College.
Pumasok tayo sa magkaibang school. Kagustuhan ko „yun. Inisip ko kasi na mas makakabuti sa ating
dalawa kung magkakahiwalay muna talaga tayo. Kasi feeling ko masyado na tayong naguguluhan sa mga
nangyayari sa paligid natin. Kasi feeling ko masyado na tayong nag-iiba.
Kaya inisip ko na kailangan natin ng space.
Naging normal naman yung takbo ng buhay ko. Nagkaroon ako ng mga manliligaw. Nagkaroon ako ng
boyfriend. Naging masaya ako kahit wala ka.
Kaso di naman natin maiiwasan yung ibang pangyayari sa buhay natin e. Di rin natin maiiwasan ang isa.t
isa. Magkikita-kita at magkikita rin tayo.
One time naglalakad ako pauwi ng bigla kitang makita. Hindi na lang sana kita papansinin kasi may
kasama kang iba pero pinansin mo naman ako. Iniwan mo pa nga yung mga kasama mo para lang lapitan
ako e.
“Hynnah! Long time no see ah? Tara, usap tayo.”
“Uhm. Okay.” Di ko alam kung bakit ako pumayag nung mga panahong „yun. Basta ang alam ko lang
„yun na yung lumabas sa bibig ko e. Di ko naman pwedeng bawiin „yun.
Dinala mo ako sa isang restaurant. Gusto ko sanang sabihin na wala akong ipambabayad pero naunahan
mo na ako. Sinabi mo libre mo. Wala na akong nagawa kung hindi mag-stay sa pwesto ko.
“Hynnah, kamusta ka na?”
“Okay naman. Ikaw?”
“Okay lang din. Balita ko may boyfriend ka na raw ah?”
“Ha? Oo e. Hehe.” Di ko alam pero parang nalungkot ka na naman sa sinabi ko. Ano ba talagang gusto
mong iparating Marco? Gulong gulo na ako sa.yo e.
“Paano mo nakilala?”
“Naging kaklase ko. Ikaw, kayo pa rin ba nung girlfriend mo?” Natahimik ka. Di ko alam kung bakit.
Tinignan kita pero nakayuko ka pa rin. Sa ganung paraan ka rin sumagot.
“Matagal na kaming wala.” Nagulat ako sa narinig ko. Ang akala kasi ng lahat kayo na talaga e. Masyado
na kasi kayong nagtagal hindi katulad nung mga nakaraan mong girlfriends.
“Okay lang ba kung tanungin ko kung bakit kayo naghiwalay?” Huminga ka ng malalim tapos tumingin ka
sa akin.
“May mahal na kasi akong iba e. Ikaw ba, mahal mo ba yung boyfriend mo?”
“Oo.” Minahal ko siya. Ex-boyfriend na kasi siya e.
“E sinong mas mahal mo, siya o ako?”
“H-ha?” Nagulat ako sa tanong mo. Di ko alam kung anong isasagot. Di ko naman kasi ineexpect na
magtatanong ka bigla ng ganun e.
“Hehe. Wag mo na lang pansinin yung tanong ko. Tara, kain na tayo.” Halos di ako nakakain ng maayos
dahil sa tanong mo na „yun. Takte naman kasi e. Di ako prepared sa ganun.
Pagkatapos nating kumain, nag-insist ka na ihatid ako sa bahay namin. Di na ako nagreklamo kasi pinag-
iisipan ko kung sasabihin ko na ba yung totoo sa.yo. Pinag-iisipan ko kasi kung sasabihin ko na ba yung
nararamdaman ko. Pinag-iisipan ko kasi kung sasabihin ko na na mahal talaga kita.
“Nandito na tayo.” Sabi mo paghinto natin sa tapat ng gate namin.
“Paano ba „yan? Una na ako ha?”
“Uhm. Marco, wait.”
“Bakit?”
“Kung sasagutin ko ba yung tanong mo maniniwala ka?”
“Wag mo ng isipin yung tanong ko kanina. Masyado kang naprapraning e.”
“Kung sasabihin ko bang ikaw yung mahal ko maniniwala ka?”
“H-ha? T-totoo ba „yan?”
“Paano kung sabihin kong oo?” Nagliwanag yung mga mata mo tapos niyakap mo agad ako. Humiwalay
ka sa pagkakayakap mo sa akin tapos nagtanong ka.
“E paano yung boyfriend mo?”
“Sino ba kasing may sabi na kami pa nung boyfriend ko?”
“Teka. Ibig sabihin ex-boyfriend na yung nabalitaan ko?”
“Oo.”
“E kung tatanungin kita ngayon kung pwede kitang maging girlfriend papayag ka ba?”
“E kung tatanungin kita kung bakit ngayon ka lang nagtanong magpapaliwanag ka ba?”
“Teka. Wag mong sabihing…” Pinutol ko yung pagsasalita mo. Sumagot na ako kahit wala pa yung
tanong mo.
“Ikaw lang naman yung hinihintay ko e.”
Pagkatapos nun, naging tayo. Pagkatapos nun, mas sumaya ako. Pagkatapos nun, di na tayo
naghiwalay.
Marco, ikaw lang talaga ang mahal ko. Ikaw lang talaga ang mamahalin ko. Ikaw lang ang magmamay-
ari ng puso ko.
Tapos na ang ating kwento. I love you Marco!
<3 Hynnah
BINABASA MO ANG
Sino? (Completed)
Teen Fiction"Sinong crush mo?" Tanong mo sa akin nung GS tayo. "Sinong gusto mo?" Tanong mo sa akin nung HS tayo. "Sinong mahal mo?" Tanong mo sa akin nung College tayo. Kung sasabihin ko ba ang totoo tatanggapin mo? Kung aaminin ko ba na ikaw lang ang maha...