Chapter 9: the girls' game

89 4 25
                                    

Selene's Point of View

"Huwag niyo na lang siyang ilolock sa isang closed na lugar." Napatingin kaming mga girls kay Hayes nang magsalita siya. Maaga pa naman pero nandito na kami nina Hayes, Johann, Alethea, Cristal, at Treece sa school. Pinagpaplanuhan kasi namin ng girls ang gagawin naming pantitrip kay Elsie.

"Concern ka?" Walang pakialam na sabi ni Johann. Nakaupo siya sa teacher's table tapos sa upuan naman ng teacher nakaupo si Hayes. Kaming mga girls naman ay nakaupo lang sa harap nila. Mukha kaming seryosong nagmi-meeting.

"Hindi. Wala naman akong pakialam kung anong mangyari sa kanya." Pag-iling ni Hayes. "Yung sakin lang, mainit pa rin tayo sa mga tao dun sa faculty at lalong lalo na sa guidance office. I can't risk it. My parents might find out."

"Takot ka pala, eh." Johann snorted. Hindi nalang siya pinansin ni Hayes.

"Ba't naman? Ano bang nangyari kahapon?" Takang tanong naman ni Cristal.

"Sumama ata pakiramdam ni Elsie pagkatapos namin siyang i-lock dito sa classroom." Paliwanag ni Hayes.

"And then? What happened?" I asked.

"To the rescue ulit si Julian." Mukhang bad trip na pagkakasabi ni Johann. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit concern na concern yun kay Elsie. Eh hindi naman yun nakikialam dati sa mga pakulo natin. Ano bang meron sa Elsie na yun?"

"Maybe he likes Elsie." Napatango kami ni Treece sa sinabi ni Cristal. Posible nga namang magka-crush agad si Julian kay Elsie. Maganda naman ito at mabait. Palaban. But on the other side, kakakilala pa lang namin kay Elsie. Ano yun? Love at first sight? That sounds ridiculous.

"How can he like her when he's only met him for what... two days?" Alethea asked.

"Anyway, that's none of our business." Cristal shrugged it off. "Mag-iingat nalang kami sa gagawin namin. Don't worry, we won't be too harsh on her. We know our limits this time. Simpleng laro lang naman ang lalaruin namin."

"Ano bang plano niyo?" Takang tanong ni Hayes pero ngumisi lang kaming mga girls sa kanila.

-

Adelaide Elsie's Point of View

Pagdating ko ng classroom ay agad akong sinalubong ng mga babae kong kaklase. Ang aga ata nila. Kahapon nama'y halos late silang dumating. "Elsie!" Tawag nung isa sa akin. Nginitian ko lang siya. Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila.

"I believe we haven't formally introduced ourselves yet. I'm Selene Palma!" Sabi nung isa saka naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon. Ngumiti siya sa akin tapos inakbayan niya ako. "She's Cristal Tan, Hijack's queen bee."

"Ano ka ba, Selene? Don't listen to her." Nahihiyang sabi naman ni Cristal kaya nginitian ko lang siya.

"Humble lang 'yan. She's third richest student in this class. Siyempre, first si Johann. But don't worry, we don't really care about people's status here. Pantay pantay lang ang tingin namin sa isa't isa." Selene continued and smirked. Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako sa ngiti niya. Parang may ibang meaning.

"Sino yung pangalawa?" Kuryoso kong tanong. Hindi niya kasi nabanggit.

"Ah, si Darius." Bulong nito. "Lowkey lang 'yon. Ayaw niyang ipangalandakang mayaman sila, eh hindi niya naman matatago yun dahil obvious naman sa apelyido niya."

"Anyway, enough about him. I'm Alethea." Sabi nung maputi, matangkad, at medyo chinita nilang kasama. Para siyang manika. "Siya naman si Treece."

"Sana maging magkaibigan tayo." Sabi nung Treece.

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon