Bakit Ikaw Pa?

102 13 0
                                        

Kinder. 

Magkaklase na naman tayo. Bakit ba di tayo naghihiwalay? Alam mo yung nakakasawa? Ganun yung 

feeling pag magkasama tayo e. Mula kapanganakan hanggang kinder magkasama tayo. Aba. Daig pa 

natin ang kambal tuko ah! 

Pero kahit na nagsasawa na ako sa.yo, di ko magawang sabihin na layuan mo na lang ako. Alam mo ba 

kung bakit? Kasi naman sinanay mo na ako na nandyan ka para ipagtanggol ako. 

Simula kasi nung binato mo ako ng crayons at bigla kang naging mabait sa akin, ikaw na yung naging 

superhero ko. Ikaw yung nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Ikaw yung nagproprotekta sa akin 

sa mga kung ano anong bagay. Ikaw yung nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin. 

“Hoy White Lady!” Alam nating dalawa na ako yung tinawag nung bully nating kaklase pero di mo ako 

pinalingon. Hinawakan mo lang ako sa balikat ko tapos ngitian mo ako. Humarap ka sa tumawag sa akin 

ng White Lady tapos nagulat na lang ako kasi bigla akong may narinig na tumumba. 

“Marco!” Umiyak na lang ako bigla. Di ko naman kasi sinabi na sapakin mo yung kaklase natin e. Pero 

ano? Sinapak mo na lang siya agad. 

Nung nakita mo akong umiiyak, tumigil ka sa pagsapak sa kaklase natin tapos niyakap mo ako. At 

katulad nung nursery tayo, automatic na tumigil ang pagtulo ng luha ko. 

“Wag ka ng iiyak. Ayaw kong umiiyak ka e.” Sabi mo habang hinahaplos ang buhok ko. 

“E kasi naman nakipag-away ka pa e.” 

“Ayaw kong may nang-aasar sa.yo e.” 

“Ayaw ko ring nakikipag-away ka.” 

“Sige na nga. Di na ako makikipag-away.” 

“Promise?” 

“Promise.” Tapos ginawa natin yung pinky promise. Ngumiti na ako tapos naglakad na tayo pauwi. 

Grade 3. 

Nauso na yung mga crush sa atin. Ako sigurado ako kung sino ang crush ko. Iisa lang naman e. Simula 

pagkabata isa lang ang naging crush ko. Ikaw yun. Pero di ko masabi-sabi kasi ang alam ko, hanggang 

kapatid lang ang tingin mo sa akin. 

 "Alam niyo ba class na kapag wala kang crush ABNORMAL ka raw.." sabi ni teacher.

'Mabuti di ako abnormal' sabi ko sa isip ko. "Ako maam! d ako abnormal!! Crush ko si Marco ee!" sigaw ng classmate ko.

"Sinong may sabi na sayo si Marco? Crush ko rin yan ee." sigaw ng isa din naming classmate.

"Mas crush ko siya!"

Hanggang sa nagkagulo gulo na sa classroom.

Alam ko marami kang crush sa mga naging kaklase natin. Di naman kita masisisi kung magiging crush mo 

sila e. Di hamak na mas sexy at mas maganda sila kaysa sa akin. Mas mature din sila kung ikukumpara 

mo sa akin. 

“Hynnah, may sasabihin ako sa.yo.” 

“Ano yun?” 

“Alam mo ba?” 

“Siyempre hindi pa.” 

“Teka lang kasi. Di pa ako tapos magsalita e.” 

“Game. Anong sasabihin mo?” 

“May crush ako.” 

“Sabi ko na nga ba yun ang sasabihin mo e.” 

“So anong feeling mo niyan? Psychic ka na ha?” 

“Wala naman akong sinabing ganun e.” Sabi ko sabay pout. Bigla ka na lang tumawa tapos inakbayan 

mo ako. 

Alam ko sa mga panahon na yun, unti unti ng umaakyat yung dugo sa pagmumukha ko. Ang bilis kong 

mag-blush sa mga bagay na ginagawa mo sa akin. Kahit na dapat nakasanayan ko na yung mga yun. 

Hay. Iba talaga epekto mo sa akin. Ang aga kong nagka-puppy love ng dahil sa.yo. 

“Niloloko lang naman kita e.” 

“Lagi mo na lang akong niloloko e. Kainis ka na.” 

“Sus. Tampo ka naman agad niyan?” 

“Ewan ko sa.yo. Hmp.” Tinalikuran kita. Hindi naman talaga ako nagtatampo sa.yo nun e. Naiinis lang 

ako kasi may crush ka na naman. May crush ka na naman at hindi ako yun. 

Naglakad na ako papalayo sa.yo pero pilit mo akong hinabol. Di ko pinapansin yung pagtawag mo sa 

akin. Alam ko ang babaw ko pero di ko talaga mapigilan yung sarili ko e. Gusto ko kasing malaman kung 

kailan ba darating yung araw na ako na yung magiging crush mo. 

“Hynnah naman e. Wag mo namang akong iwan.” Sabi mo nung nahabol mo na ako. Hinawakan mo yung 

kamay ko tapos ako naman si engot, natulala na lang. 

“Ganito. Ililibre na lang kita ng ice cream. Gusto mo?” Alam mo talaga ang kahinaan ko. Pero sorry. Sa 

pagkakataong ito, kailangan kitang tanggihan. 

“Wag na lang. Sige, una na ako. Nandyan na si Papa e. Ba-bye.” Nag-wave na ako sa.yo tapos tumakbo 

papunta kay Papa. 

Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Gusto kong ipagsigawan na gusto kita. 

L!ntek na crush „to o. Ang hirap maging crush ng kaibigan mo. Argh. >.< 

------------------------------------------------------------------------------

This Chapter is dedicated ky WhoLovesThisGirl. She's the only one na nagcomment ee.

Sino? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon