Chapter 20

28 0 0
                                    

Kath's POV

Tumingin sa akin si Daddy sabay sabi ng " Masuwerte ang mapapangasawa mo, hijo."

Napangiti ako, " Talaga!" mayabang kong sabi.

Nagtawanan sila.

Tumayo si Mommy para magtungo sa kusina. magluluto ng hapunan. Balak niyang magluto ng kare-kare at inihaw na tilapya. Tumayo din si Alexa para tulungan si Mommy.

Ang bango naman ng niluluto ni Mommy pati yung iniihaw na tilapya ni Alexa HMMMMMNNN bango kakagutom. Habang nilalanghap ko pa ang mababangong niluluto nila Mommy bigla akong niyaya ni Quen sa terrace.. anu ba yan istorbo hehehe.. gusto raw kasi niya mag-usap kami ng kami lang dalawa.

Magkahalong excitement at kaba ang aking nararamdaman habang papunta kami sa terrace. Ito na ba ang sandaling pinakahihintay ko?

nang makarating kami sa terrace may dinukot sa bulsa si Quen, tapos ipinakita niya sa akin. isang maliit na kahon yun. nang buksan ni Quen ay tumambad sa aking paningin ang isang singsing na napapalamutian ng brilyante.

Hindi ko mapigilang maluha sa tuwa.

Quen :" Will you marry me, sweetheart?"

Kath : niyakap ko siya ng mahigpit. " Yes, I will. i will maryy you kahit saang simbahan at kahit ilang beses mo pa gusto."

Daniel's POV

"HELLO?"

"Julia, it's me Daniel. i hope, I'm not disturbing you."

julia : " it's almost midnight already, napatawag ka? May problema ba?"

Daniel :" hmmm, wla ka yatang sumpong."

Julia :" Gusto mo bang may sumpong ako ngayon ?"

natawa ako. "Hindi. Of course, ayaw ko nun. Paano tayo magkakausap ng maayos kung may sumpong ka?

Julia :" Ano bang pag-uusapan natin?"

Daniel :" It seems you're in a good mood."

Julai :" Happy lang."

Daniel :" happy? Bakit?"

Julia :" Nagkabalikan na kami ni Diego."

Daniel :" is that the reason why you're still awake? Hindi ka makatulog dahil nire-reminisce mo ang moment ng pagbabalikan niyo?"

Julia :" Medyo. Saka kaaalis lang niya. Dinalaw niya ako."

daniel :" Mabuti naman. Nagbabaka-sakali lang nman ako na gising ka pa."

Julia : " Hindi ka rin makatulog?"

Daniel:" Medyo rin." nakangisi kong sagot.

Julia :" Bakit?"

Daniel :" it's about your best friend."

Julia :" What about my best friend?"

Tumahimik muna ako bago sumagot. Para kasi may nakabarang tinik sa lalamunan ko.

Daniel : " Ayaw na yata akong kausapin ng kaibigan mo."

Julia:" H-hindi naman."

Daniel :" Malamig na siya sa akin noong huling beses na nag-usap kami."

Julia :" marami lang siyang inaasikaso at iniisip."

Daniel :" I want an honest answer, Julia. Please tell me, iniiwasan ba niya ako?"

Julia :" What do you think?"

Daniel :" Iniiwasan na niya ako."

Julia:" Are you inlove with her?"

Daniel :" Kailangan ko pa bang sagutin yan?"

Julia :" kailangan. Para alam ko ang premise ng kwento at masagot kita ng eksakto."

Napabuntong hininga ako.

Juia :" Mahal mo siya?"

Daniel :" Siguro. baka. i don't know."

Julia :" I want an honest answer, Daniel."

Daniel :" Okay, okay I admit I love her."

Julia :" Then she's just doing the right thing."

Daniel :" Hindi naman niya ako dapat iwasan. I know where I should stand, Julia. I love her pero hanggang doon lang yon. Hindi ko siya liligawan. Napag-usapan na namin yon."

Julia :" Napapamahal ka na kasi sa kanya kaya ninais niyang lumayo sayo."

Dapat ko bang ikatuwa yun? O dapat kong ikalungkot yun? Napapamahal na ko kay Kath pero sa halip na lumapit siya ay lumalayo pa. Hindi ako makareact. all the while pala ay may pagtingin din sa akin si Kath, Kaya lang, gaya ko ay naiisip din siguro niya ang kanya-kanyang relasyon. Ako kay Liza. Si Kath naman kay Enrique.

Daniel :" Halimbawang makipaghiwalay ako kay Liza, may pag-asa pa ba akong makahabol sa puso niya?"

Julia :" i have two bad news for you, Daniel. First, nakauwi na si Enrique from Canada kaya hindi na talaga papayag yun na lumabas kayo. Unless kasama mo siguro girlfriend mo at kasama rin niya ang boyfriend niya. Second, Kath just accepted Enrique's marriage proposal. They're getting married, Daniel. so malabo ka na talagang makahabol sa puso niya."

Parang patalim ang mga sinabi ni Julia na bumaon sa aking puso.... 

Wala nahuli ako... Paano na kami ni Kath.. ayyy wala palang "kami" kasi kaibigan lang talaga ang papel ko sa buhay ni Kath.. :(

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon