Chapter 7: trapped

79 6 24
                                    

Adelaide Elsie's Point of View

"Aray ko naman, Johann!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Sinilip ko ang ibaba ng mesa at nakita ko si Johann at ang kasama niyang pumasok kaninang umaga. Ipinagsisiksikan nila ang sarili nila sa maliit na space.

"Kayo yun!?" Sigaw ko sa kanila. The feeling of embarrassment suddenly climbed up from my body up to my face. Pulang pula na siguro ngayon ang pisngi ko. I should have known na pinagtitripan na naman nila ako! Kung bakit naman kasi hindi ko sila napansin dito kanina? How stupid, Elsie. Sino ba naman ang maniniwala na may nagsasalitang palaka?

"Gago ka kasi! Ba't ka tumawa!?" Sisi ni Johamn sa kasama niya. Gusto ko tuloy silang pag-umpugin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Oh so balak niyo talagang ipahalik sa akin ang palakang 'toh!?" Sabay turo ko sa palaka na tumalon na palayo.

"Epic ka Elsie! Naniwala ka naman!" Humagalpak sa kakatawa yung kasama ni Johann. Gumapang siya palabas ng pinagtataguan nila habang nakahawak sa tiyan dahil sa kakatawa. Tumayo naman si Johann at pinagpagan ang damit niya, tumatawa rin.

"Okay na, mga tol! Nairecord ko na!" Napatingin ako sa kurtina nang may umimik mula roon. Tawa rin siya nang tawa. Siya yung chinitong gwapo sana pero bully naman. May hawak siyang cellphone at parang kanina niya pa ako vinivideohan.

"What the hell?" Sigaw ko. "Kanina ka pa diyan?" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil hindi ko man lang siya napansing nagtatago sa likod ng kurtina.

"Epic ka talaga, Elsie!" Tawa ulit ng kasama ni Johann na tatayo na sana. "Aray!" Napadaing siya nang bigla siyang nauntog sa mesa. Ayan! Bagay yan sayo. Leche kayo. Muntik ko nang mahalikan ang palaka dahil sa inyo.

Agad naman akong napatakbo papunta sa girls' cr. Rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila pero wala na akong pakialam. Kung kailangang lunukin ko lahat ng sabon sa cr, gagawin ko. Kadiri kasi talaga eh! Alam kong hindi natuloy ang paghalik ko sa palaka pero kadiri pa rin.

Nagpauto ka naman kasi, Elsie! Tanga tanga mo, leche.

-

"Saan ka galing Miss Montanes?" Lahat ay napatingin sa akin nang magtanong si ma'am. Mapanuri ang mga titig nila sa akin na akala mo gusto nila akong kainin ng buhay. Nahagip naman ng mga mata ko sina Johann at yung dalawa niyang kasama kanina. Napangiwi lang ako sa kanila at napabaling ulit kay ma'am.

"Kasi po-" Pinutol naman nung chinitong kasama ni Johann ang sasabihin ko.

"Nakipag-wrestling pa po siya sa palaka, ma'am." And with just that, they all laughed. Napayuko naman ako. I think the others know what happened. They were planning this all along.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Hayes. Please keep quiet." Saway ni ma'am sa chinitong kasama ni Johann sa lahat ng kalokohan niya. Hayes pala ang pangalan niya. So siya yung kasama ko sa cleaners. Sosyal naman ng pangalan niya. "Umupo ka na Miss Montanes." Tumango naman ako kay ma'am at sinunod ang gusto niya. Naghanap ako ng mauupuan.

Kinawayan ako ni Ariel kaya agad akong dumiretso sa kung saan siya nakaupo at saka tumabi sa kanya. "Anong nangyari sayo? Ilang minuto kang na late ah." Taka niyang tanong.

"Naku, huwag mo nang alamin. " Simple kong sabi kaya napakibit balikat na lang siya. Mabuti at hindi na siya nagtanong dahil ayoko talagang mag-explain.

Lumabas saglit si ma'am dahil mag-ccr daw muna siya. Nakita ko namang tumayo si Johann at may nilagay na USB sa computer ni ma'am. Nakakonekta ang computer ni ma'am sa projector kaya naman nang iplay ni Johann ang isang video ay nakita iyon ng lahat.

What the?!

"Elsie! Pssst!" Yung lecheng video! Kasalanan toh ni Hayes. Napatingin ako sa direksyon niya pero nakangisi lang siya habang nakatitig sa screen. "Elsie! Tulungan mo ako!"

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon