Chapter 8

30 0 0
                                    

Kathryn's POV

Nasa skating rink na kami nang malaman ko na ngayon pa lamang nakapasok si Daniel dito. Dalawang beses siyang bumagsak sa thin ice floor pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin.

"HAHAHAHA. Bakit kasi hindi mo sinabi na hindi ka marunong mag-ice-skate?"

B

Napangiti pa siya habang sinusubukang bumangon.

"Don't worry, I used to box when I was in high school."

"Ang labo. Anong koneksiyon nong dalawa?" Nagtatakang tanong ni Julia.

Iyon din sana ang gusto kong itanong kay Daniel na nagawa nang makatayo pero halos ayaw nang kumilos sa pag-aalalang muling bumagsak.

"Praktisado na akong bumagsak" malapad ang ngiting sagot ni Daniel.

Hindi namin napigilan ni Julia na matawa..

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Dahan-dahan at maingat na inihakbang ni Daniel ang mga paa.

"Mas matitinding bagsak pa nga ang inaabot ko roon dahil pinauulanan ako ng suntok ng kalaban. Hindi katulad dito na wala naman akong kalaban ay panay ang bagsak ko."

"DANIEL!" Halos sabay na sigaw namin ni Julia.

Bumagsak na naman kasi si Daniel.

Mabilis na lumapit kami ni Julia at inalalayan naming makatayo.

"Hindi pala kami maaaring lumayo sa'yo. We have to teach you first. At least, some basic moves."

"Dapat, dahil kung hindi uuwi akong namamaga ang behind ko."

Sa simula, dalawa kami ni Julia na umaalalay sa kanya. Tig-isang braso kami.

"Dito muna tayo malapit sa wall." sabi ko sakanya " beginners shoudln't to go to the center of the rink."

"Bakit?" tanong ni Daniel

"Here, when you get yourself outbalanced, at least, malapit ka sa bars, may makakapitan ka. Learning hiw to ice skate is somehow like learning to drive. 'Yong gitna ng rink, iyon ang fast lane. Mga experienced skaters ang nariyan. You don't drive in the fast lane in the road when you are just learning to drive. So don't do it when you're learning to skate either. Makakaistorbo ka sa mga fast skatersi baka madisgrasya ka pa."

Tumangu-tango si Daniel. Inihakbang nito ang kanang paa.

"No!" Awat ko "baby steps lang muna."

Sinunod naman niya ang sinabi ko.

"That's ut. Hindi ka naman pala mahirap turuan."

"Magaling ka kasing magturo, Ma'am."

Iniwan kami ni Julia. Nag skate siya palayo.

"Julia!" Sigaw ko.

Lumingon naman siya. " three's a crowd." Nakangiting sabi niya. "Naa-out of place ako sa ka-sweet-an niyong dalawa." sumabay na siya sa iba pang experienced skaters.

"Umarte na naman."nakasimangit na sabi ko.

Binalingan ko si Daniel at pinagpatuloy ko na lang ang pagtuturo sakanya.

Hindi nagtagal ay nagagawa na niyang makatayong mag-isa nang hindi naa-outbalance. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay nakakapag-glide na siya nang paunti unti nang hindi ko na inaalalayan.

DANIEL'S POV

"Sa tingin ko, pwede mo na akong iwang mag-isa, Kath." sabi ko habAng sinusubukang lakihan ang hakbang. "You're here to enjoy ice-skating, not to teach me."

"It's all right. Nag-e-enjoy rin naman akong turuan ka."

"By the way, who taught you how to skate?"

"Enrique did."

Dumilim ang paningin ko. Pero saglit lang naman.

"Sige na Kath iwan mo na ako."

"Are you sure?"

"Yes, promise hindi na ako babagsak."

KATHRYN'S POV

"Sige na Kath iwan mo na ako."

Nasaktan ako dahil parang itinataboy niya ako.pero hindi ako nagpahalata na ganoon ang nararamdaman ko.

"Are you sure?"

"Yes." Sagot niya. "Promise, hindi na ako babagsak."

Iniwan ko na siya. Sumabay ako sa iba pang sanay nang skaters. Paminsan-minsab ay sinusulyapan ko si Daniel. Unti- unti na niyang nagagamayan abg ginagawa. Baka mamaya lang ay makipaghabulan na ito sa akin.

Nilapitan ko siya pagkaraan ng ilang beses na pag-ikot sa rink. "Oh, ano karera na tayo?" naghahamong tanong ko kay Daniel.

"Later." hindi siya lumingon nang sumagot dahil ang atensiyon niya ay sa pagpa-practice.

Natatawang nilayuan ko siya. "Yabang. Sige nga, habulin mo ako." hamon ko kay Daniel.

Isang batang nagpa-practice pa lang ding mag-skate abg biglang sumuloot sa harap ko. Ikinabigla ko iyon. Sinubukan kong iwasan ngunit sa bilis ng takbo niya ay nawalan ako ng balanse.

"KATH!"

Narinig ko ang nag-aalalang sigaw ni Daniel bago ako bumagsak sa sahig.

....................................................................................................

Hala ano kaya magyayari kay Kath.. Tsk tsk

Hehehe by the way readers 3 chapi ang ggawin ko sa oras na ito hehehe chapter 7,8,9 hahaha mamaya na lng ung iba kapag sinipag...

Yung mga silent readers naman ho jan pede magparamdam haha comment and vote naman kayo.. para kasi walang my gusto sa story ko :( ayun lng

Maganda ang author nito hahaha at ako yun

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon