Chapter 25

24 0 0
                                    

Daniel's POV

Nagtataka ako sa ikinilos ni Kath. Hindi ko alam kung bakit partikular na tinutukan ni Kath ng pansin ang video ng lalaking yun at ang babaeng kasama nitong nakahahilig sa balikat niya. Baka ang lalaking iyon ay ang lalaking nais niyang pakasalan. Wala akong ibang maisip na dahilan kaya biglang nag-walk out si Kath sa panonood ng wedding video na yun.

Gusto ko sanang katukin si Kath sa banyo dahil halos kalahating oras na siyang nanatili roon. Pinigilan ko lang ang sarili at nagdesisyong hintayin na lamang na bumalik siya sa opisina ko.

Mayamaya pa ay bumalik na siya. Wala ng bahid ng luha ang mga mata pero hindi maikakailang nawala na ang kislap doon. Hindi na rin siya masigla. Kanina masaya pa siya at nakukuha pang magbiro. Ngayon, baka kapag nagbitaw ako ng joke, sa halip na matawa siya ay masampal pa niya ako.

Daniel : " Are you all right?"

Hindi siya bumalik sa dating kinauupuan sa halip din na ay nanatiling nakatayo siya sa harap ko.

Kath : " Labas tayo. Gusto ko lang mag-unwind."

Kath's POV

Dahil dala ko naman ang car ko yun na lang gagamitin namin ni Daniel siya na lang ang pagda-drive-in ko. Lumabas na kami ng office niya at sumakay sa kotse ko.

"Saan tayo?"

"I'd like to drink, Daniel. Punta tayo sa alam mong bar."

"may problema ka. Bakit hindi natin pag-usapan? Drinking won't help solve your problem."

"Please, wala naman akong planong maglasing. I told you, gusto ko lang makapag-unwind."

Ang totoo, ni minsan ay hindi pa ako nakakatikim ng alak. Ngayon pa lang ako susubok na uminom. Alam ko namang hindi makakatulong yun sa ajing problema pero nais kong makalimutan yun kahit pansamantala lang. Bukod doon ay nais ko din magrebelde kay Quen. Isa sa mga bilin niya ay wag akong iinom ng alak. Susuwayin ko siya. Naisip ko na isang paraan yun para makaganti ako.

 Bale-wala nga lang yun kung ikokompera sa kasalanang ginawa niya sakin. Kinuha ko ang cellphone at ini-off ko.

K :"Para walang istorbo."

D : "Ano ba kasi ang ipinagsesentimyento mo?

Kath : " Let's go to a bar and I will tell you then what my problem is. Mas magaan daw sa dibdib na magkuwento ng problem when you get tipsy."

Iiling-iling na sumunod na lamang si Daniel. Kumaliwa kami sa Kabihasnan at pumasok sa toll gate ng Coastal Road. Mula roon hanggang sa i-park niya ang sasakyan sa isang KTV bar sa Pasay ay hindi na ako umiimik. Hindi rin ako kinikibo no Daniel. Maaaring nais niyang magpalamig ako. Kung minsan ay nakakatulong ang katahimikan para pumayapa ang kalooban ng isang tao.

Kath : " Why KTV bar? I don't sing." pinagbuksan niya ako ng pinto.

Daniel : " Me neither. But they have rooms  here where we can talk privately. Pwede kang sumigaw at umiyak hanggang gusto mo ng walang makakarinig at walang makikialam sayo. Huwag ka lang maninira ng gamit dahil ibang usapan na yun."

Kahit paano ay nakangiting naglakad papasok sa bar.

Kath : " I'm not a violent person, Daniel."

Nang nasa isang silid na kami at nakalabas na ang waitress na nagdala ng order namin, gaya ng pangako ko kay Daniel ay ikukwento ko sa kanya ang ikinasasama ng aking loob. Hindi ako naglihim sa kanya. Muli ay napaiyak ako.

Daniel : " May balak ka pa rin bang magpakasal sa kanya?"

Kath : " I-I don't know. I really don't know. I love him. But I'm not sure kung maibabalik pa ang tiwala ko sa kanya. Niloko niya ako!"

Daniel : " Trust. That's the most important ingredient in a relationship. Kapag nawala yan, most probably ay mawawala na rin ang love."

Kath : " But everybody deserves a second chance. Mas mabuti sigurong huwag na lang natin pag-usapan ang bagay na yan. Inom na lang tayo." kumuha ako ng isang bote ng San Mig Light.

Sinunod naman niya ako. Hindi na nga siya nagbanggit pa ng anuman tungkol kay Quen. Pinagkwentuhanna lang namin ang tunkol sa pag-aaral at kapilyuhan ni Zaijan sa school, ang lovelife ni Julia, ang pakikipag-break niya kay Liza, ang tungkol sa trabaho namin at kung anu-ano pa.

Hindi kami parehong marunong kumanta. Pero dahil tipsy na, nawala ang hiya naming humawak ng mic para kumanta. " My Way", "Bikining Itim", "Laki sa Layaw", "Born Free" ang ilan sa mga pangmasang awiting kinanta namin ni Daniel. Sadyang hindi namin pinansin ang mga love songs. Magpapalala lang kasi ang mga iyon sa nararamdaman ko. Kumbaga, magsisilbing kalamansi yun sa aking sugat.

Pareho kaming natatawa sa ginagawa namin dahil tila nag-iimbento kami ng bagong lyrics sa bawat kantang napipili namin.

Kahit paano, nawala ang bigat sa aking dibdib. Pagkatapos kong maubos ang ikalawang bote ng San Mig Light at makalima si Daniel ay nagyaya na akong umuwi.

Kath : " Can you still drive?"

Daniel : " Don't worry, nasa tamang wisyo pa ako. Actually ni hindi pa nga nakarating sa tiyan ko ang nainom ko, hanggang lalamunan lang."

Pinatunayan naman niya ang sinabi. Tila hindi nga siya nakainom ng magmaneho. Kunsabagay, lalaki siya. Normally, mas malakas daw ang tolerance level ng lalaki kaysa sa babae pagdating sa pag-inom ng alam.

Kath : " Anong oras na ba?"

Daniel : " Ten past nine."

Kath : " Can I stay for a while sa house mo? I'd like to take a little rest before I go home. Magpapa-subside lang ako ng hilo. Para ako na ang mag-drive sa sarili ko pauwi."

Daniel : " I can drive for you."

Kath : " Makikita ka sa bahay. Siguradong magtataka sila. Ayoko ng maraming tanong."

Daniel : " Sige, Ikaw ang bahala."

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon