Ilang araw din kitang hindi nakita. Napaka-busy mo kasi sa mga bagay bagay e. Masyado mo naman
kasing kinareer yung pag-alam sa katauhan ng crush ko. Simpleng pagharap mo lang naman sa salamin
makikita mo na kung sino e.
Pero buti na lang di mo pa na-realize yun.
After 4 days ng di natin pagkikita, out of the blue, kinausap mo na ulit ako. Akala ko titigilan mo na
yung tungkol sa crush ko. Yun pala mali ako.
“Hynnah, feeling ko alam ko na kung sino ang crush mo.”
“H-ha? P-paano?” Aaminin ko. Kinabahan ako nung sinabi mo yun. Ang nasa isip ko kasi na-figure out mo
na na ikaw yung crush ko. :|
“Nag-imbestiga ako. Nangalap ako ng mga impormasyon na maaaring makapagturo sa crush mo.”
“N-nalaman mo ba kung sino?”
“Yata. Di pa ako sure pero may 5 lalaking lumabas sa listahan ko.”
“H-ha?! Lima? Grabe ka naman!”
“E yun ang lumabas e.”
“Sige na nga. Sino naman yung lumabas sa listahan mo ha?” Ewan ko ba kung bakit ko pa yun tinanong
sa.yo. Bigla na lang kasing bumilis yung pagtibok ng puso e. Alam mo yung feeling na parang gusto na
niyang wasakin yung ribcage mo sa sobrang lakas ng dagundong? Ganun yung feeling e.
“Sige, ito na. Ang Top 5 ay si Carlo.”
“Seriously? Feeling ko dapat nasa Top 100 yan e.” Nakakainsulto ka alam mo ba yun? Alam mo naman
na ayaw na ayaw ko kay Carlo e! Ano bang pumasok sa utak mo at naisip mo na maaring crush ko siya?
WAAAA. Kainis ka talaga!
“Yun na nga ang point e. The more you hate the more you like este love. Di ba?” Argh. Nakakainis ka
talaga e. Alam mo namang hindi ako naniniwala sa pilosopiya na „yan di ba?
“Na-ah-ah. Next na nga lang.”
“Okay. Ang Top 4 ay si Sealtiel.”
“Wait. Sinong Sealtiel?”
“Hmm. Mukhang may pagtingin ka nga sa isa sa mga Sealtiel dito ah?”
“CHE! Sino nga kasi?”
“Yung kaklase natin ngayon.”
“What?! One word: EWWW.” Umiling ka nun na para bang di ka makapaniwala sa naging reaksyon ko.
Pero kasi naman e. Bulag ka ba ha? Alam mo namang ang sama sama ng ugali nung Sealtiel na yun e!
Never kong magugustuhan yun.
“May pa-ewww ewww ka pang nalalaman. Ito na yung Top 3. Ang Top 3 ay si Jerome.”
“Ano ba naman yan Marco?! Saan mo ba napupulot yang mga tao sa listahan mo? Nakakainsulto na ah!”
“Weh? Wala pa akong tinatama?”
“Wala pa at ikaw ang tatamaan pag kaderder na naman yung kasunod.”
“Wala namang ganunan Hynnah! Baka magmukhang under mo ako e.”
“Che. Yun pa talaga naisip mo e? Game. Sino na yung Top 2?”
“Okay. Ang Top 2 ay si Ken”
“Grabe lang ah? Anong akala mo sa akin? Si Barbie? Grabe lang talaga. Di ka pa rin ba maka-move on sa
birthday parties natin nung bata tayo? Kaloka ka lang e.”
“Sorry na. Sorry na. Ayun kasi ang lumabas sa observations ko e.”
“Puwes mali ang observations mo! Para matapos na, sino yung Top 1?”
“Ang Top 1 ay si…
PC.”
“PC as in Paulo Chise?”
“OO. Bakit? Tama na ba ako?”
“Grabe ka Marco. Pag ako nagkagusto sa kanya, isa lang ang tawag dun.”
“Ano? Milagro?”
“Mali. INCEST. Utang na loob! Pinsan ko si Chise!” Sumasakit na ang ulo ko dahil sa listahan mo. Gusto ko
na sanang sumuko at umamin na lang sa.yo na ikaw yung crush ko. Pero hindi ko ginawa. Baka kasi
masira friendship natin e. Ayaw ko namang mangyari yun. Mas gugustuhin kong masaktan sa isang tabi
kaysa tuluyan kang mawala.
Aish. Sadista na ba ako?

BINABASA MO ANG
Sino? (Completed)
Teen Fiction"Sinong crush mo?" Tanong mo sa akin nung GS tayo. "Sinong gusto mo?" Tanong mo sa akin nung HS tayo. "Sinong mahal mo?" Tanong mo sa akin nung College tayo. Kung sasabihin ko ba ang totoo tatanggapin mo? Kung aaminin ko ba na ikaw lang ang maha...