Prom

67 13 0
  • Dedicated kay Jackie May L. Antillon
                                    

4th Year High School. 

Lumipas yung summer at mismong araw ng pasukan na di tayo nagpapansinan. Ano na ba talagang 

nangyari sa atin Marco? Ganun na lang ba talaga „yun? 

Di ka man lang ba mag-eexplain? 

Kasi umaasa pa rin ako na magkakaayos tayo e. Umaasa ako na kahit di na tayo classmates, may pag-

asa pa rin na maging mag-bestfriends ulit tayo. Kahit simpleng sabi lang naman ng reason kung bakit ka 

biglang lumayo tatanggapin ko e. 

Kaso bakit pati „yun pinagkait mo pa? 

Nagkikita tayo tuwing break time at dismissal. Pero kahit simpleng pag-wave o pag-ngiti di mo na rin 

ginagawa. Takte. Kung ayaw mo naman na sa akin pwede mo namang sabihin „yun ng diretso e. Hindi 

yung ganito. Mas masakit yung ginagawa mo ngayon e. </3 

2 Weeks Before Prom. 

As usual, maraming may gustong maging partner mo sa prom. Pero mas as usual, alam na ng lahat na 

yung girlfriend mo yung magiging partner mo. Ganun naman talaga di ba? Kung sino yung 

girlfriend/boyfriend ng isang tao, yun dapat yung magiging partner nila sa prom? 

Kaya nga ako nagtataka e. 2 weeks na lang bago yung prom di pa pinagsisigawan nung girlfiend mo na 

magka-date kayo sa prom. 

Anong pakulo na naman ba „yan ha? 

1 Week and 4 Days Before Prom. 

Out of the blue, lumapit ka sa akin bigla. Nagulat ako nung time na „yun. Sino ba namang hindi 

magugulat? Halos lagpas 1 taon mo na akong di nilalapitan o kinakausap tapos bigla ka na lang lalapit? 

“Hynnah, usap naman tayo o.” Sabi mo sa akin sabay upo sa chair sa harap ko. 

“May kailangan pa ba tayong pag-usapan? Sa pagkakaalala ko, wala na e.” Sorry kung sinungitan kita 

pero di ko na napigilan yung sarili ko e. Ngayon lang ako makakapaglabas ng sama ng loob sa harap mo 

e. 

“Hynnah, wag namang ganyan o.” 

“Wag namang ganito? Bakit? Ano bang ginagawa ko? Wala naman akong ginagawa ha?” 

“Hynnah, please. Alam ko malaki yung kasalanan ko sa.yo pero please let.s talk.” 

“Para saan pa ba „yan ha? Sa pagkakaintindi ko kasi simula nung araw na di mo ako kinausap o pinansin, 

di na rin tayo magkaibigan e.” 

“Hynnah.” 

“Ano?” 

“Sorry na talaga. I want to make it up with you. Would you be my date sa prom?” Natawa ako sa sinabi 

mo. Alam mo bang ang tagal kong pinangarap na mangyari yung moment na „to? Kaso wala e. Nahuli ka 

na. 

“Wow ah. So feeling mo naman magkaka-ayos tayo sa ganung paraan? Sorry Marco pero may date na 

kasi ako sa prom e. Dun ka na lang ulit sa girlfriend mo. Sige, una na ako ah?” Tumayo ako tapos iniwan 

na kitang mag-isa. 

Shems. Ang sakit pa rin pala kahit ang tagal na nating walang koneksyon. Dapat ba hinintay na lang 

muna kita bago ako pumayag dun sa ibang nag-invite sa akin? Pero hindi e. Sawa na ako sa paghihintay 

sa wala. 

Prom. 

Sinunod mo nga yung sinabi ko sa.yo. Bumalik ka nga sa girlfriend mo. Okay naman kayong dalawa e. 

Pag sumama lang ako sa.yo gugulo lang ang lahat. 

Nung pumasok na kami nung date ko sa loob ng ballroom, napatigil kayong lahat. Tinignan niyo lang 

kaming dalawa. Hindi ba kayo sanay sa ganung itsura ko? Anong akala niyo sa akin? Simple forever? 

Ilang beses kitang nakita na tumitingin lang sa akin. Alam kong gusto mong lumapit pero di mo 

magawa. Bakit ka ba kasi ganyan? Bakit di mo magawang sabihin yung gusto mong sabihin? Bakit di mo 

magawang gawin yung gusto mong gawin? Hanggang tingin ka na lang ba talaga? 

Natapos yung gabing „yun na di tayo nakapag-usap ng matino o nakapag-sayaw. Ang tanging naaalala ko 

lang ay ang huling sinabi mo bago ako umuwi. 

Di ko alam kung bakit, pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi mo. 

Di ko alam kung bakit, pero basta sinabi mo na lang na… 

“Sana noon pa lang, ikaw na yung pinili ko.” 

Sino? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon