CKH# 3: Hinding-Hindi

16 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, kaya hinablot ko ang kumot na nakabalot sa'akin at itinaklob 'yon sa mukha ko

Napabangon naman ako nang may maamoy akong pamilyar na amoy - kaamoy ni... nevermind. Dali-dali akong napabangon at tiningnan kung nasaan ako. Nasa kwarto ako? Kaninong kwarto ito?

Napatingin naman ako sa suot ko at nakitang nakasuot ako ng malaking kulay itim na damit - obviously panglalaki at kulay gray na boxer shorts. Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Nagpunta kami ng bar ni Carmen tapos may lalaking kumaladkad sa'akin kagabi at dinala ako sa condo 'nya. Whaa! Na-rape ako?!

Mabilis naman akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa'akin ang living room. Pumunta ako duon at lumiko, nakita ko naman ang kusina at naandun si Kai na nakaupo sa isang upuan habang kumakain ng isang tinapay at nakatingin sa cellphone 'nya na nakapatong sa table. Mabilis akong pumunta sa'kanya at pinagpapalo 'sya. Nabitawan 'nya naman ang kinakain 'nya at pinagsa-sangga ang mga palo ko

"Ni-rape mo a-ako!" sabi ko at pinalo ulit 'sya. Tumayo naman 'sya at patuloy na sinasangga ang mga palo ko

"What the fuck are you talking about?!" inis na tanong 'nya at kinuha ang magkabila 'kong kamay at itinukod ako sa pader na kalapit namin

"Y-you raped me! Mahal kita at alam mo 'yan pero wala ka naman karapatan na pagsamantalahan a-ako!"

"Mukha ba akong rapist?" mahinang tanong 'nya at inilapit ang mukha 'nya sa mukha ko. AS IN SOBRANG LAPIT!

"Captain! Kailan ang training nat -" naputol ang sinasabi ng isang lalaki nang makita 'nya kami sa ganoong posisyon

"Wrong timing ba kami, Captain?" natatawang sabi nung isa pang lalaki. May tatlo kasi na lalaki ang pumasok. Naka varsity jacket silang lahat at naka-back pack

Sinulyapan lang sila ni Kai at tumingin ulit sa'akin. Marahas 'nyang tinanggal ang mga  kamay 'nya sa pagkakahawak sa braso ko at sinamaan ako ng tingin

"Magbihis ka na, tapos umuwi ka na" suplado 'nyang sabi at hinarap ang mga teammates 'nya na mga nakangisi sa direksyon namin

"H-hoy! Hindi mo pa nga sinasabi kung bakit mo ako p-pinagsamantalahan!" nanginginig na sabi ko

"Ano ba naman 'yang ilusyon mo?! Kahit kailan, hinding-hindi kita papatulan!" malakas at mariin na sabi 'nya at pinanlisikan ako ng mata

Nagulat naman ako sa pagsigaw 'nya kaya tumungo nalang ako at lumabas sa kusina. Dumiretso ako sa kwarto na tinulugan ko kanina at nakita ko 'don ang mga gamit ko. Naupo ako sa kama at mariing pinikit ang mga mata ko. Ito talaga si Kai! Umagang-umaga pinapaiyak ako!

Nagpalit ako sa dati kong damit at iniwan ang damit na ipinalit 'nya- wait... 'Sya ang nagpalit sa'akin?! Juskopolord! Pero hindi naman siguro, kahit alam ko naman na naiirita at naiinis 'sya sa'akin ay may respeto pa rin 'sya sa mga babae

Sa bahay na ako maliligo at kakain. Hindi ko kayang magtagal pa dito dahil baka mag breakdown pa ako sa harap nilang lahat kaya lumabas na ako at tinungo ang pinto papalabas sa condo na ito

Naabutan ko naman si Kai na nakaupo sa single couch 'nya at seryosong nakatingin sa cellphone 'nya, habang magkakalapit naman ang tatlo 'nyang ka-team mates sa mahabang couch

"S-salamat, Kai..." sabi ko, sinulyapan lang naman 'nya ako at binalik ulit ang tingin sa cellphone 'nya. Napakagat naman ako sa labi ko at binuksan na ang pinto para lumabas

Paano pala ako makakauwi nito?! Wala akong kotse! Wala 'rin akong pera! Pero may cellphone ako! Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jeans ko at binuhay 'yon. May natitira pa na 2% kaya tinawagan ko na si Carmen

Chasing Kai HarrisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon