Chapter 3: the boy who helped her

96 8 23
                                    

Cristal's Point of View

Mahigpit ang patakaran dito sa school namin tuwing lunch time. Lahat ng estudyante, elementary man 'yan o high school, ay bawal lumabas ng tanghalian. The only way for us to eat outside of the school is when we've applied for a lunch pass or if we have a letter signed by the heads stating that we've been allowed to go out. Bawal din lumabas ng school ng kahit anong oras kung hindi pa dismissal. As for us, we did not apply for a lunch pass. Kaya dito kami lagi sa canteen kumakain. Kami nina Selene, Alethea at Treece.

"Tatagal kaya siya?" Tanong ni Selene habang pinagmamasdan si Elsie na naglalakad papunta sa table nila Chester. Nag-usap sila sandali pagkatapos ay tumayo muli si Elsie kasama sina Rania at Emillie. Pumila silang tatlo para bumili ng pagkain.

"Pustahan ba tayo?" Alethea suggested.

"500, tingin ko tatagal 'yan." Pusta naman ni Treece. "Si Rania at Ariel nga eh."

"That was 2 out of 5 during their batch, though. Tatlo ang nag-give up." Alethea said. "Sige 500 din pusta ko, hindi tatagal yan."

"Ang tagal na pala nun? Grade 7 pa yun."

"Oo dahil nung Grade 8 bitchessa na ang pumasok sa Mahogany."

"Let's not talk about that witch." I said and rolled my eyes.

I think Elsie seems like a strong girl. Kanina habang pinagmamasdan ko siyang sinisigawan si Darius ay napagtanto kong palaban siya. "Ang tanong ay kung paano niya kakayanin ang pambubully sa kanya ng Hijack." Sabi ko kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"Remember Ariel back then? Sobrang nakakatawa yun! Who would've thought that she would turn the tables that easily? Banas na banas lagi sina Johann dahil sa kanya. Naeexcite tuloy ako kung ano ang tactic ni Elsie para mapaamo ang boys." Kuwento ni Selene.

Hindi naman kami ganun ka-sama tulad ng iniisip ng iba. Mild lang naman yung pangbubully at pangtitrip na ginagawa namin at hindi ganun kalala. Well, that's what I think. Others' opinions may be different because there were actually students who resented us. And Johann, he really did go below the belt nung grade 8. Kaya siguro mas lalo kaming kinatakutan at kinamuhian ng iba.

Nakarinig kami ng tunog ng parang may bumagsak at kasabay nun ay ang malakas na tawanan ng ibang estudyante. Agad kaming napatingin sa direksyon ni Elsie dahil doon. Nakita naming nakaluhod na siya sa sahig habang may hawak na tray. Natapon lahat ng pagkain niya.

"Ouch. Masakit ata ang pagkakadapa niya." Pagngiwi ni Treece. Sunod akong napatingin sa mesang nasa gilid ni Elsie at agad kong nakita si Johann na may ngisi pa sa labi. Napailing na lamang ako.

There was one thing that was bugging me, though. It's Johann. I don't know if his name can protect him if something happens this time. I hope he doesn't go overboard again.

-

Adelaide Elsie's Point of View

"Nasisiyahan ba kayo sa ginagawa niyo? Do you really like seeing me miserable?"

"Oo masayang masaya ako, Elsie. Just leave if you can't handle us—no, actually, kulang pa ang lahat ng 'toh. I want to see you down on your knees begging for me to stop making your life miserable."

"What did I ever do to you?"

"Elsie, ayos ka lang ba?" Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Rania. She looked at me with worried eyes. Ganoon din si Emillie. "Namumutla ka. May sakit ka ba?"

"Gusto mo bang samahan ka namin sa clinic?" Tanong naman ni Emillie pero ngumiti lang ako at umiling sa kanilang dalawa. It's a bit weird hearing her say tagalog words since she really looked like a pure Chinese.

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon