Chapter 22

30 1 0
                                    

Daniel'sPOV

Wala na kami ni Liza. Tila tinik sa aking dibdib ang pakikipagrelasyon ko sa kanya at ngayon ay nabunot na ang tinik na yun. Nakakahinga na ako ng maluwag. Wala naman gaanong sakit akong naramdaman sa paghihiwalay namin. Mas dinamdam ko pa ang natanggap na balitang magpapakasal na sina Kath at Enrique. Mas nasaktan ako don.

 medyo inaasahan ko rin naman na hindi matutuloy sa realidad ang pangarap kong pag-iibigan namin ni Kath. May boyfrined na siya. Bukod dun ay ipinagbawal nitong maligwan ko siya. Ganun pa man, kahit naihanda ko na ang sarili sa posibleng kahihinatnan ng aking pag-ibig kay Kath, nasaktan pa rin ako ng matuklasang wala na talaga akong pag-asa sa kanya.

Ang dapat kong gawin ngayon ay harapin ang katotohanan. Dapat akong mag-move on na at kalimutan si Kath.Para mangyari yun, naging busy ako sa opisina. Kahit mga trabaho na hindi naman ako ang dapat na gumagawa ay ginagawa ko. Halimbawa, personal na kong nakikisali sa pagpoproseso ng mga larawan. Madalas na rin akong nagtutungo sa mga venues ng mga kino-cover namin kahit marami akong magagaling na photographers and videographers na maaasahan ko sa bagay na yun. Supervision na lamang sana ang sa akin at maaari ko namang gawin yun sa pamamagitan ng telepono.

Palagi ri akong nagpapahatid ng merienda na pinagsasaluhan namin ng mga tauhan ko sa opisina. Hindi ko kadalasang ginagawa ang mga bagay na yun kaya napansin yun ng mga empleyado ko.

"Okay rin pala kapag naha-heartbroken si Sir." sabi ni Seth, isa sa mga photographers ko habang kumakain kami ng Pizza. " nagiging madali ang trabaho natin dahil tumututok siya rito sa office, at higit sa lahat, palagi tayong busog."

"Parang wini-wish mong maging malungkot na lang ako for life huh? siguro, ikaw na, Seth ang magiging pinakamaligayang tao sakaling hindi ako makpag-asawa."

Nagtawanan kaming lahat na naroon sa opisina. Kapag ganun ay naiibsan kahit kaunti ang kalungkutan ko. Pero panadalian lang yun. Dahil sa pagkakabanggil ko sa pag-ibig ay nanariwa ang sugat sa aking puso na nilikha ni Kath.

Hindi lang bilang tauhan ang turing ko sa mga empleyado, mga kaibigan ko din ang mga ito. May mga pagkakataong naikwekwento ko sa mga ito ang personal kong buhay.

"That Kath must be very, very beautiful para talagang masaktan si Sir." sabi ni Anikka, ang bookkeeper and at the same time ay receptionist namin.

"Hindi lang naman siyempre kagandahan ang basehan para mahalin ni Sir yun." hirit ni Katsumi, isa sa mga videographers. Hindi nito alintana na may laman pa ang bibig nito. "By the way, Sir matanong ko lang, invited ka ba sa kasal nung Kath?"

Bago pa ako makasagot ay biglang may nagsalita mula sa likuran namin.

"Pinag-uusapan nyo ba ako?"

Sabay- sabay kaming napalingon sa nagsalita....

"Kath!" gulat na sabi ko.

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon