Chapter 8: the prey

86 6 22
                                    

Adelaide Elsie's Point of View

"Elsie!" Napaangat ang tingin ko kay Julian pero agad ko ring ibinalik sa sahig ang tingin ko. Pakiramdam ko parang umiikot ang paningin ko. I feel dizzy. "Elsie, ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo? Anong nararamdaman mo?"

Nilapitan niya ako at agad na binuhat tulad ng ginawa niya sa akin kahapon sa canteen.

"Fuck off," malutong na mura ni Juls pero hindi ko na alam kung para kanino yun. Para kasing may taong nakatayo sa labas ng pintuan pero hindi ko maaninag kung sino siya. Umiikot pa rin kasi ang paningin ko. I tried to calm down para maibalik sa normal ang breathing ko. Thank God Julian was there to save me again. I don't know what would happen if he wasn't.

Gusto kong maiyak. Naiiyak ako. Why does this happen to me all the time?

"Shh, Elsie. I'm here. You're safe. You're safe." Julian kept assuring me and I just nodded at him. "You're going to be okay. Nandito ako."

-

Julian's Point of View

Nakaupo lang ako sa isang bench sa quadrangle nang makita kong nagtatakbuhan pababa sina Johann, Hayes at Darius. Sa pagkakaalam ko ay cleaners nila ngayon. Tumakas siguro. Naunang umuwi si Darius pero nagpaiwan sina Johann at Hayes. Ano na naman kaya ang binabalak ng dalawang ito?

Paglipas ng ilang minuto ay umakyat ulit yung dalawa. Nakita ko ring bumaba si Elsie para magtapon ng basura. Doon ko lang napagtanto na cleaners din pala si Elsie at mukhang siya lang ang naiwan para linisan ang buong classroom.

Napatayo agad ako nang makitang bumalik na sa itaas si Elsie. Masama ang kutob ko. Aakyat na sana ako pabalik sa classroom nang bigla akong tawagin ni Ryker.

"Julian! Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. Nasabi ko pala sakanya kanina na sabay kaming uuwi.

"May ichecheck lang ako sa taas. Mauna ka na." Napakamot naman siya sa ulo niya at agad ding naglakad palayo. Pumanhik naman ako papunta sa classroom.

Naabutan ko sina Hayes at Johann na parehong nakahawak sa mga door knob ng pinto. Dahil dalawa ang pintuan ng classroom ay tig-iisa pa sila. Narinig kong sumigaw si Elsie na nasa likod ng pintuan kung nasaan si Johann kaya tumakbo agad ako papunta doon.

"Julian, wag ka nang makialam dito." Bulong ni Hayes na sakto lang para marinig ko. Hindi ko siya pinansin at agad na tinulak si Johann.

"Gago ka ba!?" Bulyaw niya pero wala na akong pakialam. Tinulak ko ang pinto at agad kong nakita si Elsie na bumagsak sa sahig.

"Elsie!" Sigaw ko at agad siyang dinaluhan. "Elsie, ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo? Anong nararamdaman mo?"

Fuck! Of course she's not okay! Agad ko siyang binuhat at inilabas sa classroom. She needs air. Sarado na ang clinic kaya hindi ko na siya pwedeng dalhin doon.

"Fuck off," malutong kong mura kina Johann. He just looked at me with disbelief. Hell, Johan. Alam ko namang lahat ng dumadaan sa Mahogany ay pinagtitripan niyo pero sana 'wag na si Elsie. 'Wag na siya.

Dinala ko si Elsie sa quadrangle at dahan dahang pinaupo sa bench. Hinabol niya naman ang hininga niya habang nakatingin sa akin. "Thank you. For the second time around, you've helped me." Sinubukan niyang ngumiti kahit na hinahabol niya pa rin ang hininga niya. She stopped crying but I could still see the sadness in her eyes. She's a real tough girl. I hate to see her going through this. Wala man lang akong masyadong magawa. Naiinis ako sa sarili ko.

"Bibilhan kita ng tubig. Babalik ako." Tumango naman kaagad siya kaya tumakbo ako papunta sa canteen para bilhan siya ng tubig. Pagbalik ko ay nakahiga na si Elsie sa bench at nakapikit. Nagsquat ako sa harap niya at tiningnan ang mukha niya. "I wish I can protect you from them." Agad siyang napabalikwas ng bangon nang marinig ang mahina kong bulong.

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon