Magkakaharap kami ngagon sa round table. Si Kai at ang dalawa 'nyang mga kapati, si mommy at daddy, tapos ako
"Excuse me" sabi ng ate ni Kai na si Karina nang may tumawag sa telepono 'nya. Tumayo si Karina at umalis
"Anak. Tinatawag kami ng mga business partners namin. Maiwan ka muna namin dito" sabi ni daddy at umalis sa table namin kasama si mommy
"Why are you two not talking?" biglang tanong ni Kyra, wala naman sa'amin ni Kai ang sumagot
"I'll leave you two here. You're both boring" sabi ni Kyra habang umiiling at umalis na 'rinsa table namin
Kami nalang ang natira ni Kai sa table dahil nag-eentertain ng ibang bisita ang mga magulang 'nya. Kumaikain lang kami ng tahimik nang biglang ibinagsak ni Kai ang kubyertos 'nya at umimik
"Are you that desperate to follow me here? You're so pathetic" naiirita 'nyang sabi at tumayo para umalis
°°°
"Mackenzie." mariing tawag ni Carmen sa'akin. Hindi ko naman 'sya pinansin at nanatiling nakadapa sa kama ko at iniisip ang sinabi sa'akin ni Kai. Sinundan ko daw 'sya? Hindi ko nga alam na nakatira 'sya 'dun!
"Mackenzie Aphrodite Verzosa-Silvestre!" pag-banggit ni Carmen sa buong pangalan ko
"Ano?" matamlay 'kong tanong at umupo sa kama ko
"Ganyan na naman ang routine mo? Kapag sinasabihan ka ng masasamang salita ng gagong 'yon ay iiyak ka?! Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo sa'kanya? Maganda ka naman, maraming nagkakagusto sa'yo. Bakit hindi mo ituon ang atensyon mo sa nagkakagusto sa'yo? Bakit mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo kay Kai?!" inis na sabi ni Carmen
"Mahal ko kasi" simpleng sabi ko. Tuwing sinasabihan 'nya ako na mag move-on kay Kai ay pasok sa kaliwang tenga ko at lalabas sa kanan ang mga sinasabi 'nya
"Okay, fine. Mahal mo 'nga, susuportahan kita 'dyan sa katangahan mo. But can you atleast take a break?"
"Okay." sabi ko at dumapa ulit, ilang sandali lang ay naramdaman kong umalis na si Carmen sa kwarto ko. Isang linggo lang, pipilitin 'kong huwag pansinin si Kai. Wala pa namang pasok kaya alam kong magiging madali lang ito. Besides, I need to take a break nga naman sa mga katangahan ko
"Kenzie, labas tayo!" sabi ni Carmen sa'akin. Nandito kami ngayon sa living room ng bahay namin. Two days ko na rin hindi nakikita ang love of my life ko na si Kai dahil hindi ako lumalabas ng bahay
"Saan tayo pupunta?" tanong ko at kumagat sa donut na hawak ko
"Mall."
"Nanaman? Nakakasawa na 'dun" sabi ko at ngumiwi. Lagi nalang kasi kaming nasa mall at nakakasawa na ang pagmumukha ng mall na 'yun
"Edi sa park!" sabi ni Carmen at tumayo. Tumayo naman din ako at naglakad papunta sa pinto at binuksan 'iyon. Hindi na namin kalingan magpalit dahil pwede na kaming isali sa fashion show kahit naka-shorts lang at naka-longsleeves at sandals
Nakaupo lang kami sa swing habang nakatingin sa mga batang naglalaro, mga pamilyang nagpi-picnic, at nga nagka-relasyong nag p-PDA
Napatingin naman ako sa dalawang taong nagkasama. Si Kai at ang nakakabatang kapatid 'nya na si Kyra. Nakaupo lang sila sa bench habang nag-uusap at kamakain ng ice cream. Napasulyap si Kai sa direksyon ko kaya nagkatitigan kami pero una akong umiwas ng tingin. Wow! First time 'yun! Tuwing magkakatinginan kasi kami ay 'sya lagi ang umiiwas ng tingin
"Tara na?" aya ko kay Carmen. Baka kasi pag nagtagal pa kami dito ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at pumunta kay Kai at yakapin 'sya
"Kararating pa nga lang natin! Para naman makalanghap ka ng fresh air! Lagi kang kulong sa bahay 'nyo!" sabi ni Carmen at tumayo para pumunta sa nagbebenta ng fishball
Hinintay ko 'syang makabalik at tinignan nalang si Kai. Kausao 'nya ang kapatid 'nya ngayon at ngumingiti 'sya sa mga kinekwento ng kapatid 'nya sa kanya. Napalingon sa'akin ni si Kyra at nakitang nakatingin ako sa kanila ni Kai. Nagulat ako ng biglang tumayo si Kyra at kinuha ang kamay ni Kai tapos tumakbo sa direksyon hawak ang kamay ni Kai
"Hello!" sabi ni Kyra kaya naman ngumiti ako
"H-hi." sabi ko at sumulyap kay Kai. Blangko lang ang ekspresyon 'nya habang nakatingin sa'akin. Tinignan ko kung nasaan si Carmen at nakitang nakikipag-usap 'sya sa aleng nagtitinda ng fishball kaya tumayo na ako
"Mauna na ako. Bye!" nakangiting sabi ko kay Kyra at mabilis na naglakad papunta kay Carmen. Oo, kaca-reerin ko talaga ang hindi pagpansin kay Kai kahit miss na miss ko na ang pagtataray 'nya sa'akin
"Oh? Bakit umalis ka 'dun?" tanong ni Carmen nang lumapit ako sa'kanya
"A-ah... natatae ako." pagdadahilan ko. Itinaas naman 'nya ang isang kilay 'nya, ibig sabihin 'nun ay hindi 'sya naniniwala pero tumango lang 'sya at umalis na kami
Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na si Carmen na uuwi na 'sya. Wala naman si mommy at daddy dito dahil may urgent meeting daw sila. Ang kasama ko lang dito ay ang mga security guards nakin at ang sandamakmak namin na mga katulong
"Mackenzie, may bisita ka. Nasa labas 'sya" sabi ni Manang Poly, ang mayordoma ng bahay namin. Tumayo naman ako at pumunta sa double doors namin at tinignan kung sino ang bumisita sa'akin
Nanlaki naman ang mata ko ng makita na nakatayo si Kai sa harap ng pinto namin
"What are y-you doing here?" tanong ko
"You forgot this" sabi 'nya at binigay ang black na pouch na dala ko sa formal party sa bahay nila. Bakit ngayon lang 'nya naisipan ibalik? Inabot ko ang pouch ko at hinintay 'sya na umalis pero wala yata 'syang balak na umalis dahil nakakunot lang ang noo 'nya at nakatingin sa'akin
"What are you doing?" supaldong tanong 'nya at itinaas ng konti ang isa 'nyang kilay
"H-ha?" tanong ko. Wala naman akong ginagawa ah!
"Why are you ignoring me?" mahina pero mariin 'nyang tanong
"Ano?" naguguluhan na tanong ko. Ano bang pinagsasasabi nito?
"Wala. Bingi" malamig 'nyang sabi at tumalikod tapos naglakad paalis
Napakunot nalang ako ng noo at sinaraduhan ang double doors. Di kaya nami-miss 'nya ako? Napailing nalang ako sa nainsip ko dahil 'sya na nga mismo ang nagsabi na hinding-hindi 'nya ako papatulan. Baka tinopak lang 'sya
Umupo ako sa sofa at tinignan ang pouch na ibinalik 'nya. Hindi nga kaya na-miss 'nya ako? Parang imposible naman yata ang ilusyon ko. Bakit 'nya ako mami-miss, meron naman yata 'syang girlfriend dahil may kahalikan 'sya sa parking lot noong nakaraang mga araw
°°°°°