Chapter 5: yet another broken family

92 6 29
                                    

Selene's Point of View

Nilagay ko iyong earphones sa aking tenga para hindi marinig ang sigawan at tawanan ng iba kong mga kaklase. Ang gulo nila. Bilib na bilib nga ako kay Rina dahil nakakaya niya pang matulog sa ganitong sitwasyon. Siguro ay nagpuyat na naman siya kakanood ng kdrama o kung ano man ang pinapanood niya.

Natahimik lang ang lahat nang pumasok na ang subject teacher namin. Kinulbit pa ako ni Treece at sinenyasang alisin na ang earphones ko. Ginising naman ni Shana si Rina mula sa mahimbing nitong pagkakatulog.

"What happened here, Mahogany?! Arrange your chairs!" Unang araw pa lang, sinisigawan na kami ng teacher namin. Napailing na lang ako. Buong school year na talaga na ganito ang eksena. "You're seniors already. Hanggang ngayon ba ganyan pa rin kayo?"

"Bad trip." Rinig kong reklamo ni Jago. "Ayoko sa teacher natin." Nagpigil na lang ako ng tawa lalo na nung tinapik siya ni Johann.

"You have no choice." Sabi ni Johann. Napailing na lang ako. Kahit naman may reputasyon ng pagiging bad boy at bully si Johann at ang grupo niya, they're really fun to be with. Masaya ang atmosphere lagi sa mahogany kapag nandiyan sila, lalo na si Johann. Things would be different without them.

"Okay, get a sheet of paper. Isulat niyo ang inyong expectations para sa school year na ito." Sabi ni ma'am bago umupo sa may teacher's table. Rinig ko naman ang pagrereklamo ni Cristal mula sa gilid ko. Others were groaning, too.

"Isusulat pa natin yung expectations natin eh hindi naman mangyayari yun. Mag eexpect lang tayo para sa wala tapos ano, madidisappoint tayo?" Hugot niya kaya napahagikhik na lang ako. Binatukan naman siya ni Alethea. Natigil kami sa pagkukuwentuhan nang bigla na lang sumigaw si Elsie. Pati iyong iba naming kaklase ay napabaling sa gawi niya.

"Ahh!" Napatili siya at napatalon. "Get it off me! Waaaah!" Pagsisigaw niya pa habang pinapagpagan ang kanyang uniporme. Natawa naman kaming lahat. May gagamba kasi sa likuran niya. "Waaaaah heeeelp!"

Tutulungan na sana siya nina Rania pero tinitigan sila ng matalim ni Johann. Umiling naman si Jago, sumesenyas na huwag nang makialam. Kaya ayun, walang ni isang naglakas loob na tulungan si Elsie na alisin yung gagamba.

"You guys!" Natatawang sabi ni Cristal habang nakatingin kay Johann na may nakakalokong ngisi sa labi. If Johann is the king of bullies, then Cristal here is like the queen. Kapag nagsama silang dalawa sa isang prank ay siguradong katapusan mo na. "Talagang sinagad niyo ang pantitrip niyo sa kanya ngayong araw ah. May bukas pa, oy."

Napakibit balikat lang si Johann. "Malay mo bukas wala na siya rito."

"I doubt that." Komento ko naman.

"Bakit Selene? What do you think of her?" Johann asked me.

"I think she can handle herself. Hindi siya mahina tulad ng iba, Johann. I feel something about her..." Napabaling ulit ako saglit kay Elsie bago ibinalik ang tingin kay Johann. "I don't know what it is yet. Pero basta. She's not something you can just get rid off that easily. She's strong-willed."

"May nararamdaman ka kay Elsie?" Biro ni Jago.

"Tanga." I rolled my eyes but he just laughed.

-

Adelaide Elsie's Point of View

"Okay, get a sheet of paper. Isulat niyo ang inyong expectations para sa school year na ito." Saad ni ma'am kaya agad kong binuksan ang bag ko para kumuha ng papel.

"What the!?" Gulat kong sabi nang may makitang gagamba sa loob ng bag ko. Hayop, saan galing 'toh?! Ba't napunta 'toh dito? Napatayo ako nang bigla itong gumapang papunta sa kamay ko. Some of the things I hate most are insects, especially spiders! "Ahh! Get it off me! Waaaah!"

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon