Waiting

82 13 0
  • Dedicated kay Therese Louise Torre
                                    

3rd Year High School. 

May iba ka na ulit. Ako, wala pa rin kahit isa. Bakit ba ang unfair ng buhay? Ang dami ng babeng 

nakakuha ng atensyon mo pero hanggang ngayon, di mo ako mapansin-pansin? May mali ba sa akin? Di 

naman ako pangit ah? 

Ano ba kasi yung nakikita mo sa mga babeng naging girlfriend mo na di mo nakikita sa akin? 

Nafrufrustrate na kasi ako kakaisip e. 

Minsan gusto na talaga kitang tanungin. Gusto kong malaman kung ano ba yung dapat kong gawin para 

lang makita mo na ako yung mas nakakakilala sa.yo. Na ako yung mas makakapagpasaya sa.yo. Na ako 

yung mas bagay sa’yo. 

One time, mag-isa akong kumakain ng lunch. Actually, mas madalas na nga pala na mag-isa ako kasi 

lagi mong kasama yung girlfriend mo. Parang nakalimutan mo na nga na may bestfriend ka pa na 

naghihintay para sa.yo e. Pero di naman ako nagreklamo di ba? Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ng 

mag-isa kasi alam ko masaya ka sa piling ng iba. 

Pero sa dinami-rami ng panahon na pwede kang sumabay ulit sa pagkain ko, bakit mo pa naisipan sa 2nd 

day ko? Alam mo naman na off limits ka pag ganung panahon di ba? Ay. Nakalimutan ko pala. Di na nga 

pala tayo nag-uusap. <//3 

Sinubukan kong i-control yung sarili ko. Ayaw kong gumawa ng eksena e. Ayaw kong magmukha kang 

masama. Di bale ng ako yung masaktan. Ako lang naman din naman ang may gawa ng dahilan kung 

bakit ako nasasaktan e. 

Okay na sana yung lahat e. Kaso nagtanong ka pa. Sana nanahimik ka na lang di ba? Bakit kailangan mo 

pang itanong yun? Alam mo naman na kahit kailan di ko kayang sagutin yun sa harap mo di ba? 

“Hynnah, kamusta na? Long time no see ah.” 

“H-ha? Kasalanan mo e.” 

“Ano yun?” 

“Wala. Sabi ko oo nga e.” Tch. Sana narinig mo na lang talaga ng maayos. Totoo naman yun e. 

Kasalanan mo kung bakit di na tayo nagkikita. 

“So kamusta na nga?” 

“Pag sinagot ko ba yung tanong mo anong mapapala ko?” 

“Hynnah, anong problema?” 

“Wala.” Nanahimik ka tapos parang ang lalim nung iniisip mo. Akala ko na-gets mo na na off limits day 

mo ngayon. Mali pala ako. 

“Teka. Di ka pinansin nung gusto mo noh? Sino ba kasi yung gusto mo para naman matulungan kita.” 

Takte. Tanga ka! Bwiset! 

“Okay. That.s it. It.s official. You completely lost your mind. Bahala ka na nga sa buhay mo. Kumain ka 

mag-isa mo!” Tapos nilayasan na kita. 

Pasensya ka na ah? Pero nakakairita lang talaga yung mga tanong at sagot mo e. Akala ko pa naman kasi 

kilalang kilala mo na ako. Mali pala ako. One-sided lang pala yung knowledge nating about each other. 

Halos wala ka pa palang alam tungkol sa akin. 

Sabihin mo. Kasalanan ko ba „to? Kasalanan ko ba kaya tayo nagkaganito? Masyado ba akong naglihim 

sa.yo? Dapat ba sa simula pa lang, umamin na ako para di na tayo nagkaganito? 

Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam e. Naguguluhan na talaga ako. Nagtatalo na yung puso.t isipan 

ko. Sabi nung utak ko sabihin ko na lang sa.yo ang lahat para matapos na yung pagdurusa ko. Kaso sabi 

naman nung puso ko itago ko na lang yung nararamdaman ko kasi baka mas lalo lang akong masaktan 

kapag lumabas na yung totoo. 

Di ko naman talaga ginustong mangyari „to. Basta ang alam ko lang, nagising na lang ako isang araw 

tapos sabi na ng puso ko gusto kita. Mahal kita. 

Sana lang dumating din yung araw na magising ka at ma-realize na ako yung gusto mo. Na ako yung 

mahal mo. 

Martir na kung martir pero… 

hihintayin ko pa rin yung pagdating nung araw na yun. 

Sino? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon