CHAPTER 3

39 1 0
                                    

         Pakibasa po ang msg ko sa pinakabababa :)

____________________________________________________________________________

       Ilang araw na ang nakalipas mula nang makilala ni KAthryn si Daniel ngunit may mga pagkakataon na kapag naaalala niya ang unang pagtatagpo nila ay hindi niya maiwasang mapangiti....

Kathryn's POV

" Why are you smiling?" tanong ni Julia M. , bestfriend at co-teacher niya sa pinapasukang private school. " May nakakatawa ba?"

     Nawala agad ang ngiti sa mukha ko. Hindi tamang ngumiti ako gayong ikinukwento ni Julia sa akin na nag-away sila nang boyfriend niya.

Kathryn : " What's new? You and Diego are always like that. Mag-aaway kayo at maghahamunang mag-break na lang dahil hindi na nagwo-work ang relationship ninyo."

Julia : " But this time, iba na. Sobrang seryoso na ang away namin. Can't you see I'm really crying? Tapos, pa-smile-smile ka pa riyan?"

         Saglit na inalis ko ang tingin sa kalsada para sulyapan si Julia. Mugto ang mga mata niya. Marahil magdamag siyang umiyak. tsk tsk tsk!.

           Nag-menor ako sa pagmamaneho nang makita kong pinapahinto kami ng traffic aide upang patawirin ang mga estudyante sa isang public school.

           Katabi ko sa front seat ng aking pulang Toyota Corolla si Julia. Matagal na ginamit ang sasakyang ito ng aking ama noong aktibo pa ito sa serbisyo bilang chief of staff ng isang kilalang congressman. Nang ma-stroke ang ama ko sa edad na 56 napilitan siyang magretiro. Magmula noon ako na ang gumagamit ng kotse.

          Ang bahay nina Julia ay nasa labas lang ng Moonwalk Subdivision kung saan ako nakatira kasama ang mga magulang at mga kapatid ko. Tutal, pareho naman kami ng pinagtatrabahuhan ni Julia, isinasabay ko na siya sa pagpasok.

Kathryn : " Pasensiya kan, Actually, I was smiling not because you and your boyfriend quarreled for the nth time. My mind was busy with something else."

Julia : " Busy saan? Ano ba'ng iniisip mo ?"

     Sumenyas ng 'go' ang traffic aide. Pinatakbo ko uli ang sasakyan.

Kathryn : " Wala."

Julia : " My mind was busy with something else," panggagaya ni Julia " Tapos wala?"

Kathryn : " May nakilala kasi akong guy no'ng Thursday, si Daniel." pag amin ko sa kanya.

Julia :" Sino naman ang Daniel na yan? Don't tell me na nagpapaligaw ka? Lagot ka kay Enrique," pananakot niya. tumigil ito sa paghikbi.

Kathryn : " Hindi." tanggi ko

Julia : " Buti naman. O, Pagkatapos? Na-meeet mo ang Daniel na ito and then?

Kathryn : " Wala lang." Ayaw ko na nga sanang magkwento pa sa iba tungkol kay Daniel. Hindi kasi ako sanay magsinungaling. Baka maamin ko na unang beses pa lamang ko pa lang nakilala ay kinilig na ko. Ano ang iisipin ng mapagsasabihan ko niyon?

Julia : " Kath, hindi por que may boyfriend ka na at nagkaroon ka ng crush sa ibang guy ay flirt ka na. It's just normal to have crushes, kahit nga may asawa ka na."

     Nasagot niya ang tanong na naglalaro sa aking isip. Hindi na ko mag-aalala pa sa iisipin ni Julia kapag nagkwento ako tungkol kay Daniel.

Julia : " Now, tell me, who's this Daniel?

Kath : " Tito siya ng isa sa mga estudyante ko, si Zaijan. Kilala mo siya, di ba?

Julia : tumango ito " Tapos?"

     Ikinuwento ko kay Julia ang buong istorya ng pagkakakilala namin ni Daniel - mula nang halikan ni Zaijan ang classmate nitong si Xyriel hanggang nang araw na ipatawag ko pareho ang mga magulang ng mga ito para mapag-usapan ang kapilyuhanng ginawa ni Zaijan.

Julia : " Kaya lang, mayroon na pala siyang Liza." may panghihinayang sa tinig niya.

Kath :" At mayroon na rin akong Enrique."

     Tila nakabuti para kay Julia na mapag-usapan  namin ang tungkol kay Daniel. Tumigil siya sa pag-iyak at hindi na binanggit pa ang problema nito sa boyfriend. Panandaliang nakalimot siya sa problema.

Julia : " Paano kung pareho kayong walang commitment ngayon at ligawan ka niya, sasagutin mo siya?"

Kath : " I don't know."

Julia : " You don't know?"

Kath :" Hindi naman kasi ako kagaya mo na basta pogi ang manligaw, sinasagot agad. I have to know his background first I say 'yes'. Pogi nga siya eh kung may bad record naman? Playboy, nananakit ng babae, walang ambisyon sa buhay, walang respeto sa magulang, et cetera. Doon na lang ako sa kahit hindi masyadong pogi basta good and responsible naman."

Julia : " May pakiramdam ka ba na masamang tao siya?"

Kath : " Wala naman ."

Julia :" Halimbawang ma-discover mo na wala ka naman palang masasabi sa ugali ng Daniel na ito, sasagutin mo na siya?"

 Kath : " Kung wala akong boyfriend?

Tumango ito.

Kath : " I still don't know. I'll cross the bridge when I get there."

Julia : " Ako, if I'd be given that opportunity, I would give him my sweet yes automatically."

Kath : " Kaya ka umiiyak ngayon ay dahil sinagot mo ang isang lalaking ni hindi mo muna kinilatis nang mabuti" 

Julia : " Tumigil na ko sa pag-iyak, huwag mo akong paiyakin uli."

          Ipinasok ko na ang kotse sa malaking parking space ng ST. Rose Academy. Nasa back entrance iyon ng eskhelahan. Isang color beige na Sonata ang sinusundan namin. Huminto iyon kaya inihinto ko rin ang kotse ko. hindi iyon naghahanap ng mapaparadahan. Marahil ay may ihahatid lang na estudyante ang driver niyon.

              Bumukas ang driver's seat ng sasakyang iyon.

              Agad akong napatingin kay Julia nang makilala ko ang lalaking bumba mula roon.

Kath : " Si Daniel."

 Julia : " Ha? Nasa'n?"

_____________________________________________________________________________

yieee pabitin muna hahahahaha!! :) wala naman kasi ngvovote and nagcocomment eh hahahaha hindi ko na kaya ituloy? hmmmmn hahahaha

kahit 10 votes and 10 comments ang makita ko tutuloy ko ang story... pero kung hindi umabot sa 10 sorry hindi ko na tutuloy nakakalungkot lang kasi parang walang nagbabasa ng story ko :( hahaha first time ko lang kasi kaya siguro napapangitan kayo sa story ko ahahaha pero ok lang maganda naman ako e :P

pero depende sakin kung itutuloy ko KUNG nasa mood ako :)

Next UD maybe tom??? :)

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon