Chapter 4: missing chair

98 6 31
                                    

Adelaide Elsie's Point of View

"Umupo ka na lang muna diyan habang hinihintay yung kasama mo." Malumanay na sabi ng nurse. Maliit lang naman yung gasgas sa tuhod ko, but the guy who brought me here insisted that it should be treated. "New student ka 'noh?"

"Opo." Naisip kong maliit lang naman ang school kaya siguro pamilyar na sa lahat ng nagtatrabaho at nag-aaral dito ang itsura ng mga estudyante. Kaya ang dali nilang malaman na baguhan ako dito. 

Sa dati ko namang school, kakaunti lang ang estudyanteng pamilyar sa akin at sa mga nagtatrabaho dun. Each grade level has about ten sections. Dito naman sa private school na pinapasukan ko ngayon ay limited lang ang sections pati ang mga estudyante sa bawat section. It's smaller compared to my previous school, too.

"Kaklase mo ang naghatid sa'yo kanina?" Tumango ako bilang pagsagot sa tanong niya. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa pagtango ko. Mukhang may alam din siya tungkol sa section ko. "Galing ka sa section Mahogany. Anong ginawa nila sayo? Hindi pa rin pala sila tumitigil."

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" I acted clueless.

"Ang dami nang estudyanteng dinadala dito sa clinic dahil sa section Mahogany. Madalas maliliit na sugat lang naman ang ginagamot ko tulad nung sa'yo. Pero may mga pagkakataon na may nagbugbugan at meron din isang estudyante dati na tinahi yung pisngi. Hanggang ngayon ay may peklat siya sa pisngi niya dahil sa tahing iyon pero nakakapagtataka dahil nanatili pa rin siya sa section niyo." Napakunot ang noo ko sa kuwento ng nurse. Naalala ko ang kasama ni Rina na pumunta ng cr kaninang umaga. She had a tiny scar on the side of her face. "Akala ko titigil na sila pagkatapos ng mga nangyari noon."

"Bakit po? Anong nangyari noon?" I curiously asked, but the nurse only stared at me.

"Ayaw mo bang magpalipat ng section, hija? Ay, sabagay. Rinig ko puno na rin daw ang ibang section. Paano, walang gustong manatili dun sa section niyo."

"Kilala mo ba silang lahat, ate?" Mukhang nagulat ang nurse sa tanong ko. I sounded a bit sarcastic, too. "Do you know their stories? Do you know who those people really are? Do you think they do things just for the sake of doing it? Na wala lang rason ang lahat ng iyon?"

"Bakit, hija? Kilala mo ba sila? Isang araw mo palang silang nakakasama. Hindi mo pa alam ang pagdadaanan mo kasama sila." I smiled at what the nurse said. I know she was only concerned of me. Pero may kung anong nagsasabi sa akin na huwag sukuan ang section Mahogany. I want to know them and understand them. Kahit pa mahirap o imposible. Gusto kong maintindihan kung bakit sila bully o nantitrip. There's got to be a story behind it all.

"Hindi. Pero kaya ako nandito. Kasi gusto ko silang makilala. Kung sino ang tunay na sila."

"Napakabait mo naman, hija. Madalang nalang akong nakakakilala ng mga estudyanteng kagaya mo."

"Pero hindi niyo pa po sinasagot ang tanong ko. Ano pong nangyari noon?" Nag-aalangan pa rin ang nurse na sagutin ang tanong ko. She was finally saved by the bell when the guy who brought me here arrived. Napatingin kami pareho ni ateng nurse sa pintuan nang pumasok yung lalaki. May dala siyang plastic bags. Umismid ang nurse sa kanya at pakiramdam ko'y kahit dito sa lalaking nagmagandang loob ay wala siyang tiwala. "Doon tayo sa canteen." Aniya na tinanguan ko lang. "Kaya mo bang tumayo?"

"Oo naman." Sabi ko habang inaalalayan niya akong tumayo. "Kaya kong maglakad ng mag-isa." Sabi ko sa kanya. Kumikirot pa yung sugat ko pero kahit papaano ay nakakapaglakad naman ako ng maayos. Ayoko namang buhatin niya ulit ako, masyado nang nakakahiya yun. Hindi naman ako baldado.

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon