Chapter 29

58 2 1
                                    

Kath's POV

Boyfriend ko pa kasi noon si Enrique. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Wala na akong boyfriend. Hindi ko na kailangan  pagbawalan ang aking sarili na umibig kay Daniel.

Kath : " Enrique admitted na girlfriend din niya yung babae, Si Coleen. He told me he met her in Canada and she's also a certified nurse but is working another hospital. He got her pregnant , Daniel. Eight months na ang tiyan ni Coleen."

"Iyak ako ng iyak pagkatapos kong malaman yun. Ang alam ni Coleen nakipag-break na si Enrique sa girlfriend nito sa Pilipinas. Wala siyang kaalam-alam na nagpaplano na kaming magpakasal. Walang balak si Enrique na pakasalan si Coleen pero hindi naman daw niya tatalikuran ang obligasyon niya sabata. Sabi ni Enrique, ako raw talaga ang mahal niya."

Daniel : " Anong sabi mo sa kanya?"

Kath : "Hindi ko siya agad sinagot. Masamang-masama talaga ang loob ko. I told him he would know my decision the next day. Halos hindi ako nakatulog kakaisip sa mga nangyayari. Inisip ko ang kapakanan ni Coleen at ng bata,"

"Nang magkausap kami kinabukasan, buo na  ang desisyon kong umurong sa kasal. Naunawaan naman niya ako. Sabi ko sa kanya, bigyan niya ng chance ang kanyang sarili na mahalin si Coleen. Tumango lang siya. After that, wala na akong balita sa kanya."

Daniel :"Ibig bang sabihin niyan, wala ka nang pagtingin sa kanya?"

Kath : " Honestly, I miss him. I miss him but not because I still love him. Gusto ko lang makibalita sa nangyayari sa kanya. Sana ay masaya na siya sa piling ni Coleen."

Daniel : " Nagpunta ka lang ba rito para sabihin sa akin na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Enrique o may iba pang dahilan?"

Napangiti ako.

Kath :" Ayaw mo ba akong makita?"

Daniel : "Siyempre gusto ko." nakangiti niyang sagot

Nilingon ko ang TV kung saan nakabalandra ang maganda kong mukha,

Kath : " Do you always watch that video?"

Daniel : " To be honest, I've tried so much to forget you, Kath. Unfortunately, I have not succeeded. (sa mga mata ko siya nakatitig) I love you, Kath. Heaven knows how I've suffered from loving you. Loving you is like having an incurable disease. Patuloy lang na lumalala iyon sa pagdaan ng mga araw. Ikaw lang ang gamot dito (sabay turo sa part ng dibdib niya kung nasaan ang puso niya), ang mahalin mo rin ako. Kung hindi, I swear ikamamatay ko ito."

Nabusog ang aking puso dahil sa matatamis na salitang sinabi niya. Kung literal na matamis yun, tiyak na pinapak na ako ng mga langgam.

Kath : " Ang haba ng sinabi mo. Pero hindi mo naman sinagot ang simpleng tanong ko. Do you always watch that video?"

Daniel :"Yang particular portion lang. Nirerewind ko lang yan nang nire-rewind hanggang sa mapagod ako."

Kath :"Hindi ka nga magtatagumpay na kalimutan ako."

Daniel :" Kasalanan nitong puso ko, palaging nire-request na makita ka, kahit hindi sa personal. But now, I think I have to forget about forgetting you."

Kath : " And why?"

Daniel :" Hindi ka na siguro tatanggi kapag niligawan kita."

Kath :" Paano ka naksisiguro?"

Daniel :" I know you also feel something for me, Kath. Kaya lang, pilit mong idine-deny noon dahil ayaw mong masira ang relasyon ninyo nio Enrique.. Ngayon ay wala na akong nakikitang problema." hinawakan niya kamay ko at masuyong pinisil."Am I right, Ma'am?"

Kath : " You're wrong."

Alam niyang nagbibiro lang ako dahil ikinulong niya ang aking mukha sa mga palad niya. Tapos ay dahan-dahang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

 Alam ko ang intensiyon niya. Pumikit ako at hinintay na lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Buong pusong ipaubaya ko ang mga labi ko.

 Kung matamis ang pananalita niya, higit palang matamis ang mga labi niya. Hindi ko napigilang tugunin ang mga halik niya.

Daniel : " Aminin mo na kasing noon ka pa may gusto sa akin." sabi niya ng pakawalan niya ang mga labi ko.

Kath : " Paano kung ayoko?"pilyang tanong ko sa kanya.

Daniel : " I'll kiss you again. And this time, I promise I won't stop. Until after office hours."

Tinignan ko ang relo ko. 4PM pa lang. Ibig sabihin, isang oras na maglalapat ang aming mga labi kung ide-deny ko ang sinabi niya.

Kath : " No.......... Wala talaga akong gusto sa'yo..... noon. Swear. :))) Ngayon gustong gusto na kita. I LOVE YOU DANIEL!"

Daniel : " I LOVE YOU MORE KATH."

THE END..........................

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon