Kaibigan ng magulang ko ang magulang mo. Kaibigan ng bestfriend ko ang bestfriend
mo. Kaibigan ng aso niyo ang aso namin. So no choice naman na ako kung hindi maging kaibigan mo.
Baby pa lang tayo pinipilit na ng mga magulang natin na maging magkaibigan tayo. Utang na loob.
Buhay ba nila to? Bakit ba sila nakikialam? Nakitang wala pa nga tayong kamuwang muwang sa mundo
e. Kaiiri pa lang nila sa atin kung makaasta naman sila akala mo wala na tayong suot na lampin.
Pero sa totoo lang, di naman ako nagrereklamo na naging sapilitang kaibigan kita e. Alam ko naman na
ako lang ang tatanggap sa.yo e. Kaya pasalamat ka at naging kaibigan mo ako!
Oo na. Makapal na kung makapal ang mukha pero utang na loob. Ang panget panget mo kaya nung bata
tayo! Kaya nga nilalayo ka ng mga magulang mo salamin para di mo makita ang sarili mo e. Pero ewan
ko ba. Ako yata ang may kailangan ng salamin e.
Kasi bakit ba kita nagustuhan?
Puppy love. Childhood love. First love. Lahat yan ikaw. Taena. Ang hirap pala ng ganito. Nakita ko na
ang lahat ng dapat makita. Kahit nga yung hindi dapat pero nagutuhan pa rin kita.
Ang hirap palang itago ang nararamdaman mo lalo na kung ang gusto mo e yung taong laging kasama
mo.
Isa lang naman ang tanong ko ngayon e. Kelan mo ba ako mapapansin?
Leche ka Marco! Bakit ba ako nahulog sa.yo?
Ako si Hynnah at ito ang kwento ko.
BINABASA MO ANG
Sino? (Completed)
Roman pour Adolescents"Sinong crush mo?" Tanong mo sa akin nung GS tayo. "Sinong gusto mo?" Tanong mo sa akin nung HS tayo. "Sinong mahal mo?" Tanong mo sa akin nung College tayo. Kung sasabihin ko ba ang totoo tatanggapin mo? Kung aaminin ko ba na ikaw lang ang maha...