HeartBreak

78 13 0
  • Dedicated kay Anne Princess Wong
                                        

Di mo ako tinigilan ng ilang linggo. Pinilit mo talagang malaman kung sino yung crush ko pero alam mo 

naman na hinding hindi ko sasabihin sa.yo yun di ba? Alam mo naman na kapag sinabi kong ayaw kong 

pag-usapan, ayaw kong pag-usapan. Kaya nagpapasalamat ako kasi sumuko ka na. 

Tumigil ka nga sa pangungulit sa pag-alam ng crush ko pero di ka naman tumigil sa pagpapatibok ng 

puso ko. Nakakainis lang kasi parang sa.yo wala lang ang lahat. Kasi sa.yo normal lang yung mga yun. 

Ako lang naman yata ang nagbibigay ng ibang meaning sa mga ginagawa mo e. Pero sabihin mo. Masisisi 

mo ba ako dahil nagka-crush ako sa.yo? 

Lumipas ang mga taon at nagtapos na tayo sa elementary. High school na tayong dalawa pero katulad 

ng dati, hindi pa rin tayo naghihiwalay. Katulad ng dati, gusto pa rin kita. 

Akala ko kapag natapos na tayo ng elementary, mawawala na rin yung nararamdaman ko. Mali pala 

ako. Alam mo ba kung bakit? Kasi naman imbis na mawala yung feelings ko para sa.yo, parang mas 

tumitindi pa e. 

As usual, iba na naman yung mga babaeng nakikita mo. Iba na naman yung mga babae na nagugustuhan 

mo. Kadalasan, napapaisip na nga ako kung ano bang meron sila na wala ako. Nakakainis kasing isipin 

na ako „tong kakilala at kasama mo simula pagkabata, ako pa „tong di mo nagugustuhan. Bakit ba kasi 

di mo maramdaman yung nararamdaman ko e? 

Ayaw ko mang aminin pero sa tuwing magkakagusto ka sa iba, nasasaktan ako. Sa tuwing nagkaka-

girlfriend ka na iba, nadudurog ang puso ko. Di ba talaga pwedeng maging tayo? 

Nakakainis pa kasi tuwing magkakaroon ka ng iba, kailangan mong ipakilala sa akin. Lalo lang akong 

nasasaktan e. Bakit ka ba kasi ganyan? 

“Hynnah, halika rito. Dali!” 

“Bakit ba?” Alam mo bang istorbo ka? Nag-aaral ako nung panahon na yun e tapos ikaw yung may 

kailangan sa akin pero ako yung kailangang lumapit sa.yo. Kaso wala naman akong magagawa di ba? Di 

naman ako nakakapalag sa.yo e. 

“May ipapakilala ako sa.yo.” 

“Sino na naman?” Sabi ko na para bang alam ko na kung saan patutungo ang usapan na „to. Sorry kung 

ang sungit agad ng aura ko pero yun talaga yung nararamdaman ko e. 

“Secret muna. Tara na dali.” 

“Wait lang kasi. Di ko pwedeng iwan yung mga gamit ko dun sa table.” 

“Sus. Yun lang pala e. Ako na magdadala. Okay?” 

“H-ha? P-pero may exam pa kasi ako e. Kailangan kong mag-aral.” Sinubukan kong magpalusot sa.yo. 

Umaasa ako na maniniwala ka kaso wala e, alam mo agad na nagsisinungaling ako. 

“ASA. Alam kong wala kang exam. Tapos na kaya lahat ng long tests niyo. Wala ng nakasulat sa board 

niyo e. Kaya tara na. Please?” Ayan. Diyan ka magaling e. Tuwing ginagamitan mo ako ng please with 

puppy eyes at pout, wala na akong laban. Bumibigay na agad ako. Kainis talaga. Bakit ba ang hina-hina 

ng dating ko dahil sa.yo? 

“Oo na. Ito na. Aayusin ko na yung gamit ko.” 

“Yes! Kaya labs na labs kita e!” Sabi mo sabay yakap sa akin. Dahil sa ginawa mo, parang tumigil ang 

paghinga ko. Parang tumigil sa pagtibok yung puso ko. Parang tumigil sa paggalaw ang buong mundo. 

“T-talaga?” Ang stupid ng tanong ko di ba? Hinaluan ko na naman kasi ng malisya. Ayan tuloy, nasaktan 

lang ako. 

“Siyempre naman. Ano ka ba? Ikaw kaya ang pinaka-the best kong bestfriend e. Alangan namang di kita 

mahal.” 

“Hehe. Sabi ko nga.” 

“Bakit? Ano bang akala mo?” 

“Tapos na akong mag-ayos. Tara na.” Hinawakan mo yung kamay ko tapos dinala mo yung gamit ko. 

Nakakainis lang. Parang tayo na kasi kahit sa mga panahon na yun kaso sandali lang pala magiging 

ganun. Makikilala ko na pala kasi ang taong nagmamay-ari sa puso mo. 

“Alex, I want you to meet Hynnah, bestfriend ko. Hynnah, meet Alex, girlfriend ko.” Bakit ganun? Ilang 

beses ko ng narinig yung linyang yan pero nasasaktan pa rin ako tuwing naririnig ko yan. Dahil ba sa 

umaasa pa rin ako na pwedeng maging tayo? 

Hanggang panaginip na lang yata talaga ang lahat. Wala naman akong pag-asa sa.yo e. Di na yata talaga 

darating yung araw na sasabihin mo sa akin na mahal mo ako bilang girlfriend mo. Hanggang bestfriend 

na lang talaga ako. 

Pero kahit ganun, di ko naaisin na masira ang panaginip ko. Malay mo makita mo rin na ako ang 

nararapat para sa.yo. Malay mo maramdaman mo rin na mahal mo ako. Malay mo maging tayo. 

Kelan kaya mangyayari „yun? 

Sino? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon