Chapter 6: frog prince

89 7 34
                                    

Adelaide Elsie's Point of View

Napaaga ata ako ng gising. Pagpasok ko kasi sa classroom namin ay madilim pa. May isang babaeng mahaba ang buhok ang nakaupo sa likuran at nagmumuni muni. I can hear her saying something pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Masyado kasing mahina ang boses niya. Nakatabon pa ang buhok niya sa kanyang mukha dahil nakayuko siya.

Bigla naman akong kinilabutan. Tumaas ata lahat ng balahibo sa katawan ko. Dahan dahan lang akong naglakad papunta sa seat ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Naka uniporme din kasi siya.

"Mamamatay kayong lahat!" Bigla akong napaupo sa sahig dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko. Minsan kasi kapag sobrang nagulat o sobrang natakot ako ay nahihirapan ako sa paghinga. Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo ang babae at biglang...

Humagalpak sa tawa!

"I'm sorry. Kaya pala trip na trip ka ng mga boys. Ang saya mo kasing pagtripan." Tawa pa rin siya nang tawa habang lumalapit sa akin. Nang nasa tapat ko na siya ay bahagya siyang yumuko at inilahad ang kamay niya. "Kumakanta kasi ako kanina nang pumasok ka. Sometimes, I can read people, and I figured out that you were scared so I decided to pull a prank on you. Sorry ulit."

Tinulungan niya akong tumayo pero hanggang ngayon hinahabol ko pa rin ang hininga ko.

"Wait, are you okay?" Biglang napalitan ng pag-aalala ang tono ng boses niya kaya tumango ako bilang sagot.

"Nagulat lang talaga ako sayo." Sabi ko na lang sa kanya. Ngumiti naman agad siya sa akin.

"I'm Ariel. Don't worry, hindi ako multo. I can assure you that I'm 100% alive." Biro niya. "Alam mo binubully din nila ako dati pero ewan ko ba, nasanay na lang ako hanggang sa boom! Okay na kami. Naging kaibigan ko rin silang lahat sa huli. Kaya yung mga tsismis na kumakalat sa faculty staffs, ibang nagtatrabaho dito sa school o kahit ng ibang estudyante na masasama ang Hijack, hindi totoo yun. Huwag ka sanang maniwala sa kanila. Mababait naman talaga ang Hijack. Hindi lang siguro nakayanan nung ibang naging target nila kaya nagpalipat ng section." Pagkatapos ng mahaba niyang sinabi ay bigla ulit siyang tumawa. Pala-kwento pala ang babaeng 'toh. Sa tingin ko, madaldal at kalog ang personality niya.

"Huwag kang mag-alala. Kaya ko naman silang pakisamahan." Sabi ko na lang saka umupo na sa seat ko. Tumabi naman sa akin si Ariel.

"Pansin ko nga kahapon na palaban ka. Tapos kinwelyuhan mo pa si Johann. Ang funny non! Ako kasi nung binubully nila ako, sinubukan kong gawin pabalik sa kanila yung mga ginagawa nila sa akin kaya, ayun. Napagod sila. Lintik lang ang walang ganti, noh." Tawa niya sabay hampas ng arm chair.

"Can you tell me more about Johann?" Nangunot ang noo ni Ariel dahil sa tinanong ko.

"I suppose he's quite handsome."

Nanlaki ang mga mata ko at paulit ulit akong umiling kay Ariel. "No! That's not what I meant. Hindi ko type ang bully na iyon at kailanman ay hindi ko siya magugustuhan. I just want to know what he's like or who he is. Baka may alam ka kung bakit ganyan ang ugali niya?"

I want to look into their backgrounds and since si Johann ata ang pinaka hari ng mga kalokohan sa section na ito ay siya ang una kong tutuklasin.

"Oh that!" She laughed. "You don't need to sound so defensive. But anyway, all I know about Johann is that he's Chinese. Johann Gao ang buo niyang pangalan. Kung bakit ganyan ang ugali niya ay hindi ko rin alam. Siguro dahil na rin sa mayaman sila kaya nakakaya niyang ilagay sa kamay niya lahat, pati batas. Because you see, Johann doesn't get expelled even though he's done a lot of trouble."

You've Been Hijacked (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon