Chapter 15

31 0 0
                                    

Someone's POV

Mga dalawang dipa ang agwat nila sa isa't isa. Mabilis na nadaluhan niya si Kath nang makita niyang babagsak ito. Nahawakan niya ang left side ng manibela ng bike. Aalalayan sana niya ito ngunit hindi niya naawat ang pagbagsak nito. Mas nauna pa siyang natumba rito nang tuluyan nang ma-outbalance si Kath. Gumulong si Daniel para sa halip na sa semento ay sa katawan niya babagsak si Kath. Ayaw niyang magalusan at masaktan ito.

Nagtagumpay naman si Daniel sa balak niya. Pero padapa ang pagkakabagsak ni Kath kaya nalalanghap niya ang mainit at mabangong hininga ni Kath. Nararamdaman din ni Daniel ang malambot na katawan ni Kath.

Napapikit bigla si Daniel. Bigla na-imagine ni Daniel na natutulog siya sa kama habang yakap ang babaeng pinakasalan niya.

Daniel's POV

"Daniel" mahinang tawag ni Kath sa pangalan ko.

Dumilat ako. Halos gadali lang ang distansiya ng kanyang muka sa muka ko. hindi sa lahat ng panahon ay ay nangyayari to. Hanggang sa magatam ang mga mata namin. Ang ganda ng mata ni Kath maamo kung titignan isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya.

Pakiramdam ko ay nabiktima ako ng mga mata ni Medusa. Sa sandali kasing matitigan nito ang isang tao ay nagiging bato. Ilang sandali ako tila naging estatwa sa pagkakahiga. Ang nakapagtataka ay ganun din si Kath. Gusto rin kaya nya ang init ng aking hininga? mabango hininga ko no wag kayo hahaha.. O kaya ang pagkakayakap ko sa kanya? Napansin din kaya ni Kath ang physical best asset ko??? ung mata :) Para kasing may imaginary glue na nagdikit sa mga mata namin ni Kath.

"Kath."

Tawag ko sakanya. bahagyang ibinuka ko ang bibig ko sapat na iyon para dumaiti ang mga labi ko sa mga labi ni Kath. Napatitig ako sa mga labi nyang mapupula na gaya ng mansanas kahit wala itong lipstick. Ang sarap panggigilan ng labi niya. :))

Sasamantalahin ko na ang pagkakataon nato. kaso parang nabasa ni Kath ang laman ng isip ko kaya tumayo na si Kath.

"Nasaktan ka ba?" tanong ni Kath pagkatayo niya.

If I were going to die at this moment, I'd accept it with both arms wide open. hindi na baleng malagutan ako ng hininga as long as yakap ko ang pinakamamahal ko. 

"H-hindi naman" sagot ko kahit ang totoo ay gusto ko ng magpasugod sa orthopedic hospital. masakit ang likod ko. Pero bale wala lang sa akin ang lahat ng sakit na to dahil pinangingibawan ng kaligayahan. kahit siguro may sumuntok at tumadyak pa sa akin ngayon ay nakangiti pa rin akong uuwi sa bahay... (baliw lang) ganun talaga nagmamahal e.

Tumayo nako baka isipin ni kath napasarap ako sa pagkakahiga ko.

'are you sure okay ka lang?"

"yes, I'm fine. ikaw nga itong inaalala ko. nasaktan ka ba?"

umiling ito. "I'm okay."

Itinayo ko ang bisikleta ko.

"Uuwi na ako." paalam ni Kath.

Para naman akong isang nakakapasong apoy na gustong layuan ni kath. hindi naman ako manhid para hindi maunawaan ang nangyari sa amin kanina. Nayakap ko siya, natitigan, at halos mahalikan na. Alam kong kamuntik na rin siyang magpahalik sa akin gwapo ko kasi. Sa tingin ko naman ay nag-enjoy din siya sa yakap ko .

Kung tatanungin nyo ko kung ano ang pinaka memorable na nang yari sa buhay ko? yun ung nangyari sa amin ni kath kanina. Mas masaya pa ako kanina kesa noong nagcelebrate ako ng birthday ko.

Inihatid ko si kath hanggang sa gate ng bahay nila. Hinintay kong yayain niya ako na pumasok sa loob para makapagkape man lang hinding hindi ako tatanggi pero hindi nya ako inaya :(

"bye. Salamat Daniel and sorry nga pla sa nangyari kanina. ingat ka sa pag-uwi." 

"sige salamat din."

Pagkasabi niya nun ay pumasok na siya sa bahay nila.

Hindi ko na sinakyan ang bisikleta ng palabas na ko sa subdivision nila. Mas gusto kong maglakad muna. Pakiramdam ko kasi ay hindi sumasayad ang mga paaa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay lumulutang ako dahils sa labis na kaligayahan....

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon