Adelaide Elsie's Point of View
Napasigaw ako dahil sa sobrang pagka-frustrate pagkapasok na pagkapasok ko ng girl's cr. Paano ko na ngayon lilinisan 'tong damit ko? Ang dugyot ko na. Kay gandang bungad naman 'toh sakin sa unang araw ko rito. Partida, hindi pa nga gaanong nagsisimula yung araw.
I looked at my face in the mirror and took a deep breath. Kahit saan ako pumunta, ito na ata ang kapalaran ko. Kahit ilang beses pa akong lumipat ng school at kahit anong school pa ang papasukan ko.
Is this my tragic fate? Is this the life that was meant for me? Am I just a pushover?
"Hey." Napalingon ako nang may pumasok sa cr kung nasaan ako, si Rina. Mataray pa rin ang tono ng boses niya at pinasadahan niya pa ako ng tingin. Nandito ba siya para pagtawanan o pagtripan ako ulit? "Oh, heto." Sabi niya at saka may inabot na paper bag sa akin.
Kumunot ang noo ko. "What's that?" Mamaya panibagong prank na naman 'toh, kaya hindi ko muna tinanggap.
"A paper bag?" Pilosopo nitong sabi.
"Para saan yan?"
"Peace offering?" Sabat nung isa niyang kasama na hindi ko pa kilala. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siyang isa pang babae. The other girl had a straight black hair that was shoulder-length. Medyo singkit ang mga mata niya, hindi katulad ni Rina na bilugan. "Don't worry, they're just clothes, not bombs. Suotin mo. Magmumukha kang basahan kung hindi ka magpapalit."
"Thank you?" Nag-aalangan kong sabi. Umalis na rin silang dalawa pagkatapos non at napangiti ako nang bahagya. Hindi siya prank, isang set ng uniporme nga talaga ang laman ng paper bag.
Well, they aren't so bad after all. At least they're nice enough to let me borrow a uniform. That's odd, though. May nambubully bang ganoon?
Pagtapos kong ayusin ang sarili ko ay bumalik na ako sa classroom. Wala pa ring teacher at magulo ang buong classroom. May nagtatawanan, nagsisigawan at meron pang nag-aacting. Ginagaya nila ang reaksyon ko kanina. Hindi ko nalang iyon pinansin.
"Adelaide!" Tawag sa akin nung isa kong kaklase. Mukha siyang mabait, chinito pa. Kaya naman lumapit agad ako sa kanya.
"Uhm, hi. Elsie nalang ang itawag niyo sakin." I told him. Kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon na magiging maayos din ang lahat. New school, new life. Saka mukhang may mababait naman dito tulad nitong chinitong tumawag sakin.
"Oh okay, Elsie. Ako nga pala si Chester." Pagpapakilala niya sa sarili niya. "Ito si Kathy, that's Cherry and then that's Rania."
"Hello!" Bati ko sa tatlong babaeng kasama ni Chester.
"Ako naman si Kyle." Sabi naman nung isang maganda at mukhang mahinhin na babae sabay inabot niya ang kanyang kamay. Siya iyong nag-abot sa akin ng face towel kanina. She looks like an angel. Kinuha ko naman agad ang kamay niyang nakalahad saka ako nakipagshake hands. "Pagpasensiyahan mo na ang mga kaklase namin. Ganyan talaga ang mga 'yan pero mababait sila."
Mabait? Saan banda? Hindi kasi obvious.
"Okay lang." Sabi ko naman.
"Maloko lang talaga sila at malakas ang trip, pero mababait naman." Tawa ni Kathy kaya ngumiti lang ako. She looks so cute with her thin lips and tiny eyes. "You'll get along with them eventually."
"Kung hindi siya tutulad dun sa ibang transferee." Cherry snorted. Siniko naman siya nang mahina ni Rania kaya kumunot ang noo ko.
"What happened to the other transferee students?" I dared to ask. Nagkatitigan naman silang lima. I even heard Kathy whispering "Ikaw kasi" to Cherry.
BINABASA MO ANG
You've Been Hijacked (REVISED)
Teen FictionNew School. New Friends. New Enemies. New Bullies. But same old shitty life. Welcome, Adelaide Elsie! You've Been Hijacked. Copyright 2016