CHAPTER TWO

42 0 0
                                    

DANIEL'S POV

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday, Happy birthday to you!"

"HAPPY BIRTHDAY, JANELLA!!" sigaw naming lahat.

     Kaarawan ni Janella, ang bunsong kapatid ko. Mas bata siya ng apat na taon sa akin.Mas matanda naman nang dalawang taon si Jerome, ang ama ni Zaijan. Present kaming lahat na miyembro ng pamilya sa okasyong ito : ako at si Liza ang girlfriend ko, si Jerome at si Julia B. ang asawa nya pati na rin si Zaijan ang kanilang anak, ang mga magulang namin, at ilang piling mga kaklase at kaibigan ni Janella.

     Dalawang mahabang mesa na pinagdikit para maging isa ang kinuha namin sa restaurant sa Sourhmall. Dito namin napagpasyahang i-celebrate ang nineteenth birthday nang aking kapatid.

     Halos mapuno ang mesa sa dami ng pagkain gaya ng chicken salad, fruit salad, chicken minestrone soup, roasted chicken pita, muffins, roasted chicken, at maraming marami pang iba't ibang food.

"Mauubos ba nating lahat ito? " Nagaalalang tanong ni Ej, classmate ni Janella nuong high school at nananatiling kabarkada nito.

"That's not a problem, Ej" sabi ni Jane ng bestfriend ni Janella " Kaya nga nagdala ako ng malaking bag eh, para sa mga ganitong pagkakataon. Girl Scout yata ako, laging handa!"

Nagtawanan kaming lahat......

"Nakakahiya ka," hindi pa rin tumitigil sa pagtawang sabi ni Ej. " Ang cheap cheap mo kahit kailan!"

"Hoy! kung ka-cheapan ang tawag mo roon, I call that 'practically' naman. Sa hirap ba naman ng buhay!

     Ipinakita ni Kiray, isa pang kaklase ni Janella, ang backpack nito. "Hayaan mo lang si Ej kung nahihiy siyang mag-uwi ng leftovers, palibhasa'y hindi siya prepared na gaya namin. Wala siyang dalang bag eh. Nakakahiya nga namang magbitbit pauwi kung sa plastic bag mo lang ilalagay."

     Nagtawanan kaming lahat, mas malakas kesa kanina. Si Ej lang ang hindi natawa. Napikon yata ito kaya kumurot ng icing sa malaking cake, saka ipinahid sa mukha ng katabing si Kiray.

Kiray : "ano ba? Bakit ka pumapatol sa babae ha? Tuloy, gusto ko nang maniwala sa tsismis na gay ka."

Nagsalubong namang ang kilay ni Ej.. (><)

"That's enough, guys" natatawang awat ni Janella " Kumain na tayo. Gutom lang 'yan."

     Pinindot ko ang fast-forward button sa remote control ng DVD player. Mayamaya pinindot ko ang play button.

"May nanliligaw na ba sa sister namin?" tanong ko kay Janella. Hindi ako nakikita sa video dahil ako ang may hawak ng videocam. Ipinokus ko kay Janella.

Janella: " Wala".

     Masyadong mabilis ang pagsagot ni Janella ah mukang may itinatago ito sa akin.

Jane : " Anong wala? Meron no!, Nililigawan ka ni Sam, di ba?"

Janella : " Sorry but I have no plans of having a boyfriend at this point in my life, not yet. Saka na pagka-graduate ko."

     Humarap siya sa camera "Kuya Daniel, don't worry, hindi ko ibe-break ang promise ko sa'yo. Hindi ko sasayangin ang pagpapakapagod mo para mapagtapos ako ng pag-aaral."

Jane : "Ang tanong ni Kuya Daniel, kung may nanliligaw na sa'yo. Di, ba nililigawan ka namantalaga ni Sam?"

Janella : " Basted na kaya siya."

     Iniharap ko ang lens ng camera sa sarili ko...

Daniel : " Having a boyfreind doesn't necessarily mean na masasayang ang pagpapakapagod ko sa pag-aaral mo sis."

     Pagkasabi kong yon ay dagling itinutok ko uli kay Janella ang camera, just in time to hear her say " What do you mean, Kuya? Nagbago na ba ang pananaw mo? Pwede na kong mag-boyfriend kahit hindi pa ako guma-graduate?" excited niyang tanong.

Daniel : " Yes, You should be thanful to your Ate Liza. She convinced me it's just normal for you to have admirers and suitors. Wala raw ba akong tiwala sa iyo? Sabi ko kasi sa kanya, baka ikasira ng pag-aaral mo kapag nag-boyfriend ka. Sagot naman niya, baka nga lalo ka pang ma-inspire, kaya-"

Janella : " Kaya payag ka nang makipag-boyfriend ako?" putol ni Janella sa sasabihin ko.

Daniel : " Yes."

     Inilabas ni Janella ang cellphone nya... "Tatawagan ko si Sam. Papupuntahin ko siya rito para ma-meet n'yo siya."

     Pinindot ko uli ang fast-forward button ng remote control. Mayamaya lang, ang play button naman ang pinidot ko.....

______________________________________________________________________________

Next UD po ang pagpapatuloy ng POV ni Daniel .......

Comment and Vote po para malaman ko kung itutuloy ko pa hehehehehe

Next UD maya maya onti hahahaha

SALAMAT :)

Heaven Knows ( Kathniel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon