Chapter 2 ( Part II)

36 0 0
                                    

ahmmm guys POV ko muna toh ha kasi nga hawak ni Dj ang videocam hehehe ...... pagbigyan nyo na lang ako ha.....

Free po ang gusto mag padedicate :) and sabihan nyo lang po ako ....

enewey eto na ...

____________________________________________________________________________

AUTHOR's POV.

     Habang masayang nag-uusap ang kanyang pamilya at kaibigan ni Janella ay kinuhanan niya ng video ang restaurant. Nang dumako siya sa entrance ng restaurant ay natigil na roon ang camera. Nakuha ang atensiyon niya ng isang babaeng dahan-dahang naglalakad. Matangkad at morena ito. Lampas-balikat ang buhok nito. Sa tingin niya ay nasa mid-twenties ang edad nito.

     Inalis niya ang tingin sa LCD monitor. Nais niyang mapagmasdan ito nang personal. Mula sa kinaroroonan niya ay nakatagilig ito. KataMtaman ang tangos ng ilong nito, mapupula ang maninipis na labi, parang sa manika ang mga mata nitong may malalantik na pilik.

     Ibinalik niya ang tingin sa videocam. Ipinokus niya sa babae ang lens at pinindot ang zoom button niyon para lalo niyang mapagmasdan ito.

     Tumayo siya mula sa kinauupuang sofa at lumapit sa TV screen. Ang mukha na lang ng babaeng iyon ang pumupuno sa monitor.

     Parang nasense yata nito na may mga matang nakatutok dito, huminto ito sa paglalakad at lumingon. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang humarap ito. Huling-huli ng videocam ang maganda at maamong mukha nito.

     Pinindot niya ang pause button at pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa pagmamasid sa mukha nito. Tila isang napakagandang tanawin ito na mamasdan lamang nino man ay maaalis na ang lahat ng pagod at problema na taong iyon.

     Nang makontento ay pinindot niya ang play button ng remote control.

     Tumalikod ang babae. Ipinagpatuloy nito ang paglakad. Hindi niya alam kung napansin nitong kinukunan niya ito ng video.

     Aalis na siya. Dagling pinindot niya ang stop button at sinundan ito. Bahagya lang niyang narinig ang tanong ni Liza kung saan siya pupunta. Ang atensiyon niya ay nakapokus sa babaeng naglalakad palayo.

     Nang makarating siya sa exit ng restaurant ay iginala niya ang paningin. Nakaramdam siya ng lungkot nang hindi na niya ito nakita. Malamang na humalo na ito sa maraming tao sa mall.

----

     Tinapos na niya ang panonood ng videotape. Kuha iyon sampung buwan na ang nakararaan. Magmula noon, palagi nang sumasagi sa kanyang isip ang maamong mukha ng babaeng iyon. In a way, masasabing nagtataksil siya kay Liza dahil madalas na nai-imagine niyang ang babaeng iyon ang kasama niya sa halip na si Liza. Kapag nasa mall siya, nasa kalye, sa restaurant, at kahit habang nagmamaneho pa ay nagiging malikot ang kanyang mga mata, nagbabakasakali siyang muling makikita at umaasa siyang makikilala na ang babaeng iyon.

     Nasa kanya ang master tape na iyon. Ang mga ipinamigay niyang kopya niyon na isinalin niya sa VCD ay edited na dahil hindi niya isinama roon ang parte na naroon ang babaeng iyon. Ni hindi nga niya ipinaalam kahit kanino ang tungkol sa babaeng iyon.

     Akala niya ay hindi na niya makikilta uli ito. Pero nakita uli niya ito at nakilala pa niya,

      Ito ay si Kathryn Ramos, ang teacher-adviser ni Zaijan. Iniisip niya kung paano siya makakalapit dito at kung paano niya maitataboy palayo sa puso niya si Liza.

     The idea was next to impossible. May suicidal tendency kasi ang girlfriend niya. Minsan nang pinagtangkaan nito ang sariling buhay pagkatapos nitong magselos sa isang kliyente niya...

______________________________________________________________________________

Thanks sa mga nagbabasa nito :)

next UD mamaya or bukas

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon