa rin ba sa ginawa ko?”
“Alam mo naman na hindi ako marunong magtampo di ba?”
“Alam ko yun pero di ka na kasi sumasabay sa akin. Tapos di mo rin ako kinakausap. Ano bang problema
Hynnah?”
“Walang problema okay? Praning ka lang. Ano na palang nangyari sa crush mo?” Bakit ko nga ba
tinanong yun sa.yo? Ang hirap pala pag nanggaling mismo sa bibig ko. Pakiramdam ko masusuka ako
dahil dun e. Di kayang tanggapin ng katawan ko. >.<
“Ayun. Crush ko pa rin. Hehe. Di ko nga alam kung paano ko siya lalapitan e. Nahihiya ako.” Akala ko
pa naman hindi mo na siya crush. Akala ko pagkatapos ng pag-iwas ko sa.yo marerealize mo yung worth
ko. Hindi pala. Kaibigan pa rin ako at crush pa rin siya. :|
“Ikaw? Nahihiya? Kelan ka pa natutong mahiya?” Sabi ko tapos bigla mo akong binatukan. Gusto kitang
sakalin nung panahong yun. Nanay at tatay ko di ako pinapadapuan sa langaw tapos ikaw babatuk-
batukan lang ako? Sino ka para gawin yun ha?
“Aray ko naman kasi. Kung makabatok naman o.”
“Uy. Sorry. Di ko sinasadya. Ikaw kasi e.”
“Ayos ka rin e? Ako na nga „tong nabatukan ako pa may kasalanan.”
“Sorry na. Tara, libre na lang kita ng shake.”
“Aish. Suhol na naman.”
“Di naman. Pambawi lang. Hehe.” Hinawakan mo ulit yung kamay ko tapos dinala mo ako sa canteen.
Pinaupo mo ako sa isang chair tapos dumiretso ka na dun sa bilihan ng paborito kong shake. After 5
minutes nakabalik ka na. May dala kang 2 shake. Choco yung akin tapos mango yung sa.yo.
Uminom agad ako pagkabigay na pagkabigay mo sa akin nung shake. Aba. Na-miss ko na ang chocolate
shake e. Di kasi ako makabili dahil may pinagiipunan ako.
“Teka. Maiba pala ako Hynnah. Ikaw, sinong crush mo?” Kasalukuyan akong umiinom ng shake nun tapos
bigla mong tinanong sa akin yun. Nasamid ako tapos naibuga ko yung shake sa lamesa. Buti na lang di
kita natamaan. Kainis naman kasi e. Bigla biglang magtatanong ng ganun. Di ako prepared e. :D
“Uy. Okay ka lang ba? Teka. Kuha kita ng tubig.”
“Wag na. Okay lang ako.”
“Sigurado ka?”
“Oo?”
“Tignan mo „to. Patanong pa yung pag-oo mo. Kukuha na talaga kita ng tubig.”
“Wag na nga kasi e. Ang kulit naman o.”
“Oo na. Di na kukuha. Tss. Teka. Sino nga crush mo?” Daig mo pa babae kung makatanong. Alam mo ba
yun? Kung di kita kaibigan, aakalain kong bakla ka dahil sa mga tinatanong mo e.
“Secret. Di mo kilala.” Kasi ikaw yun. Di ko lang masabi e. :|
“Ang daya naman o! Ikaw alam mo kung sino crush ko tapos ako di ko alam crush mo.”
“Crush lang naman e. Di mo ikakamatay yun.”
“Sige na nga. Di na kita pipilitin.” Pagkasabi mo nun, nakahinga na ako ng maluwag. Kaso masyado pala
akong nag-assume. May karugtong pa pala yun.
“Aalamin ko na lang mag-isa!” ASDFGHJKL! Wag naman ganyan please?
BINABASA MO ANG
Sino? (Completed)
Teen Fiction"Sinong crush mo?" Tanong mo sa akin nung GS tayo. "Sinong gusto mo?" Tanong mo sa akin nung HS tayo. "Sinong mahal mo?" Tanong mo sa akin nung College tayo. Kung sasabihin ko ba ang totoo tatanggapin mo? Kung aaminin ko ba na ikaw lang ang maha...