Chapter 1: devil section

193 10 32
                                    

Reminder! Bullying, in whatever form, is never okay.

Year 2016
Cristal's Point of View

"Selene!" I shouted at the top of my lungs. Tumawa lang siya kaya nakatanggap siya ng isang malutong na mura mula sa nag-iisang diyosa ng Hijack, which is none other than me. "Fuck you, Selene."

"Really, babe?" She said and winked at me. Bigla namang nanindig ang balahibo ko sa katawan. Hindi siguro maipinta ang itsura ko kaya mas lalong natawa si Selene. She's always like this. Bakit ba hindi pa ako nasasanay?

"Language, Tal." Saway sa akin ni Alethea na hindi ko na lang pinansin. Sobrang strikto niya talaga pagdating sa pagmumura. Kaya 'pag siya na yung nagmura, matatakot ka talaga.

"Don't me, Selene. Bibilhan mo talaga ako ng bagong chocolates pamalit doon sa mga inubos mo." Inis kong sabi. Paborito ko kasi iyong inubos niya.

"Tumigil na nga kayo. Ang ingay." Saway na naman ni Alethea na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa screen ng kanyang laptop. Katabi niya si Rina na kanina pa ngumunguya ng popcorn. Nanonood sila ng kpop o kdrama o ewan, basta mga koryanong nagsasalita.

"Ayan na ayan na!" Imik ni Rina habang niyayakap ang isang unan. Nagulat naman ako nang bigla silang tumili ni Alethea. Kita mo to, pagkatapos niyang magreklamo na maingay kami.

Sinilip ko ang screen at nakitang nagkaroon ng kissing scene sa pinapanood nila. Napangiwi naman ako.

"Mga adik." Mahina kong sabi na mukhang narinig ni Rina dahil napalingon siya sa akin.

"Ikaw nga eh, kilig na kilig sa Kathniel mo."

"Lahat naman tayo may kanya-kanyang kinaaadikan. Mabuti nga at hindi sa drugs." Napabaling naman agad kami kay Treece na nasa TV ang buong atensyon. Kanina niya pa pinapanood ang idol niyang si Yohan Hwang na nagpeperform. Puro kasi kami fan girls pero iba-iba lang ng iniidolo. Napaka-cheesy man pakinggan pero, the things we love and enjoy, our fangirling, it keeps us sane. It reminds us that we can be happy to be here. It gives us reason to stay here.

Matalim na titig ang ipinukol sa akin ni Treece matapos lumipad papunta sa ulo niya yung unan na hawak ko kanina. "It slipped off my hands. Paano ba naman kasi, ang corny mo masyado." Inirapan niya lang ako saka ibinalik ang tingin sa TV. I just laughed at her.

It was just another normal day for us as teenagers. Actually, last day ngayon ng bakasyon namin. Tomorrow will be our first day as senior students. Grade 10 na kami bukas. Isang kembot nalang at ga-graduate na kami.

"Lumabas na ang list ng sections! Same classmates. Nakakasuka naman. Bored na ako sa mga pagmumukha niyo." Pagbibiro ni Selene with matching pag-irap pa. "Ay wait! May new student!" Bigla siyang napasigaw kaya nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya. She laughed when she noticed how our heads immediately turned to her. Pinakita niya sa amin yung picture ng listahan ng section for this school year na nasa cellphone niya. "Adelaide Elsie Montanes."

"How long has it been since we've had a transferee in our section?" Napairap ako sa pag-ingles ni Alethea.

"Grade 8 lang yung last, huwag kang OA."

"So, same old, same old?" Tanong ni Rina kaya napakunot ang noo naming lahat. "Pagtitripan ba natin?" Binato sa kanya ni Treece iyong unan kanina.

"Nakalimutan mo na ata nangyari nung nakaraan?" Hirit ni Treece.

"Matagal na yun, saka para may thrill ang school year natin. Mean girls mode activate!" Excited niyang sabi. "Besides, it's like a ritual when you enter Hijack."

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon